Kabanata II

8 1 0
                                    

KINABUKASAN ay maagang nagtipon-tipon ang ilang mga representatives, may-ari ng Adeline Group of Companies at executives ng Sapphire Inc. sa malaking conference room ng huli. Alinsunod sa naganap na pagbebenta ng kompaniya, kailangan nang maipasa ang mga responsibilidad at tungkulin sa bagong may-ari. Dagdag na rito ang iilang mga pagbabago sa sistema ng pamamalakad, posibleng pagbabago ng pangalan at iba pa.

Naging maayos naman ang takbo ng kanilang pag-uusap hanggang sa napunta ang usapan sa pagpapalit ng posisyon ng Vice- President ng kompaniya.

"Honestly, I have been eyeing a person to assume my position Don Arturo. Although, bilang bagong may-ari ng kompaniya, we respect your decision, sa kung sino man ang inyong mapipili. However, I am... hoping that you could at least consider this person I am referring... She is the best candidate. At hindi matatawaran ang mga contributions niya sa kompaniya simula nang makapasok siya rito." Ani ni Grace Carbajal, ang papa-alis sa pwestong Vice-President ng Sapphire.

"I agree, Don Arturo. In addition, that very proposal you just praise earlier is the product of her brilliant mind and team." Sabad naman ng isa pang liderato ng Sapphire. Kung kaya nakumbinsi naman ang iilang tao sa bulwagan. Ngunit, ang lahat ay natahimik nang magsalita na ang Don. Mukhang masama pa ang templa nito.

"Well, seems like you all have agreed already. However, I suggest we must compromise. Since I want my grandson to take the place and you... want this female employee instead─We shall test their credibility, then."

"Better."

"Yes."

"Then it settles. All we have to do now is inform them. Kailan nga ba ang announcement." Ani ng Presidente ng Sapphire.

"On Friday, sa Golden Anniversary ng Adeline, everyone will know. Including the media." Pinal na wika ng Don. At doon nagtapos ang kanilang pagpupulong.

INIS na inis si Catherine dahil umagang-umaga pa lang, sira na agad ang araw niya. Ginising siya ng walang hiyang kapit-bahay sa pamamagitan ng maagang paglilitaniya. Alas sinco pa lamang ng madaling araw ay pumuputak na na parang manok ang mag-asawang nag-aaway. Naubosan siya ng gasolina sa gitna ng kalsada nila sa subdivision. At kahit pahirapan ang pagcommute sa kanilang lugar, ay napilitan siyang gawin iyon. Naipit pa siya sa traffic sa EDSA.

Ngunit hindi lamang doon nagtatapos ang kamalasan niya. 'Sira nga pala ang isang elevator, Naku! Kaya naman, kahit nasa pinto pa lang siya ng building ay kita na ang maraming empleyadong nakapila sa bukana ng elevator. Nasa gitna pa siya ng lobby nang bumukas ito at nagunahan sa pagpasok ang mga tao.

Mas binilisan pa niya ang takbo dahil dito. Subalit,huli na siya dahil puno na iyon. Pasara na sana ang elevator nang may makita siyang pamilyar na mukha. Nagtama ang kanilang mga paningin. 'Impossible.' Pipigilan pa sana niya iyon ngunit tuluyan na itong nagsara.

Kinabahan siya. Kabang matagal-tagal na rin mula nang huli niyang naramdaman. Kakaibang kaba na nagdulot ng pag-iinit ng kaniyang mga pisngi, kasabay ang mainit na haplos sa bato na niyang puso.

NAGMAMADALI sa paglalakad si Douglas papasok sa loob ng building matapos maipakita sa gwardiya ang ID. Dahil sa kalokohang pag-iwan sa kaibigan kahapon ay heto't nakakarma na yata siya. Malapit na siyang mahuli sa meeting na pilit pinagsisisiksikan sa schedule niya─ang huling meeting niya sana kahapon. Ano pa't napakahalaga pala ng kaniyang sinayang na oras kahapon. Ang meeting na ito kasi ang unang opisyal na meeting nils sa sapphire matapos ang pagbilihang naganap. Nakasaad din sa meeting na iyon ang pagkakasundo sa mga bagong palisiya at patakaran.

Kaya naman, kahit pinagtitinginan ay wala na siyang pake. Sino ba nga naman ang hindi mapapalingon sa itsura niya? Gulo-gulo ang buhok, hindi tapos ang pagkakagawa ng neck tie at bitbit lamang ang business suit. Subalit, hindi naman ito nakabawas sa aking kagwapuhang taglay niya. Marami rin kasi siyang nahuhuling kinikilig at bulong-bulongan tungkol sa identity niya.

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon