Kabanata 12

765 39 3
                                    

KABANATA 12

Cup C


"Christine, why is she fucking there again?"

Napahawak ako sa sentido ko nang sabihin ni Atty ni yun sa kabilang linya. Sa lahat ba naman. Nakikipag-relasyon pa sa may sabit!

Unghang!

"Attorney, noong isang araw pa to nanggugulo dito." Napabuntong hininga ako. "Noong pumunta po ako sa ospital ay yun din ang sinabi ko sainyo."

Hindi siya sumagot. Pero rinig ko ang malalim na paghinga nito. Tinignan ko ang babaeng nanggugulo dito ilang araw na. Pati ang trabaho namin ay naabala dahil doon! Noong isang araw ay nilibot ba naman bawat palapag ng building para hanapin si attorney! Wala man lang umawat!

Takotin ba naman kaming sesantihin. Oh edi sige. Libutin niya din hanggang jolo at wala siyang mahahanap dito!

"Get her out of my building. I might go there to see what's the progress of the renovation." Anang nito bago binaba ang tawag.

"A-wait! Attorney?!" Tinignan ko muli ang phone ko at binalik sa tenga. "Atuurneeee?! Awit ka." Mangiyak-ngiyak ko ng sabi nang wala na talaga ang tawag.

Hindi ba niya alam ang hello at goodbye sa tawag? May sarili naman siyang secretary pero ako ang ginagawang alalay! I'm Christine! The beautiful Christine! Tinignan ko ang babaeng nanggugulo sa building na to. Eliana Maria Diaz, gusto ngang

Pano ko to palalabasin? Yung mga guards nga niya dito hindi mapalabas ito. Ako pa kaya?!

Kahit naman may kaso siyang hawak ni attorney ay mali pa din ang mag-iingay 'to dito.

"Anong sabi ni Attorney?" Biglang sulpot sa tabi ko ni Atty. Chavez at Kua pareho nilang nilapit ang mukha sa pisngi ko habang pare-pareho kaming masama ang tingin sa ex ni attorney.

Bumuga ako ng malakas na hangin bago mag-salita. "Itumba daw."

Agad silang lumayo saken. Natawa si Leo sa inasta ng dalawang senior namin. Sino bang hindi? Pati yung kape ay naibuga. Buti malayo ang binugahan at natamaan ay yung ex ni Attorney.

Speed.

"What the hell?!" Tumayo ito at mabilis na pinagpag ang parteng natapunan ni Atty. Kua. Mabilis na nilapitan yun ng ibang intern para tulungan.

"I'm s-sorry maam!" Pag-hingi nito ng tawad.

Rinig na rinig namin ang hagikhikan ng iba pa naming kasama dito sa opisina. Open space ba naman tong office at wala naman kaming tig-iisang opisina at hinaharangan lang yun ng mga maliit na partisyon pero makikita pa din namin ang mga sarili depende kung puno ng papel ang table hindi ka na talaga makikita.

"Sorry?! You ruined my dress!" Maarteng sigaw nito habang kumuha ng tissue sa lamesang inu-upuan niya at pinahid dun.

"Mukha namang galing ukay-ukay." Bulong naman ni Atty. Chavez na ngingiti-ngiti sa nakikita kung pano aluhin ni Atty. Kua ang ex ni Atty. Madrigal.

Naramdaman ko ang pag-akbay saken ni Leo. "Pati ba naman kasi break naten di man lang umalis yan? Pinag-c-chismisan na yan dito ah?"

Sumipsip ako sa milk tea na hawak ko at nilagay ang telepono sa bulsa ng pantalon ko.

Totoo ngang pinag-c-chismisan na siya dito dahil sa pinag-gagawa niya dito sa opisina at napapabayaan na yun ni Atty. Dahil na din siguro sa mommy niya at palagi siyang andun sa ospital.

"Anong gagawin naten dyan?" Tanong pa nito saken. Kaya napatingin ako kay Atty. Chavez dahil alam kong narinig niya yun.

"Bakit ba hindi ako pwede pumunta sa opisina ni Xabat, huh?! Hindi niyo ba alam kung sino ako?!" Nakatingin na ito samin kaya sumipsip ulit ako sa milktea ko bago siya tignan. Wala akong natanggap na sagot kay Atty. Chavez siguro ay natutuwa pa siya sa nakikitang ginagawa ni Atty. Kua.

Spring Kiwi (Flavors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon