“DOUGLAS? Is that really you?” namamanghang tanong ni Marissa. Habang si Catherine at Douglas ay parang walang ibang nakita’t narinig kundi ang isa’t isa, at ang tunog ng kumakabog na dibdib. Unti-unti, nagsimulang bumalik ang mga ala-alang matagal nang ibinaon sa limot.
Elementary pa lang ay mainit na ang dugo nila sa isa’t isa. Makulit at malikot si Douglas kompara kay Catherine na tahimik at hindi naalis sa isang tabi. At sa kulit ni Douglas, palagi niyang naabala ang pobreng bata. Dahil dito, nabubulyawan ni Catherine si Douglas.
“Pambira naman, Douglas oo! Wala ka na bang ibang gagawin kundi guluhin ako?”
“Hehehe, sorry na! Ang arte mo naman ‘Meow meow’!”
“Aba’t nang-asar ka pa!” sinugod ni Catherine ang agad na tumakbong si Douglas nang marinig niya ang tawanan ng mga kaklase dahil sa asaran nila. Lalo na ang palayaw niyang si Douglas pa mismo ang gumawa, Meow meow, hango ito sa pangalan niyang Cat o pusa.
“Ayieee.”
“Yieee. Meow meow daw. Hahaha”
SUBALIT hindi nagtatapos sa habulan ang kanilang bangayan. Minsan pa’y umaabot na ito sa taguan ng gamit. Gaya na lamang nang isang eksena noong tumungtong na sila sa ikatlong baitang.
Naglalakad siya noon pabalik sa classroom matapos itapon ang kaniyang basura sa pinagkainan. Bigla siyang nasagi ng tumatakbong bata at hindi niya namalayan ang balat ng saging na nakahandusay sa dinadaan. Aksidente niya itong naapakan dahilan kung bakit nadapa siya sa sahig. Sakto namang nakita siya ni Douglas na agad siyang pinuna.
“Catherine naman! Eskwelahan ito hindi swimming pool─Wag ka dito lumangoy!” ani ni Douglas at nagtawanan ang mga kaklase nilang nakakit sa kanila/
Kaya sa galit at sobrang hiya niya ay tumayo siya at walang pasabing inabot ang buhok ni Douglas para sabunutan. Ngunit likas na maliksi ito kaya nakatakas sa mga kamay niya. Tinatawanan ulit siya nito habang tumatakbo. Hinabol niya si Douglas. Pero sadyang mas mahaba ang mga binti nito kaysa sa kaniya at hindi niya naabutan. Kaya naman, nang may naisip siyang paraan upang gumanti ay mabilis niyang isinagawa.
“Ang pangit naman ng bag na ito. Maitago nga.” Giit ni Catherine nang madampot ang isang backpack pagbalik niya sa classroom. Maswerte’t wala pang masyadong tao doon kaya madali niyang naisagawa ang plano. Itinatago niya iyon sa lagayan ng walas at paso malapit kung saan malapit sa C.R. Ibinaon niya sa pinaka-ilalim na bahagi ng lagayan at tinakpan ng mga walis. Nang makitang palapit na ang iba pang mga kaklase at si Douglas dahil papunta na sa classroom ang kanilang guro ay dali-dali na siyang bumalik sa pwesto.
Gayunpaman, nagsimula ang kanilang klase na balisa si Douglas. Nawawala ang bag nito, magbibigay pa naman ng pasulit ang kanilang guro.
“Class, pakikuha ang inyong puting kwaderno at buksan sa ika-sampung pahina…” nagbibigay na ng panuto ang guro nang mapansin ang iilang estudyanteng walang kwaderno. Sa galit nito, pinatayo niya ang mga estudyante.
“Diba’t sinabi ko kahapon na dalhin niyo ang putting kwaderno niniyo?” pagalit na tanong nito subalit walang ni isang sumagot. Kahit si Douglas. “At ikaw Douglas! Alam kong makulit ka minsan, pero kadalasan matalino ka. Hinayaan mong maiwan ang kwaderno mo?─Pwes,lahat ng walang kwaderno, magpunta sa likod at tumayo hanggat matapos ang aming pasulit!”
Maluha-luha pa si Douglas habng naglalakad patungo sa likurang bahagi ng kanilang classroom nang mahagip ng mga mata nito ang mahinang tumatawa na si Catherine. Nanlaki ang mga mata ni Douglas nang mapagtantong itinago pala ni Catherine ang bag niya, bigla na lang kasing tinakpan ni Catherine ang mismong bibig. Magsusumbong na sana si Douglas nang nagalit na naman ang guro dahil sa bagal nilang pagkilos.
“Babawi ako!” Mahina ngunit bakas ang galit sa mukha ni Douglas nang sabihin niya niyon kay Catherine pagdaan niya sa tapat nito.
NANG makatungtong ng high school, palagi pa rin silang nag-aaway. Siguro dahil na rin sa pagdadalaga’t pagbibinata ay naging mas lalong mainit ang dugo nila sa isa’t isa. Ni hindi na nga sila inaawat ng mga kaklase nilang naging kaklase pa nila noong elemntarya dahil nakasanayan na nila ang mga eksena ng dalawa. Tila hindi siguro makokompleto ang araw nila nang hindi naririnig ang bangayan ng dalawa. Kaya siguro sila na ang inaasar ng mga kapwa estudyante dahil sa iringan nila.
“Oy, ballpen! Akin na’to ha!” sabi ni Douglas at inagaw kay Catherine nag bagong biling ballpen.
“Isuli mo sa akin yan, Douglas─Isa!” Sinubukang agawain ni Catherine kay Douglas ang ballpen pero piangpapasa-pasahan lamang nito sa dalawang kamay. At nang mahuli na ng ani Catherine ang ballpen ay nasagi niya ang kamay ni Douglas dahilan kung bakit natigilan silang dalawa. Nagkatitigan pa sila at hindi namamalayang magkahawak na pala ang kamay nila. Nahulog ang ballpen.
“Alam niyo, diyan nagsimula ang kwento ng namayapa kong lolo’t lola!” Nakangiting wika ni Eliseo nang masaksihan ang isang away nila.
“Ayieee. Bagay naman pala kayo, eh! Hahaha” kantiyaw pa ng isang kaklase nilang lalaki. Bigla silang napabitiw sa isa’t isa at nagkahiyaan.
HANGGANG sa isang araw, nasa ika-apat na taon na sila noon nang bigla na lamang nagbago ang lahat.
Tapos na ang huling klase nila sa araw na iyon. Nakakapagtakang hindi narinig ng mga kaklase ang bulyawan at pagtataasan ng boses ng dalawa. Wala din naman silang sakit o kaya dinadamdam nang araw ding iyon. Subalit, kapansin-pansin ang pagiging tahimik nilang dalawa.
“Anong himala? Ba’t ang tahimik niyo, bes?” Pang-uusisa pa ni Marissa. Ngunit nga kibit-balikat lamang si Catherine bilang sagot.
“Ang gulo mo naman kausap!─Pero ang weird ha! Parang may kulang talaga sa araw ko hanggat hindi ko naririnig ang ayaw niyo!” Pang-aasar pa nito sa kaniya. Kung kaya’t pati ang iba pa nilang kaklase ay inusisa na sila.
“Okay ka lang, Cath? Walang masakit sa’yo? Sigurado?”
“Ikaw ‘tol? Nakahithit ka ano?─Isusumbong kita kay Maam!”
“Tarantando, hindi! Bakit bawal na bang manahimik? Eh mabait naman talaga ako, ah!” Sagot niya kay Eliseo. “Palagi lang naman talaga akong inuunahan ng iba dyan!”
Tumaas ang kilay ni Catherine dahil doon.
