ISANG lingo na ang nakakaraan matapos ang unang pagkikita nila ni Douglas sa loob ng mahigit sampung taon. Inakala niyang hindi na mauulit pa ang aksidenteng iyon subalit muling nagkross ang kanilang mga landas noong biyernes, sa mismong Golden Anniversary Party ng Adeline. Napag-alaman niyang hindi lamang ito isang ordinaryong empleyado kundi mayroon din itong posisyon sa kompaniya. Ibig sabihin, malaki ang tyansyang mas mapapadalas ang pagkikita nila. Kaya naman, nababagabag si Catherine.
Nagdalawang isip pa siyang pumasok ngayon kahit lunes na lunes. Ngunit wala siyang nagawa nang tawagan siya ng sekretarya. Ipapatawag kasi silang lahat upang opisyal na salubungin ang bagong may-ari ng kanilang kompaniya. At sigurado siyang magkikita at magkikita sila ni Douglas kaya mas lalo siyang kinabahan.
'I know I shouldn't be feelin this way...pero bakit ako nagkakaganito? Bakit ba ko kinakabahan nang dahil lang sa kaniya?'
"Cath? Are you ready?" Pagbasag ni Patricia sa iniisip niya. Napatigil din siya sa pabalik-balik na paglalakad sa loob ng opisina niya.
"Ah-yes... Mauna kana, susunod ako." Tumango lamang si Patricia at umalis.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka sandaling nag-isip.
"Kalma Catherine, it's just Doug─"
Bigla siyang napadilat nang matunog na bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. Handa na sana siyang pagalitan si Patricia. Ngunit, iba ang iniluwa ng pinto. Prente itong pumasok sa loob na animo'y may taong binibisita. The man put his two hands on his side pockets, plastering his most charming smile.
"Oh─Ikaw pala Catherine. I thought this room is your company's comfort room." Nakangising wika ni Douglas. Tila nang-aasar na naman ito.
Nanliit ang dalawang may bilogang mata ni Catherine sa sinabi ng lalake. How dare him insult her own little room. Kahit naman hindi ganoong kalaki at kagrandyoso ng mga mueblas na nakapaloob sa opisinang iyon ay pinaghirapan pa rin niya ang mga iyon. Kaya kahit ano pang ikinaganda ng ngiti ng mokong ay naiinis pa rin siya.
"Then you must be wrong. As you see, walang kubita't lababo." Kibit balikat niyang sagot. She even raised the left side of her on-fleek brows to emphasize her distaste. "I must say─Welcome to my office, welcome sa teretoryo ko." Taas noong pahayag niya.
"Tama nga ako ng kwartong pinasok." Pabulong na sagot ni Douglas ngunit hindi iyon nakawala sa matalas na pandinig ni Catherine.
"Pardon me?"
"Nothing─I'm sorry for barging your private place. Aalis na lang ako para hanapin ang CR." Sagot nito at nagmadaling buksan ang pinto. Subalit hindi ito natuloy dahil kusa itong bumukas.
"Cath─Mr. Ongpaocho, good moring." Gulat na sabi ni Patricia saka ito napalingon sa kaniya. Tiningan siya nito na may halong malesya. "Sorry to interrupt your moment but─kayong dalawa na lang ang hinihintay sa board room." Muli ay may malesyosong ngiting nakapaskil sa mga labi nito.
"Yes, we are... on our way, don't worry. We just had some catching up. You know..." Nagkanda utal-utal na sagot ni Douglas nang matauhan din sa gulat.
Napa-awang naman ang bibig ni Catherine dahil sa walang siyang masabi. Nang makahupa ay kumunot na din ang noo niya. At bago pa niya mabawi ang kasinungalingan ng lalaki ay naka-alis na ito. Leaving her with Patricia's intriguing gaze.
"Para sa ikinatatahimik mong bruha ka─Wala akong alam sa sinasabi niyang 'catching up-cathing up' na 'yon. Pinagkamalan pa ngang CR tong magandang opisina ko─Nakakainis! Akala mo kung sino?" Nanggagalaiti niyang wika saka naunang nagmartsa palabas ng opisina.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
ChickLitA typical rivalry of two intelligent individuals who fought over the validectorian spot on their high school years. Unbeknownst is an unrequited love of a boy that leads to the success of the girl which by then is separated by different opportunitie...