CHAPTER 5

16 11 0
                                    

Aemhyrine's POV

Naalimpungatan ako dahil may humihimas ng ulo ko.

"Maxine? Paano ka nakapasok? Nakalocked na yung pintuan ko ah?" Tanong ko agad sakanya

"Duh, kahit nakalock ang pintuan mo makakadaan ako sa bintana mo." What ever. Nakabukas pala ang bintana ko.

"Maga nanaman yung mata mo." Teka anong oras palang ba?

"3 AM palang Maxine, tulog muna tayo." Siguro may nangyari rin sa family nya kaya sa akin sya agad pumunta.

"Pag-usapan natin problema mo." Ako pa rin ang inaalala nya kahit na alam kong mabigat din ang nadarama nya. Binuksan nya yung ilaw ko dahilan para masilaw ako at mapabangon agad.

"Wala na si dad, iniwan na nya kami Maxine. Galit sya sakin, ayaw na nya samin tapos--" Umiyak lang ako nang umiyak sakanya habang yakap nya ako.

"Sige iiyak mo lang. Alam kong napapagod ka na at gusto mo na maging masaya."

"Aemhyrine may kasama ka ba dyan?"
Kumakatok si mom. Hindi nya pwedeng malaman na nandito si Maxne dahil papagalitan kami pareho.

"Max magtago ka muna sa closet ko bilis!" Tinulak ko sya papunta a closet ko.

"Yes mom? Wala po, wala po akong kasama." tumingin pa sya sa paligid para icheck.

"hmm I see, napadaan lang ako sa kwarto mo para icheck ka hindi ka man lang nakakain ng dinner kanina.

"Wala na po akong gana kanina eh at nakatulog na rin po ako naalimpungatan lang po ako."

"Sorry aemhy. This is all my fault, maganda sana ang buhay mo kung nag-focus kami pareho sayo. Sana maintindihan mong ginagawa namin to para sayo." ngumiti ako sakanya ng mapakla.

"Naiintindihan ko po, sige po matutulog na ako goodnight." Sinarado ko na pintuan.

Alam kong madami sya saking gustong sabihin pero mas mabuti siguro na magpahinga nalang muna kami.

Lumabas agad si Maxine nang marinig nyang wala na si mommy

"Matulog ka na ulit, kailangan mo na magpahinga. Ako na bahala kung paano ako makakalabas dito sa bahay nyo. Basta tandaan mo palagi lang akong nandito para sayo." hinalikan nya ako sa noo at pinatay ang ilaw ko.

Tumalon naman sya sa bintana ko, pagod yung mata ko kaya nakatulog naman agad ako.

"Ma'am aemhy! Ma'am aemhy!" napabangon naman agad ako dahil sa panggigising sakin ni manang elsa. Ano nanaman bang meron? Kulang pa ako sa tulog eh.

"Nasa hospital po ang daddy nyo nag-aagaw buhay. Pinapasabi lang po sa akin ng mommy mo na pumunta na kayo ng hospital."

"Ano? Hindi ko maintindihan, a-ano bang nangyayari?"

"Binaril daw po ang daddy nyo. Dumeretso sa casino ang daddy nyo nung lumayas sya sa dito sa bahay at nang wala na syang maipangbayad nagalit si Mr. Ching kaya binaril sya."

Hindi nagsisink in sakin ang nangyayari, gusto ko sumigaw, umiyak, magalit, lahat lahat ng emosyon, gusto ko na sumabog.

Kumirot nanaman yung ulo ko sa sobrang dami kong iniisip kung bakit ba nangyayari sa amin to.

Kinuha ko agad ang susi ko at bumaba na para pumunta sa hosputal na sinabi ni manang.

Ilang oras din akong natulala sa stoplight, ilang beses na din akong nabusinahan ng mga kotse.

Pagdating ko sa hospital, parang hindi talaga ako handa na makita si daddy na ganun ang lagay nya.

Pagdating ko sa room umiiyak lang si mommy sa tabi ni dad.

"Mom." bigla nya akong niyakap

"He's in commatose, at sabi ng doctor na huwag na tayong umasa dahil sa ulo sya natamaan. This is all my fault." Lumakas yung iyak ni mommy kaya hindi ko na din naiwasan na umiyak.

