Kabanata 9

754 35 2
                                    

KABANATA 9

Let go

Hindi ako pina-alis ni Aaron sa penthouse nito dahil sa knwento kong nasa condo si mommy at ang kapatid ko. Umayaw man ako dahil nahihiya na at nalaman kong sa guest room siya natulog habang ako ay dito sa kwarto niya but he insisted and now we're eating brunch together he cooked.

Sinigang na baboy ang niluto nito. He's not wearing any shirts so ilang beses akong napapatingin sa katawan nitong perpekto. Kanina habang nag-luluto ito ay tinitignan ko lang ang bawat galaw niya at napaka pino nun na parang wala akong mapipintas sakanya. Nasisira lang talaga minsan pag nag-sasalita ito.

Pinakulayan niya din ang buhok niyang highlights nang katulad ng saaken. Bumagay naman yun kahit kulot siya. Hindi katulad ng ibang katulad na kulot na untidy minsan tignan siya parang ang linis linis at parating bagong ligo.

Ganun nga naman ata talaga pag may-ari ng bachelor hotel. Naalala ko lang yun ng halos maubos ko na ang laman ng nasa plato ko na siya pa mismo nag lagay ng pag-kaen doon.

"Hey... I'm full!" Suway ko dito nang dinagdagan ulit ang paubos kong kinakain. Hindi ko pa naman ugaling tumanggi!

"Eat that. You look thinner."

Hindi na ako nakipag argument at baka kung ano-ano na naman sabihin nito kaya halos hindi ako makatayo sa island chair sa kabusugan.

He planned this! I knew it!

"You planned this." My eyes were chinks as he darted me a death glare and rolled his eyes.

"Nalason ka ba?"

"Hmm. Yung tyan ko."

Napanguso ito at umiling akong tinalikuran dahil nag-huhugas ito ng pinag-kainan namin. Naka-itim itong apron at inalis niya lang agad pagkatapos niya. Tumayo na din ako at sumunod dito.

Ngayon, pakiramdam ko ay pinag-lalaruan ako dahil ako na ang sunod nang sunod dito. Agad na nagtatakbo ang husky na aso ng makita kaming pumasok sa sala.

Gusto ko din sana siya pero hindi kami magkakasundo. Parang tinatawag ko ang sarili ko kung ganun. Kaya ang ginagawa ko lang ay makipag laro dito pag tumatabi saken. Wala akong balak tawagin to.

"What do you want to do?"

Tumingin ako dito. He's now wearing his specs and laptop. Umiling nalang ako dahil pakiramdam ko ay mag-ttrabaho ito. Pero binuksan nito ang tv kaya nanunuod nalang ako at ako pa ang pinapili ng papanuorin.

Mag-hapon akong ganun at nag pasyang tumaas para tignan ang telepono ko at umuwi.

"Christine!" Sigaw na ni Louise ng tumawag ako dito.

"Okay lang ako." Sabi ko dito habang nag-lakad sa maliit na balcony ng kwarto at doon nag-pahangin. Buti at hindi na ganun kainit dahil mag gagabi na din. The sky is ready to dark nakikita ko na din ang buwan.

"Your mother was furious! Hindi ko alam ang sasabihin ko ng malaman niyang wala ka sa kwarto mo! Maaga pa naman gumising dahil maaga din silang umalis para sa shoot!"

"Really? Kelan daw uuwi?" Binalewala ko ang sinabi nito.

"3 days in Palawan. You need to go home, Tina."

"But that's not my home when she's around."

Naging tahimik ang nasa kabilang linya kaya napangiti nalang ako ng mapait. Ngayon na alam niya kung anong turing saken ni mommy ay pakiramdam ko ay naawa ito saken maski si Aaron. Pero wala silang ibang sinasabi saaken na lubos kong pinagpapasalamat.

Spring Kiwi (Flavors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon