CHAPTER 6

26 11 11
                                    

Aemhyrine's POV

Isang linggo na simula nang mawala si dad, ang lungkot lungkot ng bahay halatang may kulang at mahahalata mo talagang may nawala. Buti nalang nasa tabi ko lang palagi si Maxine.

"Happy birthday to you." This is the worst day. This is my day, my 18th birthday.

Nalugi na yung company namin kaya sinarado na namin ang negosyo namin, wala na rin ang mga maids dahil hindi na kaya ng budget ni mom na paswelduhin sila.

Sapat na rin daw yung naipon nila ni daddy sa bangko para sa future ko. Wala na rin kaming kotse dahil ayun yung pinangbayad namin kay Mr. Ching kulang pa nga iyon.

Yung paagkakabaril nya kay dad hindi nanamin nakamit yung hustisya dahil hindi namin sya pinakulong, nagkasundo sila ni mom na hindi namin sya sasampahan ng kaso basta wag nya lang kukunin yung bahay at lupa namin dahil wala talaga kaming mapupuntahan at pumayag naman si Mr. Ching doon. Wala rin syang binayaran ni singko sa pagkamatay ni daddy at alam kong wala syang konsensya sa ginawa nya, sunugin sana sya ni satanas sa impyerno.

Napakasama kong anak, hindi ko man lang napaglaban si daddy.

"hipan mo na yung kandila mo anak." Nakangiti sakin si mommy pero makikita mo pa rin sa mata nya yung pangungulila.

"Aakyat na po ako sa taas. Pinapunta ko nga rin po pala si Maxine."

"Maxine? Yung palagi mo sakin dating kinekwento? Pasensya ka na at hindi ko man lang sya nakita sa tagal nyo naging magkaibigan, alam mo naman na palagi akong busy."

"Naiintindihan ko po, papakilala ko pa sya sainyo mamaya."

Pag-akyat ko sa kwarto nakita ko agad sya.

"Ang hilig mo umakyat sa bintana ko, pwede ka naman sa pintuan dumaan."

"Eh basic nalang kasi sakin yun eh."

"Tatawagin ko na si mommy papakilala na kita."

"Wait!" hindi ko na sya pinakinggan. Hinila ko na si mommy papunta sa kwarto ko. Naabutan naman namin si Maxine na nakaupo na at nakaayos sa kama ko.

"Mom meet Maxine, sya po yung best friend ko since 12 years old ako."

"Sya ba yung palagi mong kausap kapag nandito ka sa kwarto mo?" Tumango ako sakanya

"Opo sya po yun." Ngumiti ako sakanya dahil masaya akong nakita na nya si Maxine.

"Sige mag-picture kayo para remembrance."

Nilabas ni mommy yung camera nya at agad akong tumabi kay Maxine. Inakbayan ko sya at niyakap bilang pose sa picture namin.

"Bababa muna ko kukuha ako ng makakain nyo." bumaba na si mommy at naiwan naman kami ni Maxine.

"Thank you ha hindi mo nakalimutan yung birthday ko. The best ka talagang kaibigan!" nagtatawanan lang kami at ilang minuto ay pumasok na si mommy sa kwarto.

"Oh kumain na kayo, pakainin mo rin si Maxine."

Hindi naman ginagalaw ni Maxine ang pagkain nya dahil kakakain lang nya sa bahay nila bago sya umalis.

"Oh bakit ayaw kumain ni maxine aemhy?" tanong ni mommy sakin

"Ah busog pa raw po sya." napansin kong kanina pa kami pinipicturan ni mom. Gusto nya yata ng maraming memories sa 18th birthday ko.

"Sumama ka sakin aemhy may pupuntahan tayo sama mo na rin si Maxine."

Hindi ko alam kung bakit nasa hospital kami ngayon.

"Good afternoon po Mr. Lopez" sabi ni mommy sa kaharap naming doctor.

"Sya ba yung kinekwento mo?" tumingin sila sakin.

Feels Like Hell (Completed)Where stories live. Discover now