“Hiyang-hiya naman daw ako sa’yo! Kung mabait ka, ‘di bakit palagi mo akong inaasar?” Pagsagot pa ni Catherine. Pero bago pa ulit makabanat si Douglas ay nagdiwang na ang mga kaklase nila.
“Ayon! Pinakaba niyo naman ako─Akala ko magugunaw na ang mundo kasi nanahimik na kayo!”
“Uwianan, guys! Buo na araw natin─Salamat sa inyong dalawa! Hahaha”
“Mga siraulo.”/ “Sira!” nagkasabay pa silang dalawa sa pagsita sa mga kaklase.
“Whitwewww.” Natahimik sila at napa-iwas ng tingin sa isa’t isa sa pagsipol na iyon ng kaklase.
Maya-maya pa’y nag-alisan na ang kanilang mga kaklase at naunang lumabas. Pati si Marissa ay hindi na nakatiis at nagpaalam kay Catherine na mauunang umuwi dahil may importanteng lalakarin. Tumango na lamang siya dahil may hinahanap pa siya.
Halos maiyak na siya dahil mag-isa na lamang siya sa loob ng silid pero hindi pa rin niya nahahanap ang nawawalang gamit. Kaya’t napasigaw siya sa gulat nang may biglang kumalabit sa likod niya.
“Ahhhh multo!”
“Grabe ka naman! Sa gwapo kong ‘to, pagkakamalan mo akong multo?” Si Douglas pala ang kumalabit sa kaniya.
“Eh ano ba kasing ginagawa mo dito?” Pagalit niyang tanong.
“Ah- eh, ikaw! Ang din ba kasing ginagawa mo dito, kanina pa naglabasan ‘yong mga kaklase natin?” natatarantang sagot ni Douglas.
Sandaling natahimik si Catherine. Nagdadalawang isip kong sasabihin sa lalaki ang problema.
“Sige na, sabihin mo na… mag-aala sais na oh.” Ngunit nanatiling tahimik si Catherine at ipinagpatuloy ang sariling paghahanap. “Wag kang mag-alala, iisipin kong wala kang utang na loob sa pagtulong kong ito kung ‘yun man ang iniisip mo… tsaka, hindi na kita aasarin.”
Napalingon si Catherine sa sinabi nito. Subalit ngumiti lamang ito sa kaniya. Ngiting walang halong pang-aasar. Ngiting nagbibigay ng pag-asa. Ngiting animo’y nagsasabing, ‘wag kang mag-aalala, akong bahala sa’yo’.
“Yun nga lang eh, baka magulat na naman yung mga kaklase natin… Akalain ba namang nagunaw na ang mundo” At mahina itong natawa sa sinabi. “Bakit ayaw mo?”
Matagal bago siya nakasagot. Pero bakas sa mukha niya ang pagka-aliw.
“W-why not? Sige…” Nahihiya niyang sagot.
“Oh, ano ba dapat ang hahanapin?” maganang tanong nito sa kaniya?
“y-yung ano… p-panyo ko…” Umiwas siya nang tingin pagkasabi niyon. Nahihiya pa rin kasi siya. Baka akalain kasi ni Douglas na napakaburara niyang babae. Ewan ba niya, pero bigla na lamang siyang nahiya nang sobra sa lalaki sa unang pagkakataon. Pakiramdam niya, dapat mas lalong ma-impress si Douglas sa kaniya.
Subalit ng tingnan niya ang lalaki ay tila pinagpawisan ito ng kaunti samantalang hindi pa naman tuluyang napapatay lahat ng wall fan sa silid.
“Ayos ka lang?”
“Oo naman.” Mabilis na sagot ng lalaki. Namumula pa ang taenga nito. “Pero paano ba pag hindi…nakita yung─”
“Dyosko! Wag naman sanang gano’n Douglas! Malalagot ako sa Mama ko, eh. Importante yun sa kaniya, eh.” Muling nanumbalik ang kaba niya. Halos maikot na kasi niya ang buong silid. Sa hanay na lamang kung saan naupo si Douglas ang lugar na hindi pa niya na uusisa.
