Chapter - 6

52 3 0
                                    

Nakarating na'ko sa bahay.Kaya dumiretso na'ko sa kwarto ko para ilagay ang gamit ko sa study table ko .Pagkatapos lumabas ako at pumunta sa kusina para tignan  kung may makakain.Binuksan ko yung kaldero ,Walantg laman,mukhang wala pa si Kuya Jerome.Kaya magluluto na'ko para paguwi nya ay may makakain sya.Nagsimula na'ko sa pagtutulo. 

Luto....

Luto....

Luto....

Luto....

After 15 century natapos na rin akong magluto kaya naghain na'ko na para sa'kin at kumain.Ako lang tuloy ang mag-isa!Lonely tuloy ako ngayon,sabayna nyo nga 'ko.

Kain....

Kain....

Kain....

Kain....

After 15 century natapos na rin ako sa pagkain kaya niligpit ko na ang aking pinagkainan.Pagkatapos pumasok na'ko ulit sa kwarto ko at nagpahinga.

Pagod na pagod ako ngayon dahil  sa dami ng ginawa namin ngayon,idagdag mo pa...na ginawa akong utusan ng Jetro.Badtrip na lalaki na yun! pinaglinis ba naman ako ng tambayan nila! palibhasa mayaman ,pagwawalis lang hindi pa alam?,Buti na lang kumita ako sa kanya.

"Hi! sa wakas,makakapagpahinga na rin  ako."sabay hikab at pumikit.

Mga ilang minuto ang lumipas may mnarinig akong bumusina,mukhang nasa harap lang ng bahay namin."Kalsada na pala 'tong? lugar namin."Habang nakapikit pa rin ako.Hindi ko na lang pinansin yung ingay na yun.Maya-maya bumusina ulit,This time medyo  malakas na kaya napadilat ako at napabangon.

"Ay! kailan pa naging kalsada ang lugar na'to! kiung yaw nyang pagpahingahin ang mga taong nais  magpahinga! bubuhusan ko sya ng tubig!"Sumulip ako sa bintana na tanaw ang labas .May nakita akong sasakyan na nasa gate namin.Kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto ko.Bumusina  na naman yung makulit na kotse na nasa harap ng gate .This time again ,napakalakas na,halos lahat ng kapit-bahay namin ay nagsilabasan na sa lakas ng busina.Kumuha ako ng isang tabong tubig sa sobrang inis at lumabas.

"Ikaw! walang modong nilalang ka? yari ka sa'kin babalik ka sa pinanggalingan mo na basang sisiw!"sabay bukas ng gate.

"Pagkabukas ko ng gate isang nilalang na sinugo ni Kamatayan ang bumungad sa'kin na nasa loob ng kotse at nakatitig sa'kin ng masama -which is Kuya Jerome.Agad 'kong tinago salikoran ko yung isang tabong tubig.Humakbang ako ng konti palabas ng gate.Anong! akala nya mabubuksan yung gate na halos nationwidw sa laki ! para mapasok yung kotse na yan sa loob!.

Bumaba sya sa kotse at lumapit sa'kin.Nginitian ko naman sya ng alanganin sana hindi mahalata.Nakatayo na sya sa harap ko.Medyo kakaiba yung titig nya sa'kin kaya parang napanganga ako sa kinatatayuan ko.Feel ko ang diwa't kaluluwa ko,tumakbo sa takot sa kanya.

"Ano yang nasa likotan mo?"nagtatakang tanoong nya,sabay turo.Natauhan ako bigla   ng magsalita sya.

"A-ah! t-tabong may lamang tubig!"utal-utal at m edyo kabadong sabi ko.

He's Riches and She's PoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon