Nakahanda na ang mga gamit ko para pag-alis ko. Napalingon ako sa maleta at isang shoulder bag...
'Kailangan ko na ba talagang umalis para lang puntahan yung Vampiro High?'
Napabuntong hininga ako at napatingin sa cellphone kong tumutunog..
Principal is calling...
"Oh?" Naisagot ko at nagsimula ng maglakad pababa ng sala dala-dala ang gamit ko.
"Good morning," natatawang bati niya. "Iyan na ba ang magandang bati sa umaga ngayon? Muhkang outdated na ako sa nauuso..." biro niya pa.
"Ano bang kailangan mo?" Nag-iinit ang ulo kong tugon. Napakaaga pa lamang, ala-sais ng umaga!? Pinag-ayos ako ng ganito kaaga tapos tatanungin ako kung bakit gano'n ang bati ko sakaniya?
'Sinong gunggong ang matutuwa kung ang sarap ng tulog mo tapos ginising ka bigla mula sa higaan mo? Tssss...'
"Nasa akin ang ticket mo, kailangan mong sumakay ng eroplano..." natatawa pa rin niyang sagot.
"Ano?! Pero sabi mo--"
"Tsss, sinabi ng Dean iyon. Siya mismo nagpadala ng ticket sa akin para hindi ka na gumastos pa," sabi niya. "Nga pala... May kuwarto ka na rin doon, may gamit na rin sa loob nun..."
"Ha? Anong ibig mong sabihin? Hindi pa nila ako kilala--"
"Pumunta ka na lamang muna rito sa Marine Academy. Huwag na masyadong maraming tanong.. May kailangan ka pa ring bilhin, iyong mga gamit mo sa eskwela pero ang titirhan mo ay ayos na." Final na sabi niya at pinatay ang linya.
Pagkababa ko ay nakita ko si Tita na nakatulala at sabay banggit sa katagang... "Malapit na.. Malapit na.." mahina ngunit sapat na para marinig.
"T-Tita," nauutal kong tawag sakaniya. "Tita, aalis na po ako..." paalam ko.
"Bilisan mo.. Mag-ingat ka dahil..." tumingin muna siya sa akin bago ipagpatuloy ang sasabihin. "Malapit na sila!"
Kinilabutan ako bigla nang biglang manlisik ang mga mata ni Tita! Napaatras ako at hindi ko malaman kung paano tatakbo! Agad kong hinila palabas ang maleta ko habang nasa balikat ko ang shoulder bag.
Pumara agad ako ng jeep papuntang Marine Academy. Kinakabahan ako, hindi ko malaman kung bakit. Napalingon naman ako bigla sa lalaking nakasalamin..
'S-Siya yung lalaking nakikita ko! Siya yung nasa ilalim ng p-puno! Siya yung nakashades!'
Binaba niya ang shades na salamin niya at tumingin nang deretso sa akin. Sakto namang nasa tapat na kami ng Marine Academy kaya bumaba ako! Pero hindi ko akalaing pati siya ay bumaba rin tulad ko!
Nagmamadali akong pumasok at dahil wala pang guard, mabilis lang akong tumakbo papunta sa Principal Office. Hiningal ako dahil dala ko ang maleta ko sa pagtakbo. Pagpasok ko naman sa office ay naroroon si Principal. Nakatalikod ito at tila ba may kausap.
"They won't hurt her... Yes- no, they will not do it.. In fact, they really need her.. so bad.. -- they won't-- I won't let them, yes-- okay-okay... Bye.." saad pa nito sa telepono.
Nang humarap siya ay napaigtad pa siya. Binalewala ko ang kausap niya kanina at agad na nagtanong.
"Nasan ang plane ticket ko?"
Inabot niya naman sa akin yun. "Bilisan mo na, naghihintay ang eroplano..."
"Saang terminal--"
"Sa likod ng Marine Academy. Nasa malaking lote ng Marine Academy ang eroplanong sasakyan mo. Sasamahan na kita, tara na..." sabi niya at hinila ang maleta ko.
Nauuna siyang maglakad kasunod ako. Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon. Napatingin naman ako kay Principal na biglang tumawa. Lumabas tuloy wrinkles niya! -_____-
"Hanggang ngayon pa rin pala ay binabantayan ka niya..." bulong nito at lumingon sa lalaking naglalakad papuntang malaking lote.
Nangunot ang noo ko. "Sino ba 'yon?" Tanong ko na ikinatawa niya. Sa halip na sumagot ay umiling siya at ngumiti ng tipid.
Nang makarating kami sa malaking lote ay may isa ngang eroplano roon at tila ba ako ang hinihintay. Nanguna naman si Principal para ilagay ang gamit ko. Napatingin ako sakaniya.
"Maraming salamat, Principal--" hindi ko naituloy ang pagpapasalamat ko ay biglang may sumugod na hindi ko kilala! Lalaki ito at malaki rin ang pangangatawan. Naestatwa naman ako sa aking kinalalagyan dahil sa aking nasaksihan!
"Hell! Pumasok ka na!" Sigaw ng Principal.
Nabaling naman ang paningin ko sa lalaking humawak ng balikat ko. Rumarami ang sumusugod at lalo akong napako sa kinatatayuan ko.
"Hell," tawag ng lalaking nakasabay ko sa jeep.Napalingon ako sakaniya at nagtatakang tumingin. "Tara na," dagdag nito at hinila ako.
"But-- Principal!" tawag ko at lumingon dito.
"Just go, Hell!" sigaw nito habang nakikipaglaban.
"Hellzell!" napalingon ako sa tumawag! Si Tita! "Umalis ka na hangga't hindi pa sila dumarami!" sigaw nito at tila ba nabalik na sa ulirat. Nakikipaglaban siya at may bahid na ng dugo ang damit niya.
Ngumiti siya sa akin nang totoong ngiti. Napangiti ako at naluha.
"Let's go..." marahang hinila ako ng lalaking kasama ko. Pagkapasok na pagkapasok ay pinaandar na agad ang eroplano. Mula sa ere ay nakikita ko kung paano makipaglaban sila Principal at Tita. Hindi ordinaryong laban lang ang nakikita ko..
Napasandal ako sa kinauupuan ko. Naipikit ko ang mga mata ko sa pagod kakaisip. Nakakaapat na kami sa eroplano.
"Are you alright?" malamig na tanong ng nasa katapat kong upuan. Yung lalaki.
Tumango ako at tumitig sakaniya.
'Blonde ang buhok. Ang mga matang parang bagong gising dahil sa pungay nito. Ang ilong na matangos. Ang labing mapula-pula. At ang kutis nitong parang yelo sa puti, pati ang hugis ng muhka ay parang nakita ko na..'
"Yes," walang emosyong sinabi niya. Nagulat ako at hindi makapagsalita.
'Nababasa niya ang nasa isip ko?!'
"Yes," sagot ulit nito at napangiwi ako.
"S-Sino ka ba?! Bakit mo ko sinamahan dito?! Alam mo ba kung saan ako pupunta? At bakit nakikipaglaban sila Principal at Tita? Bakit gusto nila akong makuha?! Sino ka ba at parang kilala mo buong katauhan ko?!" bulaslas ng bibig ko.
"Ako si... Ako si Helldrion. At alam ko ang buong katauhan mo."
What?
YOU ARE READING
VAMPIRO HIGH [Unedited]
مصاص دماءVampiro High. Isang ciudad kung saan may isang paaralan. Ang PINAKAKAKAIBANG CIUDAD na magpapawindang sayo kapag napasok mo.. At isang PAARALAN Kung malalaman mo ang misteryo sa loob nito, nanaisin mo pa kayang mag-aral at tumira dito? She's Elizabe...