Kabanata V

3 1 0
                                    

AS if she had a choice, Catherine wouldn’t agree to tour Douglas around the company, all by herself. Pero wala siyang karapatang tumanggi. Kailangan niyang magpabango nang sa gayun ay maging patas ang labanan. He was the CEO’s grandson!
Pero hindi naman siya mapakali. Hindi rin niya mawari kung saan nga ba siya mas hindi mapakali. Is it because she has to compete with someone else just to get the said position? Or is it because of the person whom she will compete with?
‘It’s Douglas again, for Pete’s sake, Catherine!─Si Douglas ulit! Nakalimutan mo na ba lahat ng dinanas mo dahil sa lalaking yan?’ pagalit na paalala niya sa sarili. Napailing siya. No, she shouldn’t be affected. Tapos na iyon. Past is past, they must be professional enough to handle themselves. They’re grown ups already. ‘Don’t let him ruin your system again.’
“So, have you decided already? Saan mo balak tayo unang mamamasyal?” Nakangising tanong ni Douglas. Halata ang excitement sa mukha nito. Making Catherine’s brows tied into knots.
“What are you implying, hmm?” Mataray niyang tanong sa binata. Silang dalawa na lang kasi ang naiwan. Pwede na silang mag-away kung gugustuhin nila.
“Nothing. Inutusan kang ipasyal ako diba?─Ano pang hinihintay mo?” Pa-cool na tanong ng binata.
“At sigurado ka talagang ipapasyal kita?”
“Oh, c’mon! Para namang wala tayong pinagsamahan, Meow meow.” He flashed his signature smile. Big and happy. Nakaka-ingganyo. It made him more handsome than he already is. And just like the old times, nakakawala ng pagod.
‘What in the world? Did I just praise him? Hell no, Catherine! Ayan ka na naman, eh! Nginitian ka lang, kung anu-ano nang naaalala mo.’ The other part of her brain reprimanded her.
“Look─let us be professional, Douglas. Nagkita tayo ulit dahil sa trabaho. And I don’t want to remember anything that happened before. So, stop talking to me as if everything was okay before we parted ways.” Douglas lips formed into thin line upon hearing her statement. Umigting din ang mga panga nito. He’s facial expression became serious.
“Fine then. Show me my room.” Malamig na wika ni Douglas.
Natigilan siya sa sinabi ng binata. ‘That’s what you wanted. Kaya hindi ka dapat maapektuhan.’
“L-let’s go.” Ani ni Catherine nang hindi na tinitingnan ang binata saka naunang tumayo.
Douglas followed her silently.

HABANG binabaybay nina Catherine at Douglas ang kahabaan ng lobby sa ika-siyam na palapag, pasimple naman silang tintingnan ng mga empleyadong naroon. Lalong-lao na ang mga kaibigan at/o katrabaho ni Catherine sa Marketing Department. Subalit kahit halata sa mga mukha nila ang pagiging curious sa nangyayari ay nanahimik na lang sila. They don’t want to spoil the moment. Because for the first time, Catherine has finally toured someone in their office.
Siguro, dala na rin sa posisyon at mga nai-contribute niya sa kompaniya kaya hindi siya nauutusan nang basta-basta na lamang ng mga ganitong trabaho. But news flash, kalmadong pinapakita ni Catherine sa bisita ang mga importanteng lugar na dapat nitong tatandaan. Ipinakilala rin niya ang lalaki sa mga naroon.
Dagdag pa, first time rin nilang nasaksihang mayroong kasamang hindi nila kilalang lalaki ang mailap na boss.
“Good morning everyone. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ninyo ang mga nangyayari sa ating kompaniya ngayon, hindi ba?” Tumango-tango lamang ang mga empleyado. “Better. Now, I would like you to meet Mr. Douglas Arthur Ongpaocho.”
Masaya namang tinanggap ng mga empleyado ang lalaki. Nakipagkamayan din ito sa mga taong naroon. May isa pa ngang nagbiro tungkol sa lovelife nang lalaki. Ngunit tumawa lang ito.
“Oh! Ikaw pala ‘yung gwapo na nakasabay ko sa elevator noon, sir. Siguro naman natatandaan niyo pa po ang beauty ko?”
“Y-yeah, I think so…Ikaw ‘yung panay ang tingin sa ID ko, diba?” Natatawang pag-sakay ng lalaki sa empleyado.
“OMG! Naalala niya ako, guys. Alam na this!” Ngingiting napailing na lang si Catherine habang ang iba’y tumatawa sa kalokohan ng empleyado.
“Naku, pagpasensyahan niyo ‘ho itong si Lorraine, sir─Makapal ‘ho talaga ang mukha nito!” Ani Frances. Natutuwang napailing lang ang binata. “Pero speaking of, wala naman sigurong magagalit, diba sir?” he jokingly added.
Douglas gave them a small smile. ‘Yung ngiting ipinapakita ng mga artista sa TV tuwing tinatanong ang kanilang lovelife. Kaya kahit pilit na inuuisasa, Douglas didn’t give them any clues. Not until Eliseo’s sudden appearance.
May kakaibigang ngiti ang nakapaskil sa mukha nito. Ngiting gaya sa nakaraan tuwing nakikita niya ang dalawa na magkasama. He barged into the room like a typical showbiz gossipmonger who will spill the tea in any minute.
“Ako, alam ko kung sinong magagalit.” Eliseo dropped an intriguing clue to his lovelife. Dahilan kung bakit napunta sa kaniya ang lahat ng atensyon ng madla. Even Catherine who was not merely listening to them glanced at him. Douglas eyed him, too.
“Oh my God! Sino?”
“Secret!” pang-aasar ni Eliseo sa mga tao saka bumaling sa kinatatayuan ng dalawa. Tiningnan nito si Catherine at binalewala ang nagbabantang tingin ni Douglas.
“Hi, Meowski!” binati siya ni Elseo gamit ang palayaw na ibinigay nito sa kaniya na hango rin sa palayaw na ibinigay ni Douglas.
Napabitiw si Catherine sa pagkaka-lingkis sa sariling mga braso at napatingin kay Douglas pagkatapos. Ngunit nagkibit balikat lamang ito.
“And what are you doing, here?” mas lalong na-intriga ang mga tao sa paligid nila.
“Oh, chill! ─bigyan mo naman ako ng magandang introduction dyan pare!”
“Everyone, he’s Eliseo Bernardo, 29, single─he’s my secretary.” Walang kagana-ganang pagpapakilala ng binata sa kaibigan.
“Ay bongga! Akala ko siya ang jowa mo, sir.” Pagbibiro ng sekretarya ni Catherine. Natawa lang si Douglas at ang iba pa nilang mga kasama.
“Oy, sa gwapo kong ‘to? Excuse me?!”
“So where have you been? Ikaw na lang sana ang nag-asikaso rito sa amo mo.” Tanong ni Catherine sa seryosong boses. Kaya naman unti-unting nagsibalik sa trabaho ang mga kasama nila.
She wanted to shut him up before someone digs each of their past. Ayaw niyang malaman ng lahat ang koneksyon nila sa isa’t isa. Ayaw na niyang alalahanin ang mga nangyari noon. That’s why, even though it may sound rude, kinailangan niyang sumeryoso upang ma-divert sa iba ang topic.
“Oo nga, pare. Bigla ka na lang nawala, ah?” Napa-iwas ng tingin si Eliseo sa kanila.
“H-hinatid ko si Don Arturo sa baba. May inasikaso pa kasi si Esmeralda.” Tumango na lamang silang dalawa.
“So, I assume kaya niyo nang asikasuhin ang mga sarili niyo. You already know where is your office, Douglas. I should go.”
“Yes, go ahead. Thank you.” Pormal na wika ni Douglas saka mabilis na tumalikod si Catherine. Sumunod naman dito ang sekretaryang si Patricia.
“Wow! Akala ko talaga namamalikmata lang ako, ‘tol─Si Cath pala talaga.” Hindi pa rin makapaniwalang saad ni Eliseo. Nakasunod pa rin kasi ang tingin nito sa dalawang babae gaya niya.
“Kahit ako nga rin, eh nagulat nang makita ko siya elevator noong nakaraang linggo─”
“Ano? Nagkita na pala kayo? Tapos hindi mo ko sinabihan?” Napalingon siya sa kaibigan. “Ibig sabihin siya ang pakay─” Hindi natapos ni Eliseo ang sinabi dahil agad na tinakpan ni Douglas ang bibig ng kaibigan at pinandilatan pa ng mga mata.
“Kahit saan ka talaga mapunta, eh ‘noh?”
“Ito naman─Syempre curious lang. Akala ko ba wala na. Ano pala ‘tong ginagawa mo ngayon?”
“Ano pa ba?─Ngayong nasa iisang kompaniya na lang kami, alangan namang mag-away na naman kami? Gusto ko lang maging kaibigan ulit kami…”
“Kaibigan talaga o ka-ibigan?” Pang-aasar ng kaibigan kay Douglas.
“Ang mabuti pa umalis na tayo!” Pag-iiwas ni Douglas saka iniwan ang kaibigan.
“Sige, deny pa! Wag kang magpapatulong sa’kin gaya nang dati ha?” Pasigaw na sabi ni Eliseo sa kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon