Kabanata 20

571 35 0
                                    

KABANATA 20

Your

My vision was blurry as I left Aaron in that VIP room. Halos wala akong makita dahil na rin ata sa nakainom at sa dancing lights dahil nasa parte ako ng bar at malayo sa beach ang mga VIP rooms.

Gusto kong bumalik sa kwartong 'yon para maintindihan siya. Gusto kong masagot niya ang napakaraming tanong. Gusto kong hawakan siya para magmakaawa na kung pwedeng matulungan niya ako para mawala ang sakit.

Napatigil ako sa paglalakad nang makarating ako sa buhanginan ng The Flavors. Naglakad pa ako ng naglakad bago mapaluhod dahil natalisod.

Mas pinili kong hindi, pinili kong hindi siya hawakan. Hindi mag-tanong, hindi magmakaawa, huwag humiling na sana sumunod siya sakin.

Napayuko akong humawak sa tuhod at ang kanang kamay ay sa mukha ko. Pinili na lamang na maupo sa buhangin habang humagulhol dahil sa sakit na naramdaman.

Pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat. Na sana nasa isang panaginip ako ngunit mabubuhay lang dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman ko ngayon. How he play with me?!

Pwede niya naman sabihin sakin! Pwedeng pwede!

Wala akong pakialam na pinagtitinginan na ako ng mga dumaraan. Napakasakit sakin dahil bibigyan pa nila ako ng ganito! Doble!

"Christine."

Hindi ako lumingon. Mas lalo kong binaon ang mukha sa aking mga tuhod.

Ang sakit sakit.

"Baby. . ." I heard his heavy sighed. Ramdam ko din ang yapak niya kahit napakaraming tao sa paligid namin.

Mas lalo kung kinuyom ang kamao dahil sa tawag niya sakin.

"I'm sorry, I didn't mean to hurt you at all." Namamaos nitong sabi dahilan para marahas ko siyang tignan.

I saw his blood shot eyes. Namumula ang kanyang leeg maging ang kanyang mga mata. He pursed his lips as he tried to touch me but I refuse.

Hindi dahil sa nandidiri ngunit baka bumigay ako. Bumigay ako sa katotohanang baka umintindi ako, magpatawad ako, dahil... fuck!

"You already did." Matigas kong sagot. "You just... doubled it." The pain. I sob.

"No... baby I did not follow what she said!" He paused. Umiwas ako ng tingin. "Baby, let's go home, huh?" He pleased as he touch my wrist.

Mabilis akong pumiglas at tumayong lumayo sakanya. "I can go home dude, fuck off." Tumalikod na ako at mabilis na naglakad. Inalis ko din ang luha gamit lang ng aking kamay.

"Christine!" Tawag nito sakin. "Baby... no, please." Rinig kong pagsunod nitong pagmamakaawa sakin.

"I did not fucking follow her! Damn it!" Umiling ako. "Tang ina, hindi ako maghahanap ng apat na taon sa'yo para lang gaguhin ka!" Dagdag pa nito sakin.

Pagod akong humarap sakanya. "Pero alam mo, Aaron! ALAM MO! Alam mo kung bakit ako nasa larangang abogado! Alam mo! Pero anong ginawa mo? You stayed silent! Freaking silent for your stupid girl farmer friend!"

"Baby. . . Come on." Nagmamakaawa nitong tawag pero umiling ako.

"Please..." huminga ako ng malalim. "H'wag ka nang sumunod, makipagkita ka sakin pag kasama mo yang punyetang babaeng yan."

Nasa likod na nito si Hunter at si Atty. Madrigal.

"Christine. . ." Lumuha na ito sa harap ko. "Hear me out."

"Tin? Let's go?" Aya sakin ni Bonita na kinatango ko. Tahimik lang si Kyla na inalalayan na ako.

Hindi na ako tumingin kay Aaron at tumalikod na. Tahimik na bumuhos ang luha ko kasama ang sakit na nararamdaman.

Spring Kiwi (Flavors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon