HELLZELL'S POV
"Good morning, Eli!!!!!!!!!"
"Arf! Arf!" Napatayo sa gulat ang alaga kong aso dahil sa malakas na sigaw ko.
"Hahahahahahaha!" Natawa ako sa pagiging magugulatin niya. Sarap pala sa feeling ng nanggugulat... Kaso ako lagi yung napagtitripan nila Bella at Lovette. -.- pati pala si.. Knight. Kamusta na kaya sila?
"Kamusta na kaya sila Knight?" Napatanong ako habang hinihimas ang ulo ni Eli. "By the way, lilipat na tayo sa palasyo! Gusto mo ba yun, ha?" Na-e-excite kong tanong habang niyayakap na si Eli.
Isang oras akong naghanda para sa paglipat namin. Napapaisip ako sa mga subjects na nakaligtaan ko. Sabi naman kasi ni Ma'am Kianna, siya na ang bahala roon... Pero siyempre, hindi ko rin maiwasang mag-isip tungkol doon.
Shoulder bag at maleta. Iyon din ang dala ko tulad noong unang pasok ko rito. Grabe... Parang dati wala pa akong kaibigan dito.
*briizzkk!*
One text message received.
From: Bella
Uy! Balita ko, sa palasyo ka na raw titira? Yipeeee! Lagi nga akong dadalaw! Charot. Ingat! :>
Natatawa ako habang nagtitipa ng irereply ko.
Ako:
Baliw! Haha. Oo ngayon ako lilipat. Ingat ka rin.
Napailing nalang ako. Nagsimula na akong maglakad habang nasa gilid ko si Eli.
*briizzzk!* *brriiizzkk!*
Two text messages received.
From Lovette:
Pa'no ba 'yan? Ngayon na lipat mo! Lagi kaming dadalaw ni Bella para libre sa pagkain. Hindi naman siguro kami haharangin ng kawal ng Hari't Reyna? Mwehehehehe.
Mas lalo akong natawa! Maski nga ako hindi ko pa nakikita ang Hari pati na rin ang Reyna. Kailan ko kaya sila mai-me-meet? Kilala kaya ako ng mga yun? Si Helldrion palang ang kilala ko sa palasyo bukod kay Aria... May isa pa kayang prinsesa? ----- eh, bakit ba kasi ako nag-iisip?! Siraulo!
Ako:
Sira! Haha. Napakabaliw mo talaga.
Binuksan ko naman ang isa pang mensahe. Kanino galing 'to?
Unknown number:
Hi, ingat ka sa paglipat. I miss you.
Hanudaw? Teka? Imposible namang si Helldrion 'to? Eh, never ko pa yun nakitaan na may hawak na cellphone at kahit anong gadget. Sino kaya 'to?
Hindi ko nalang nireplyan, baka mamaya, stalker pa yun!
Wao, feeling mo naman may mang-iistalk sayo? Psh baliw!
Pagkababa namin ni Eli ng gusali, naroroon na yung kalesang sundo na pinadala ni Helldrion.
Napangiti ako. Simple lang kasi yun pero magarbong tignan. Sumakay ako, dala ang mga gamit ko pati na rin si Eli.
Medyo may kalayuan din ang palasyo. Mas malayo kasi yun kesa sa Vampiro High Escuela, mga isang oras din bago makarating doon.
**
Nakatulog ako at nagising nalang ako sa dila sa aking muhka ni Eli. Natawa nalang ako kasi ganoon lagi siya kapag ginigising niya ako. Hindi ko na nga kailangan ng alarm clock dahil sakaniya palang nagigising na ko!
YOU ARE READING
VAMPIRO HIGH [Unedited]
VampireVampiro High. Isang ciudad kung saan may isang paaralan. Ang PINAKAKAKAIBANG CIUDAD na magpapawindang sayo kapag napasok mo.. At isang PAARALAN Kung malalaman mo ang misteryo sa loob nito, nanaisin mo pa kayang mag-aral at tumira dito? She's Elizabe...