BAHAGYANG itinulak ni Catherine ang pinto ng kaniyang opisina nang bigla na lamang itong lumiwanag at pumutok ang ilang party poppers. Umulan nang maraming confetti dahilan kung bakit nagmistulang bahaghari ang kaniyang white-tiled na sahig. Disoriented pa siya ng kaunti sa pangyayari. At napagtanto nga niya kalaunan kung bakit may pa-party na naganap sa kaniyang silid.
"Congrats Madam Cath! You've made us all proud again. Isa na namang deal ang na close mo—Ikaw na talaga!" Ani ni Patricia, ang kaibigan slash walong taong sekretarya ni Catherine simula nang makapasok siya sa Sapphire Inc. Sinabayan din ito ng iba pa niyang mga ka-trabaho. Tuluyan na siyang napangiti.
"At talagang nag-abala pa kayo, ha!" Sagot niya sabay tanggap ng mamahaling boquet ng mababangong pulang rosas mula rito. Inabutan din siya ni Lorraine ng kopita ng alak.
"Pero Salamat. Salamat sa pabulaklak, Salamat sa party, Salamat sa lahat! Kasi kung hindi rin naman sa tulong niyo, eh hindi rin maganda ang maipre-present ko sa mga kliyente─ So, cheers sa para sa ating lahat!"
"Cheers!"
"Grabe naman 'yong pa-thank you mo gurl, para namang aalis ka na kung makapagpasalamat!" Puna ni Frances. Ngunit, inunahan na siya ni Patricia sa pagsagot.
"Naman! Let's claim it na oh! Si Cath ang susunod kay Madam Grace bilang Vice- President ng kompanya!"
"Ay! ─Agree ako diyan Mars! Apir!" Segunda naman ni Fiona.
Napailing na lang si Catherine sa advanced na pag-iisip ng mga katrabaho niya. Kasalukuyang kasi siyang Head ng Marketing Department ng Sapphire Inc. Isang advertising company sa Pilipinas. At maugong ang kaniyang pangalan bilalang papalit sa nasabing Vice President ng kompanya. Gayunpaman, mahigit walong taon na rin ang kaniyang serbisyo sa naturang kompaniya. At masasabi namang mabuti siya bilang empleyado dahil maayos ang kaniyang pakikitungo sa mga kapwa katrabaho at maging ang gawa niya mismo ay napakahusay. Marami na rin siyang proposals at project na naging tagumpay. Kaya nga hindi nakakapagtaka kung bakit binansagan siyang utak at muka ng naturang kompaniya.
"Alam niyo guys wag niyo na munang pangunahan, okay? Baka maunsyami pa, Naku!" Pagsaway niya sa mga ito. Subalit, humurit pa si Frances.
"Ay sus! Ikaw pa ba?"
Nagtawanan silang lahat maliban sa kaniya na pangiti-ngiti lamang.
On the second thought, totoo namang nag-aabang din siya sa nasabing promotion. Medyo matagal-tagal na actually. Although, hindi naman siya nagmamadaling makuha ang posisyon dahil maayos naman ang kaniyang pamumuhay.
She can sustain her needs. Buy whatever she wants. She has savings and insurance anyway. Isa pa, wala na siyang ibang sinusustentuhan bukod sa sarili niya. Tuluyan na kasi siyang naging ulila three years ago. She lost both parents on a car accident.
Bagaman istrikto ang mga magulang at pinalaking competitive, kalaunan ay natutunan naman niyang maging kontento sa mga bagay-bagay.
But the thought of finally getting her rewards after all the efforts she has given to the company, iyon ang inaasam niya. She deserves the promotion, she thought.
"Well, if it's meant to be, then it is. Intayin na lang natin." She humbly said. Keeping away herself from disappointments. Mahirap nga namang mag-assume. Don't count the chicks before they hatched ika nga.
Minsan na kasi siyang umasa and it didn't end well. Nasaktan siya. But it was all in the past now. She learned from it already. She has moved on, hasn't she?
"Well tama ka nga. Anyway, sana nga at makapili na agad ng papalit kay Madam Grace bago ang merging ng kompaniya ano?"
"Kako sana hindi tayo maapektuhan." Tumango naman silang lahat at nagkasundo.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
ChickLitA typical rivalry of two intelligent individuals who fought over the validectorian spot on their high school years. Unbeknownst is an unrequited love of a boy that leads to the success of the girl which by then is separated by different opportunitie...