Kabanata 28

663 36 4
                                    

KABANATA 28

Choose

"Are you ready, Attorney?" Tanong ng stage director na namamahala ngayon sa rampage ngayong araw.

Ngumiti akong tumango at tinignan ang silver lining ng long gown ko na ginawa ng kapatid. Isa rin ako sa mukha ng Arauju kaya rarampa dahil ganon ang ginagawa naming dalawa ni Ches.

Mas lalo kong binaba ang off-shoulder ng gown upang mas madepina ang neckline.

"Ang sexy mo po, maam!" One of my make-up artist roar in our room. Napakarami namin ngayon sa backstage na pati ang ibang model ay napalingon doon dahil malakas ang pagkakasabi niya. I gave him my warm smile making him flashed into red tomato. Hindi naman masama makarinig ng komplemento mula sa lalake. Lalo na kung nasa tonong may respeto naman iyon.

Pumalakpak na ang stage director pati na ang tatlo dahil magsisimula na kami. Umupo lamang ako sa gilid pa dahil ako ang pang-huling lalabas. Napabaling ako sa lapag na kanina ay puro make-up. Ngayon. Puros' mga bulaklak mula sa tumatangkilik at kaibigan. Tinignan ko ang ilan sa mga doon na card.

First card I opened from white rose bouquet is from Archie at sa dalawa pa. Paniguradong pinaghatian pa ang pagbili ng bulaklak kaya napahalakhak ako dahil walang message na nandoon kundi ang pangalan lang nilang tatlo.

Napailing akong binubuksan ang ilan doon na mula sa mga kaibigan galing ibang bansa at ilang modelong lalake. Ang huling binuksan ay isang basket na malaki na puno ng iba't-ibang bulaklak.

No one compare's you by flowers, you must compare into me.

- Aaron Kerjie Villareal.

Napakagat ako ng pangibabang labi upang 'di tumakas ang ngiti sa labi pero traydor iyon at ang pamumula ng pisngi ang binigay lang noon. Pinaypayan ko ang sarili na binaba ang card at umiling na naglakad palapit sa pila kung saan rumarampa na ang mga katulad ko. So he's here?! Last night, hindi siya pumunta. Akala ko ba ay alam niyang sakanya ako pero hindi man lang pumunta sa isang opening?! Sakin iyon!

Noong gabing umalis kami ni Kyla sa Flavors ay puro tawa at pang-aasar lang ang natamo ko sakanya. Kung kaya umurong lahat ng iyak. Dahil alam niya din kung paano ko ilayo saken si Aaron. Lalo na dahil sa mama niya.

But hell, I all along. Natuto ako. I become on my feet in years. Walang tumayong magulang saken at nag-isip ng mag-isa kung paano mabubuhay kahit binibigyan ako ng pera nila mommy ay halos sa renta lang ng bahay iyon napupunta. I never wanted to be burden, all those years. I feel that I am not. Na malakas ako. Pero nang maalala ko kung paano kumapit sa mga kaibigan ko ay hindi. I'm a weak. Mahina akong tao, hindi ako diyos na kayang kaya lahat. Sakanila ko nahanap ang kalinga, pagaalala, pagmamahal ng pamilya. 

I sigh. For all those years I chose to be with my own. Dahil ayokong makitang nasasaktan si mommy sa t'wing nakikita niya ako na ako ang sisihin niya araw-araw dahil sa pagkawala ni dad. Dahil dumodoble ang sakit, pinaramdam niya sakin na maski siya... ay wala na rin sa akin. Na sa t'wing kaarawan ko ay parehong magulang ko ang nawala sakin no'ng araw na iyon.

Huminga ako ng malalim nang tinawag na ang pangalan ko dahil ako na ang susunod na maglalakad at baka masira ang make-up dahil sa pag-iyak.

"Attorney..." tawag sakin kaya agad na akong naglakad.

Pagkalabas ko mismo ng stage ay masigabong palakpakan ang natanggap ko. Maski ganon, ay seryoso akong naglakad upang irampa ang isusuot ko. Nang nasa dulo na ay doon lamang ngumiti at nilibot ang tingin bago tumalikod.

Napahikbi ako kaagad pagkatalikod. Ngunit kumaway pa rin ako upang sabihin na dahil sa tuwa para iyon. I'm in a awe and that ain't hurt from what I saw from afar.

Spring Kiwi (Flavors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon