Chapter 22

5 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

"ARE YOU A ROBOT?" Tanong ni Hellzell kay Succubus.

Pinalabas sila ng Hari dahil mag-uusap daw muna ang Reyna at Hari. Ngayon ay naglalakad sila pababa.

Natawa si Helldrion sa tanong ni Hellzell kay Succubus na inilingan si Hellzell.

"Bro!" Akbay ni Knight kay Seth, irita siya nitong nilingon. "Grabe! Hindi ko ma-imagine na ganito ako kasungit kapag nakatingin ako sa muhka mo!" Umiiling pa ito.

"Get off," utos ni Seth. "Kung ayaw mong hindi na abutan ng araw, alisin mo 'yang kamay mo." Malamig nitong banta.

Knight put his hands in the air. "Hep! I gave up!" Natatawa nitong tugon sa kakambal na nginiwian lang siya.

Nanahimik lamang silang lahat pero ang isip ni Hellzell ay hindi mapakali. Paanong nagkaroon ako ng kakambal? Wala namang binanggit sa akin si Tita Greta!

"Hmm..." Nag-iisip na himig ni Hellzell. "Saan ka nakatira?" Tanong nito kay Succubus. "Anong pangalan mo-"

"Jezebeth Succubus from North." Putol niya sa itatanong ko pa lamang. Malamig niya iyong sinabi na para bang may yelo sa bibig niya.

"Be nice to your twin, Succubus..." Saway ni Helldrion.

"I'm nice," sabad ni Succubus, nananatiling walang reaksyon.

"Masungit ka." Nakangiwing giit ni Helldrion.

"The hell I care," walang ganang sagot ni Succubus.

Ang lamig ng aura niya, hindi lang malamig, para bang may bumabalot sa katauhan niya.

"Anong hitsura ng North?" Na-e-excite na tanong ni Hellzell. "I mean, di ba naririto tayo sa South ngayon? That's what I heard from Ma'am Kianna..."

"North is the most dangerous place here in this world," tanging sagot ni Succubus.

"Don't scare her," saway muli ni Helldrion.

"I'm not." Dipensa ni Succubus.

Mahinang natawa si Hellzell. Nanahimik na ang lahat nang makarating sa baba.

Bumungad naman ang gulat na mga muhka nina Lovette at Bella. Naroroon ang nakangiting si Kianna.

"Guess... You're back," nakangiting sambit ni Kianna kay Succubus.

Hindi sumagot si Succubus at tinapunan niya lang ng tingin si Kianna.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Hellzell sa dalawa.

"Of course..." Sagot ni Kianna.

"TEKA?" Singit ni Lovette. "Clone ba 'to?!" Gulat na tanong niya.

"I'm... shocked," dahan-dahang sambit naman ni Bella na parang natulala lang kay Succubus.

"You should be," sabad ni Succubus, tinapunan si Bella ng malamig na tingin.

"Ehem," pumeke ng ubo si Helldrion. "This is Jezebeth Succubus, Elizabeth Hellzell's twin sister..." Anunsyo niya.

"And this is my twin brother!" Biglang singit ni Knight at umakbay sa kakambal. "His name is--"

"I can introduce myself, idiot." Kumalas si Seth sa pagkakaakbay ni Knight. "I'm Azazel Seth Vladimir."

"Aw! That's an effort, bro!" Umikot ang mata ni Knight.

"Gay..." Nakangiwing pang-aasar ni Seth.

Naagaw naman ng pansin ni Hellzell at lihim na pagngiti ni Succubus habang nakatingin kay Seth.

"Hey..." Lumapit si Hellzell kay Succubus nang kaunti at binunggo ang balikat nito.

Napakunot ang noo ni Succubus. "What?" Hasik nito.

"I saw you smiled after you looked at Seth," nakangising bulong ni Hellzell kay Succubus.

"I-I didn't." Utal na dipensa ni Succubus na nag-iwas ng tingin.

"If you say so..." Natatawang giit ni Hellzell.

"Kabaklaan talaga ni Knight umiiral!" Hagalpak ni Bella. "Hay! Kailan ka ba magbabago? Kailan ka titigil sa pagiging bakla mo?!" Tumatawang pang-aasar niya kay Knight.

Sumabay sa pagtawa ni Bella sina Lovette at Kianna. Nakatingin lang si Succubus sakanila pati si Seth. Si Helldrion naman ay nakangisi habang may panunuksong tingin kay Knight na nakatitig kay Bella, nakangiti ito at tila ba nagustuhan ang pagtawa at pang-aasar nito sakaniya.

Nagbaba ng tingin si Hellzell at napalunok dahil sa pagtitig ni Knight kay Bella, nahuli naman iyon ni Succubus.

Binunggo ni Succubus ang balikat ni Hellzell tulad ng ginawa nito kanina. "O-Oh?" Napaangat agad ng tingin si Hellzell sakaniya. "B-Bakit?" Nababasag ang boses niya.

"You're jealous of them," nginuso ni Succubus ang nag-aasaran na sina Bella at Knight.

"I-I'm n-not..." Nauutal na pagtanggi nito at nag-iwas naman ng tingin.

Hindi na sumagot pa si Succubus.

"Tama na 'yan, baka mauwi sa balikan yung pag-aasaran niyo..." Nakangising sabi ni Helldrion, nang-aasar.

"Baliw ka! Hindi, ah!" Mabilis na tanggi ni Bella.

"Well? Hahahahaha!" Tanging sagot ni Knight.

"Such a gay," mahinang komento ni Seth, nakangiwi.

Napalunok lalo si Hellzell sa nasasaksihan. Parang unti-unting dinudurog ang puso niya. Alam niyang wala naman ng nararamdaman si Bella kay Knight pero ang gusto niyang si Knight ang may nararamdaman pa para kay Bella.

Napatingin naman si Succubus kay Hellzell. Gustong gusto niya itong hilahin palabas para hindi nito maramdaman ang sakit na dinudulot ng dalawa sakanilang harapan.

"Baka gusto mo kaming pakainin, Helldrion?" Sarkastikong singit ni Succubus, naiisip niyang iyon ang paraan para malayo sa usapan ang utak ni Hellzell.

"Oo nga! Baka naman kasi, diba? Naghintay kami rito--"

"Oo na, Kianna! Dami mong sinasabi!" Nakangiwing sambit ni Helldrion kay Kianna.

Tumawa naman nang pagkalakas-lakas si Kianna. Doon naman napatitig si Seth. She looks so beautiful... Napangiti nang tipid ang binata sa ngiti ni Kianna.

Napaiwas ng tingin si Succubus nang marealize ang isang bagay. Si Kianna lamang ang may kakayahang pangitiin siya nang ganiyan..

Nang mag-iwas naman ng tingin si Succubus, tumama iyon sa nakatingin sakaniyang si Hellzell.

"You feel me?" Nanghihinang tanong ni Hellzell kay Succubus.

"I-I don't know what you're talking about," pinanatili ni Succubus ang kalmadong hitsura at umiwas ng tingin kay Hellzell.

"Okay," tugon ni Hellzell.

"Let's go," ani ni Helldrion.

"Where are we going?" Tanong ni Lovette.

"Chill at Hazell's Restaurant," nakangiting tugon ni Helldrion. Napaiwas ng tingin si Lovette dahil sa ngiting iyon. "Aria!" Nang makita ng binata si Aria, tinawag ito.

"P-Po?" Lumapit ito sakanila. "Ano pong maipaglilingkod ko?"

"Tara, sumama ka sa amin..." Nanatiling tahimik ang lahat nang yayain ni Helldrion si Aria.

"Pero--"

"Tara na, wala ng pero-pero!" Giit ni Helldrion at marahan at masuyong hinila pa sa braso ang dalaga.

Hindi nakatakas ang paghawak ni Helldrion kay Aria sa mga mata ni Lovette, bumakas ang selos at pagkainggit.

At nagtungo sila sa Mall of Harris, kung nasaan ang Chill at Hazell's. 

VAMPIRO HIGH [Unedited]Where stories live. Discover now