Chapter 5

12 2 0
                                    


Nanatili lang akong tahimik sa byahe. Ewan ko ba, gusto kong magtanong ng magtanong pero sinarado ko agad ang isipan ko. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit pinoprotektahan ko ang isip ko. Siguro dahil nababasa ng lalaking kasama ko ang nasa isip ko? Nawiwirduhan na ako sakaniya... Sobrang daming tanong ang bumabalot sa isip ko pero di ko malaman kung bakit mismong sarili kong bibig ay ayaw bumuka at magsalita.

Naging swabe lang ang byahe... Limang oras kaming nasa eroplano. At ngayon, bababa na kami.

"We're already here," malamig na giit ng lalaking nagngangalang Helldrion. May kaunting ngisi sa labi niya na kakaiba. Kakaiba...

"I see," tanging naisagot ko at nanatiling walang emosyon.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad pababa ng eroplano. Tuloy-tuloy na sana ako sa paglabas nang makita ko ang pinagbabaan namin.

Isang kagubatan. Isang kagubatan ito! P-Paanong? B-Bakit?

"Hindi ito ang lugar kung saan nagte-take-off ang mga eroplanong dumarating. This is actually a secret area..." mahinang sambit ni Helldrion, sapat na para marinig ko.

"Kung sikretong lugar ito, bakit dito ako pinababa?" Nalilitong natanong ko siya. Kasi kung sikretong lugar ito bakit sila magbababa ng baguhan dito?

Hindi siya sumagot. Tinitigan ko siya at hinuhulaan ang nasa isip niya. Nabigla ako nang mabasa ko ang sinabi niya.

"B-Because you're a Sangre..." ang mga salitang nasa isip niya ngayon.

"A-Anong Sangre?" napatanong ako.

Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ako at saka umiling. "A-Ah! Wala.. Let's go," balewala niyang sagot sa tinanong ko.

Nanliit ang mga mata ko. Imbes na magtanong ay sumunod nalang ako sa pupuntahan niya. Napatingin ako sa paligid. Isa itong napakalaking kagubatan. Pero sa lugar na pinaglagyan ng eroplano ay walang mga puno na para bang sinadya iyon upang may maliit na airport ang secret area na sinasabi ni Helldrion.

Mga ilang minuto bago namin makita ang gate. Katamtaman ang laki nun at kulay itim ang gate, kulay pula naman ang naka-calligraphy nitong sulat na ang nakalagay ay Vampiro High at nakalagay sa ilalim nito ay...

Vampiro High

'La escuela de la Familia de Sangre'

(It means...

Vampire High

Blood Family's school)

Napangiwi na naman ako sa nabasa. Tulad noong sulat na pinadala, hindi ko rin alam kung anong kahulugan ng mga salitang nabasa ko. Spanish ata ito..

"A-Anong ibigsabihin nito?" tanong ko kay Helldrion habang nakaturo sa salitang nasa gate. Abala naman siya sa pagtitingin ng lock nito.

Hindi na naman siya sumagot at binuksan ang gate. Pumasok siya rito at sumesensyas na pumasok na rin ako kahit pa tinatanong ko na kung anong ibigsabihin nun.

Gusto ko pa sanang magprotesta nang bigla siyang nawala sa paningin ko at biglang napatingin ako sa tabi ko at nagulat ako nang hawak niya ako sa bewang, at saka hinila papasok ng gate! Hindi ko man lang naramdaman ang masakit niyang paghila dahil sa sobrang bilis niyang galaw! Napamaang naman ako at nanlalaking matang tumingin sakaniya!

Sa sobrang gulat ay hindi ako makapagsalita. Kumikibot ang mga labi ko na parang may gustong sabihin ngunit walang lumalabas na sa aking bibig.

Bigla siyang tumawa. Sumingkit ang mga mata niya at lumabas ang ngiping kayputi! Natauhan ako bigla!

Bigla naman siyang natauhan sa naging reaksyon ko. Buong pagkikita namin ay nakasimangot siya at malamig kung magsalita at tumingin. Kung kaya't nagulat ako nang tumawa siya.

Bigla siyang sumeryoso. "Let's go, follow me." Seryosong sabi niya.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Napapikit ako bigla nang nakaramdam ng kaginhawaan. Ewan ko ba, biglang gumaan ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa sarap ng simoy ng hangin.

Lumingon si Helldrion sa akin nang makitang nakahinto pala ako. Nabalisa ako agad at agad ding nakabawi saka sumunod sakaniya. Habang naglalakad sa bungad (malapit sa gate) ay puro puno pa rin ang nakikita ko.

"Sagana siguro sa tanim ang lugar na ito, Helldrion?" biro ko ngunit hindi niya ako inimik. Tinignan niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakasunod lang ako sakaniya. Mga nasa 15 minutes na kaming naglalakad at nangangalay na ang paa't kamay ko. Hila-hila ko ang maleta ko, e. Tapos etong shoulder bag ko ay ang bigat pa! Medyo sumasakit at ngalay na talaga ang mga paa't kamay ko.

Narating din namin ang tunay na Vampiro High. Sobrang lawak. As in! Sobrang lawak nito! Hindi ko maiwasang mamangha... Napakalaking eskwelahan naman nito...

"Iyong buildings na iyon," giit ni Helldrion habang nakaturo sa mga buildings na bandang kaliwa, malayo-layo sa eskwelahan. "Mga dormitoryo iyan kung saan nakatira ang mga nag-aaral sa Vampiro High," dagdag niya.

"P-Paano ko 'yan mapupuntahan?" tanong ko. Malayo ito, sobrang layo. Kung kanina ay kinse minutos kaming naglalakad, eh baka rito abutin ako ng siyam-siyam! -____-

"Sasamahan ka ni Aria," giit ni Helldrion at nagulat naman ako nang sumulpot ang babaeng nasa gilid niya!

Balikat lang namin siya ni Helldrion. Makinis ang kutis nito at may magandang hugis ng katawan. Dalagita, batang-bata pa sa paningin ko. Masasabi kong napakaganda niya dahil sa kaniyang tuwid at kumikinang na buhok, matangos na ilong, masayahing mga mata at maninipis na labi.

"Buenos días, su alteza..." (Good morning, your highness...) ani ng nagngangalang Aria at nagbow sa akin.

Nalito ako bigla. Hindi ko na naman maintindihan ang sinabi niya. Hindi talaga ako marunong mag-Spanish dahil hindi ko naman alam na kailangan pala ritong nag-e-espanyol!

"Ella no puede entender el idioma español, Aria.." (She cannot understand Spanish language, Aria..) sagot ni Helldrion sakaniya.

"Oh, lo siento por eso..." (Oh, I'm sorry about that...) sabay yuko ni Aria.

"Ihatid mo siya sakaniyang magiging tirahan," utos ni Helldrion na kinatango ni Aria. "Darating na ang kalesa," dagdag niya.

'K-Kalesa?! KALESAAAAAAA??!!!!'

"Creo que es su primera vez montar eso?" (I think, it's her first time to ride that?) sabi ni Aria.

"Si.." (Yeah..) tugon naman ni Helldrion.

Hindi ko talaga maintindihaaaaaaaan!!!!!!!!!

ANONG NANGYAYARI SA WORLLLLLDDDDDDDDDD?!!!!!??????? SUSME, LITONG LITO NA AKOOOOOOO!!!!

Sabay natawa sina Aria at Helldrion, tila ba pinagkakaisahan ako. Dumating na ang kalesa, napakagandang kalesa.

"Isa sa pinakaespesyal ang pinadala niya..." nakangiting sambit ni Helldrion. Iyong ngiting walang pang-aasar o ano. Nagulat naman ako!

'Niya? Sinong niya?'

"Halina't sumakay na tayo, magandang binibini..." nakangiting sabi ni Aria at inakay ako paakyat ng kalesa. Kulay pula ang desenyo nito. Ang kabayo'y may kulay pulang mga mata at puting mga balahibo.

Sumakay na lamang ako at nalilitong bumaling kay Helldrion dahil sa sinabi niya.

"Cuídate.. entenderás todo muy pronto.. Te amo, mi hermana.." (Take care.. you'll understand everything soon.. I love you, my sister..) pagkatapos niyang sabihin ito ay umandar ang kalesa at napalingon nalang ako dahil malayo na pala kami sakaniya.

'A-Ano raw?!' 

VAMPIRO HIGH [Unedited]Where stories live. Discover now