CHAPTER 2

22 12 0
                                    

Aemhyrine's POV

"WHERE IS IT? THAT WAS THE LAST MONEY THAT WE HAVE! THAT WAS FOR AEMHY'S FUTURE! YUN NALANG ANG KAILANGAN NATING PALAGUIN! TAPOS PINANGSUGAL MO PA?" Here we go again! naririnig ko nanaman silang nag-tatalo.

kumikirot ang ulo ko sa pag-aaway nila. Iniisip ko paano na nga ba ako? Magiging masaya pa ba yung pamilya namin? Umiyak nalang ako, ayoko nang ganito.

Nakakapagod na.

"MABABALIK KO NGA YON! MAG-HINTAY KA LANG! DON'T YOU TRUST ME?" Isang malakas na kalabog ng pinto nanaman ang narinig ko at isang pag-hikbi.

"Mom are you okay?" lumapit ako sakanya at bigla lang sya sa akin tumingin.

"Don't put yourself in here I need to go, nagpaluto na ko kay manang ng breakfast mo okay? I love you bye." Tumayo sya at inayos nya yung damit nya tsaka sya umalis.

I just want to comfort her. Hinayaan ko nalang sila, pupunta muna kong park na ako lang mag-isa.

I want peace and I don't know where to go. Hindi na ako nag-almusal kaya uminom nalang ako ng tubig at agad na umalis.

Hindi ko naman matawagan si Maxine at sabihin na samahan ako dahil alam kong may problema rin naman sya sa bahay nila at ayokong makadagdag pa sakanya.

Pagdating ko rito sa park, walang katao tao. Luma na kasi yung park na 'to at sira na rin yung mga lalaruin dito.

Pero mas ayos 'to mas gusto ko naman mapag-isa.

Niyuko ko ang ulo ko at unti unting inisip lahat nang nangyayari.

Gaano ba ako kasamang tao para bigyan ng ganitong problema? Ganito ba talaga mabuhay sa reyalidad?

"Aemhyrine right?" I wiped my tears and gradually lift my head to see who's talking.

He's the guy that drives me home naalala ko ang boses nya.

"Yes I am, do you have any problem? I can't talk to you right now. Just leave me alone." I don't need anybody because I can handle myself. Wala rin naman akong mapapala sakanya.

"Chill! I want to introduce myself-"

"Introduce your face! I don't care who the hell you are. Just get away from me." Tumayo ako at umalis na pero hinahabol nya pa rin ako.

"I like how brave you are, may pagkaweird ka nga lang pero I like your personalities."

"WELL KUNG AKO NAMAN YUNG TATANUNGIN HINDI KITA TYPE AT MAS LALONG HINDI KITA GUGUSTUHIN." Tumakbo ako papunta sa kotse ko pero may humaharurot na motor kaya hinila nya agad ako.

"Hoy gago ka ayusin mo naman mag-drive!" Sigaw nya sa motor na muntikan nang makahagip sakin.

"Are you okay?" Niligtas nanaman nya ako sa pangalawang pagkakataon.

"Yes, thank you." Hindi ko ugaling magpasalamat pero kailangan eh.

"So ano? friends?" Nilahad nya yung kamay nya at nakipag shake hands ako.

"By the way I'm Calvin Klein."

"Ano ka pabango?"

"Gasgas na yung joke mo hindi nakakatawa." Pero tumawa sya.

"Hindi ako nagpapatawa nang-aasar ako duh." Tumawa nanaman sya eh hindi nga ako nagpapatawa.

"Masaya ka sa buhay no?" Tumawa nanaman sya. Halata namang masayahin sya, hindi ko rin maitatangging may itsura sya but he's not the type of guy that I would like.

"Of course! Dapat lang na maging masaya tayo kaya nga tayo nag-eexist sa mundo eh." Hindi ko nanaman maexpress yung feelings ko ngayon kaya hindi nalang ako kumibo.

Bumalik kami kung saan ako nakapwesto kanina, umupo na rin sya sa harap ko.

Kaysa mabagot kami dito inaya ko nalang sya

"Punta kaya tayo samin?" Ano nanamang desisyon 'tong ginagawa ko? Sabagay nahatid na nga nya ko samin eh.

Mukha naman syang katiwatiwalang tao.

"Pinag-iisipan mo na ba ko ng masama dyan sa utak mo? Huwag ka mag-alala wala akong gagawin sayo." Nababasa nya ba nasa isip ko?

"at ngayon iniisip mo kung nababasa ko kung ano yung nasa utak mo?" what? Napakagaling naman neto?

"Based on your facial expressions lang kaya hinuhulaan ko tara na nga." May dala syang motor kaya naman nagpaunahan nalang kami.

Syempre sya ang nauna napakagaling nya sumingit sa mga sasakyan.

Pinapasok ko agad sya nagtataka pa nga yung mga maids kasi sa buong buhay ko wala naman akong dinalang iba dito sa bahay namin na lalake kung hindi sya palang.

Matagal na rin akong hindi nakakapagbake kaya naisip kong magbebake nalang kami ng cookies.

Dumeretso ako sa kitchen kaya nakasunod lang sya, tapos umupo sya at pinanood lang talaga ako na gumawa.

"kailan ka pa natutong mag-bake?" Tanong nya sa'kin.

"Ano ba 'to cooking show at kailangan moko interviewhin?"

"Sungit mo naman ala ka sigurong kaibigan" Tumaas yung kilay ko sakanya.

"Excuse me?" Hindi ko alam kung ano ba dapat maramdaman ko sa sinabi nya, alam kong nagbibiro lang sya pero nasaktan ako.

Sa ilang taon kong pag-eexist sa mundo si Maxine lang nagtagal sakin, dahil lahat ng kinakaibigan ko ay nilalayuan ako. I don't know what's wrong in me. Marunong naman akong makisama iniisip ko na nga lang na hindi lang talaga nila ko inaappreciate.

"Lalim naman ng iniisip mo."

"Shut up." Nilagay ko na yung nagawa kong dough sa lalagyanan para mailagay na sa oven.

"Nasaan nga pala parents mo?"

"MICHAEL! MICHAEL! BAKIT MO HINAYAANG MASANLA YUNG BAHAY AT LUPA NATIN?"

"MABABALIK KO NGA YON DIBA? HINDI KO NAMAN KASI ALAM NA MALAKAS PALA MAGLARO SI MR. CHING SA CASINO KAYA NATALO AKO!"

"Ayan na pala sila eh, ayan ang parents ko." Mula living room hanggang kitchen rinig yung sigawan nila. Nakakahiya sila.

Nagulat kami dahil may narinig na kaming nabasag na vase, tumakbo agad kami papunta sa sala at nakita naming nagbabalibagan na sila ng mga gamit sa bahay.

Nakakahiya! ngayon lang ako nagdala ng bisita tapos ganito pa ang mapapakita ko at madadatnan namin.

Hinila ko nalang si Calvin papunta sa likuran ng bahay namin, hindi naman nila kami napansin.

"Umuwi ka na." Yun nalang ang nasabi ko sakanya.

"Naiintindihan ko, tawagan mo lang ako kapag kailangan mo nang magpapasaya sayo." Sabi nya sa akin at tsaka tuluyang umalis.

Pumasok na ulit ako dahil hindi ko na kaya.

"PWEDE BANG TUMIGIL NA KAYO? GANITO NALANG BA TAYO PALAGI HA? HINDI NYO BA NAIISIP NA NANDITO RIN AKO!" Tumigil sila sa pag-aaway pero iniwan naman nila ko. Pinakinggan lang nila ko pero hindi nila ko inintindi.

Pumanik na ako sa kwarto ko at umiyak nalang. Wala na ang lahat, sirang sira na talaga. At this point hindi ko na alam ang gagawin ko dahil pumasok na sa isip ko na kahit kailan hindi ko na magagawang maging masaya ulit.

Feels Like Hell (Completed)Where stories live. Discover now