“Ah ganun ba, o sige hahanapin ko.” Wala pang isang minuto pagkatalikod ni Catherine ay inannunsyo na ni Douglas na nahanap na niya ang panyo. At kahit nagtataka dahil hindi pa niya nasasabi kung ano bang kulay o disenyo niyon ay binalewala na lamang niya.
“Naku─Salamat Douglas, Salamat talaga!” pasasalamat niya rito. Ngumiti lang si Douglas bilang tugon.
“So… friends na tayo?”Paglalakas loob na tanong ng lalaki. Natigilan naman si Catherine sa pagninilay-nilay.
Nakabitin pa sa ere ang kamay ng lalaki. Medyo nanginginig pa iyon subalit hindi naman gaanong halata. Napatingin si Catherine sa mukha nito. Lalo na sa kulay kapeng mata nito. It so magnetic. She felt like she was hypnotized by a powerful magic.
“F-friends…” at tuluyan na niyang niabot ang kaniyang kamay.
Nang dumampi ang kanilang mga balat ay tila parang may mga boltahe ng kuryenteng dumaloy sa sistema nila. Ngunit hindi nila iyon ipinahalata hanggang sa bitiwan na nila ang isa’t isa. They both exchanged a smile. A sweet smile.
SIMULA noon ay naging mag-kaibigan sila. Nagulat na nga lang kinabukasan ang kanilang mga kaklase dahil sinang-ayunan nila ang isa’t isa sa isang oral recitation. Naging magkakampi pa ng pananaw nila laban sa isang kaklase na matalino rin, si Andrea.
At dahil doon, naging mas malapit sila sa isa’t isa. Hanggang sa isang araw, namalayan na lang nilang nahuhulog na pala sila sa isa’t isa, lingid pa rin sa kaalaman ng isa’t isa.
“DOUGLAS, is there something wrong?” tanong ni Don Arturo dahilan kung bakit nabalik sila sa kasalukuyan.
Napatikhim si Marissa habang napalunok naman si Catherine. ‘It was all in the past now, Cath. Tumigil ka na.’ She said in her mind as she looked away. Dumistansya silang dalawa paatras upang makapasok ang dalawang lalaki at isang babae na nanatiling tahimik, lalong-lalo na si Douglas.
Sa kabilang banda, just like Catherine, he was also touched by the memories of the past. Nahihiya rin siya sa inasal sa harap ni Marissa. They’ve become friends, too anyway.
Nagsara na ang elevator at tuluyang bumaba. Subalit hanggang sa magbukas nito ay walang sabing lumabas ang tatlong nakisakay. Nagmamadali pa si Douglas sa pag-alis sa building na tila may iniiwasan.
‘How rude.’ She thought. ‘But wala kang karapatang makialaman, remember?’ sabi naman ng konsesya niya. Pinaikot na lamang niya ang mga mata.
“Oh, my God! ─I still cannot believe it! We just met, Douglas, right?” Tanong ni Marissa habang pilit na ina-aabsorb ang pangyayari.
“Eh, ikaw pala ‘tong mahina, eh!─Oo siya nga po. At suplado pa rin. ‘Di ka na nasanay.” Mataray niyang sagot sa kaibigan.
“Pero sa pagkakaalam ko, ok naman kami bago mag-graduation, ah!” Pagmamaktol nito.
“Akala mo lang iyon!” Aniya at nagpati-unang lumabas papuntang parking area kaya natauhan naman ang kaibigan.
“Hoy─Sandali! Diba ako ‘yung uuwi?” Ngunit tuluyan nang nawala sa paningin ng kaibigan si Catherine.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
ChickLitA typical rivalry of two intelligent individuals who fought over the validectorian spot on their high school years. Unbeknownst is an unrequited love of a boy that leads to the success of the girl which by then is separated by different opportunitie...