CHAPTER 3

13 13 0
                                    

Aemhyrine's POV

Nagising ako dahil may tumatawag sa phone ko. Buong araw talaga ako nakatulog simula kahapon?

Kumikirot tuloy yung ulo ko, hindi ko mapigilan na hindi sabunutan dahil sa sakit.

"hello?"

"Nandito ko sa tapat ng bahay nyo ngayon papasukin moko." Si Maxine pala.

"Papasabi ko nalang kay manang."

"What? No! I mean, ikaw na ang magbukas namiss kaya kita kaya gusto ko ikaw agad makikita ko." Inend ko ang call at agad na bumaba, pinapasok ko naman sya. Nakatingin nanaman samin yung mga maids, napansin siguro nila na madalas na akong magpapunta ng mga kaibigan sa bahay na hindi ko naman talaga ginagawa noon.

"So ano nga pala nangyari? Bakit magang maga nanaman mata mo?"

"Manang papanik po ng merienda sa taas." Sumunod naman agad si manang.

Pumanik na kami at tsaka ko kinwento ang lahat ng nangyari, tumatango tango lang naman sya.

Naiiyak nanaman nga ako habang nagkekwento pero ayokong ipakita kay Maxine na mahina ko dahil alam kong manghihina rin sga kapag nakita nyang malungkot ang kaibigan nya.

May kumatok sa pintuan kaya binuksan ko agad, unti-unti namang nilapag ni manang yung merienda namin

"Diba nasabi mong isinanla ng daddy mo ang bahay at lupa nyo? Paano na kayo nyan?" Sa totoo lang hindi ko na inisip yon.

"Wala naman akong pake kung saan pa kami tumira, ang gusto ko lang ay yung kasama sila."

Naayos na ni manang ang merienda namin, pasulyap sulyap sya sa usapan namin ni Maxine. Naisip nya siguro na magtatanggal na kami ng maids dahil nauubos na ang pera namin sa bangko.

"Kain ka muna, masarap magluto yan si manang eh." Hindi naman sya kumain dahil busog daw sya at hinayaan ko nalang.

"Ma-ma'am." Nakatingin lang sa akin si manang. Siguro nga ay ayun ang naisip nya. Nakakaawa silang mawawalan ng trabaho. Ayoko namang pag-usapan iyon ngayon dahil gusto kong sila mommy ang makausap nila pagdating sa ganung bagay dahil hindi ko hawak ang sitwasyon nila ngayon.

"Sige na po manang salamat po sa dala nyong merienda." Yumuko naman ito at umalis na.

"kabatch lang din ba natin yung calvin? Same school lang kayo ng pinapasukan?" patuloy nya.

"Hindi ko natanong eh pero mas mukhang matanda sya sakin ng dalawang taon. Hindi ko rin naman sya nakikita sa school dati." Nag-ring ang phone ni Maxine at pinapauwi na raw sya sakanila kaya hinatid ko sya sa may baba.

Nakasalubong ko naman si mommy na paalis na.

"May kausap ka raw sa kwarto mo anak." Ayoko na magkwento sakanya, hindi nga nila ko napansin kahapon na kasama si calvin eh si maxine pa kaya?

"Ah wala po."

"Sige una na ako malelate kami ng uwi ng daddy mo may aasikasuhin lang kami bye." Napagpasyahan kong maligo muna dahil init na init na ako.

Sobrang naiirita na din ako sa buhok ko dahil ang haba at hindi na ako komportable kaya gugupitin ko sya hanggang balikat ko.

My hair gradually fell into the floor, napasobra pa nga kaya boy cut ang kinalabasan ng buhok ko.

Bigla ko namang nasugatan ang tenga ko dahilan para magdugo. Hinugasan ko nalang at hinayaan.

Natapos na akong maligo nang may kumatok sa pintuan ko.

"What?" Sigaw ko.

"Ma'ma may naghahanap po sa inyo sa baba.

"Okay pakisabi wait lang po, mag-aayos lang ako." Inayos ko na ang sarili ko at hindi naman na ahalatang namamaga ang mata ko.

Pagbaba ko sumalubong agad sa akin ang nginlting ngiti na si Calvin Klein.

"Sino naman nagsabi sayo na pwede ka pumasok dito?" Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"We are friends, isa pa pinapasok na ako ni manang elsa." Wow mas kilala pa nya mga maids dito samin kaysa sa akin.

"Ano bang kailangan mo? Hindi naman kita tinawagan ha?"

"I just want to check if you're okay."

"Ayos naman ako ngayon oh ano? We are good right? Pwede ka na umalis."

"Ayoko nga! Hindi nga ako nakatikim ng cookie mo eh." He smirked. Manyak talaga nito eh.

"Sige patitikimin kita tapos umalis ka na ha?" ngiting ngiti nanaman ang kupal.

Deja vu ba to? Gantong ganto ang nangyari kahapon, nasa scene nanaman kami kung saan nakaupo lang sya habang pinapanood ako kung paano mag bake.

"Your hair was cool, bagay na bagay sayo." Hindi naman ako tinamaan, kinilig or nag-init sa sinabi nya.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo." Tumawa nanaman sya.

"Ang sungit mo naman kaya gusto kita eh." Ang bilis ha.

"Ilang araw palang ulit tayo magkakilala?" Tanong ko sakanya para magising naman sya na hindi ako naniniwala sa love at first sight.

"Three days mo palang ako kilala pero ikaw matagal na kitang kilala no." Inirapan ko nalang sya.

"Alam mo bang matagal na kitang gusto? Araw araw kitang nakikita sa bar pero wala ka namang mga pake sa tao don, sa sobrang kalasingan mo nga tumatawa ka na walang dahilan minsan ang cute cute mo ngang pag-masdan eh" Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nya.

I'm speechless, para akong iniipit ng langit at lupa. Sabayan pa ng pagtahimik naming dalawa.

"Well ako hindi kita gusto. Wala akong oras magmahal, sarili ko lang ang gusto ko at family ang pinaprioritized ko."

"That's why I like you, sobrang hirap mo abutin." Ngumiti sya sakin habang nakatitig ako sakanya. Ang gwapo nya pala talaga.

Enough! Ayoko ng ganito! wala akong balak na magkaroon ng katiting na feelings para sakanya. Ilang araw ko palang sya nakikilala at wala akong alam kung ano ang tunay na intensyon nya.

Kinuha ko na yung cookies at binigay sakanya.

"Oh ayan ha makakaalis kana." Umalis ako sa kitchen at nakasunod naman sya.

"Araw araw kita pupuntahan dito ha. Huwag ka na masungit." Binuksan ko yung pintuan para iparating sakanya na wala akong gana makipag-usap at makakalayas na sya.

"Manang hatid mo nalang sya sa gate." Kumindat sakin si Calvin ang cringe ew.

Pag-akyat ko sa kwarto ko dumungaw agad ako sa bintana para tingnan sya sa paglabas nya, teka ginagawa ko ba talaga to?

Kumaway lang sya sakin nang makita nya ako at kumawaay din naman ako pabalik nang nakangiti!

What? Kumakamay ako nang nakangiti? Eh kahit kay Maxine di ko ginagawa to eh! Hindi maganda to! Hindi pwede!

Hindi pwedeng magkaroon ako ng nararamdaman sakanya! Ayoko!

Feels Like Hell (Completed)Where stories live. Discover now