Gustuhin ko mang maging malakas para magkaroon ng pag-asa si mom pero hindi ko magawa. Nanghihina na din ako sa nakikita ko.

"It's not your fault." Lumapit ako kay daddy. Walang may kasalanan sa nangyari, ganito lang siguro talaga g binigay na problema sakin.

Kaya ko pa bang labanan to?

Alam kong sa panahon ngayon hindi na iiwanan ni mom si dad. Lumabas muna ko at nagpaalam na babalik din.

Tatawagan ko sana si Calvin Klein. I need him right now..

"Aemhy!" Nagulat ako kay Maxine.

"Nalaman ko yung nangyari sa dad mo dahil nagpunta ako sainyo at wala ka ahmm nasabi din ng mga maids nyo na ditong hospital daw."

"I don't know what to do Maxine." umiyak nanaman ako sakanya.

"Tatawagan mo ba si Calvin? Don't do that." nagtaka naman ako sa sinabi nya.

"What do you mean? I badly need him Max!"

"I said no! Nakita ko sya na may kasamang ibang babae at naghahalikan sila."

"No way! Hindi nya yun magagawa."

"Then try to confront him, makipagkita ka sakanya ngayon! Aemhy magtiwala ka sa akin, nakita ko talaga ang lahat. Ayoko mang manghimasok o sabihin to ngayon pero kailangan eh."

Worth it ba talaga na makipagkita sakanya? Uunahin ko ba si Calvin bago ang daddy ko?

Cinall ko agad si Calvin.

"Mag-kita tayo sa park." Sumakay agad ako sa kotse at ganun din si Maxine.

Pagdating namin, sinampal ko agad si Calvin, nawala yung ngiti sa mukha nya.

"What's wrong? Ano bang problema mo?" Sigaw nya

"Niloloko mo lang ako! Alam mo bang ikaw yung kailangan na kailangan ko ngayon! Alam mo bang ikaw yung dahilan kung bakit sumasaya ulit ako! At ikaw yung kauna unahang lalaki na ginusto ko! Pero sisirain mo lang pala ako!"

"Wh-what? Ano bang akala mo? Niloloko kita? Kung makapagbintang ka parang may ebidensya ka ha?"

"Sinabi sakin lahat ng kaibigan ko na si Maxine!" nasa tabi ko lang si Maxine at nakatingin sya kay Calvin.

"Sabihin mo lahat Maxine! Sabihin mo sakanya yung mga nakita mo!" Nakatingin lang ako kay maxine at hinihintay syang magsalita.

"Niloloko mo lang ang kaibigan ko, layuan mo na sya." Galit na abi ni Max kay Calvin.

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Baliw ka na ba? Bahala ka sa buhay mo! Lalayuan na kita kung iyan ang gusto mo! Huwag kang mag-alala hinding hindi mo na ako makikita Aemhyrine." napaupo nalang ko ag iyak lang ako nang iyak. Hindi totoo ang pag-ibig, simula ngayon hindi na ako maniniwala na may magmamahal sa katulad ko.

Niyakap naman agad ako ni Maxine

"Thank you Max, nandyan ka palagi, ikaw lang talaga yung mapagkakatiwalaan ko." she smiled at me.

Bigla namang nag-ring ang phone ko at tumatawag na si Mom, nagising na kaya si daddy?

"Aemhy I need you, wala na ang daddy mo." at dito na ako nag-umpisang mawasak, hindi ako handa, hindi ko kaya na wala sya, bakit ang bilis mo kaming iwan? Bakit ganito?bakit ang sakit sakit?

I'm sorry, hindi man lang ako naging perpektong anak para sayo, hindi ko man lang nagawang pasayahin ka, hindi man lang kita sinunod yung sinabi mo sa akin na huwag kong gawin yung mga bagay na hindi dapat. Sarili ko lang ang iniisip ko, napakaselfish ko sayo. Dapat pinagbigyan nalang kita sa gusto mo.

Kasalanan ko ang lahat, hindi sana mangyayari to kung hindi ko inuna yung galit ko at sinunod nalang si daddy. I'm sorry, sobrang pinagsisisihan ko ang lahat.

Feels Like Hell (Completed)Where stories live. Discover now