[Chapter 10]

256 12 0
                                    


Starfish
By: crayonbox21


****Renz****


2:14 am, ThursdayJune 26


Pagkaalis ko sa aming bahay ay dumiretso ako ng check in sa isang hotel sa may Ortigas. Wala naman kasi akong maisip na puntahan. Ayaw ko din namang tumambay sa bahay ng bago kong kabarkada dahil wala ako sa mood na magsugal o uminom. Gusto ko lang muna na maging mapag-isa.


Nakaupo lamang ako sa kama ng aking nirentahang kwarto habang nakatingin sa kawalan. Madilim ang silid at tanging ilaw na nagmumula sa labas ang liwanag ko sa gabing iyon.


Sa totoo lang ay hindi ko alam ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Walang direksyon ang mga bagay na pinaggagawa ko. Wala rin akong plano sa gusto kong mangyari sa akin sa hinaharap. Parang wala akong gustong mangyari o mas tamang sabihing wala akong pakialam sa kung anu mang maaaring mangyari sa akin.


Alam kong mali ang mga pinaggagagawa ko. Alam kong wala itong maidudulot na maganda sa akin. Nakikinig naman ako kahit papaano sa mga sinasabi sa akin ni Mama at sa mga taong nakapaligid sa akin. Sadyang mahirap lang para sa akin ang gawin ang gusto nila. Wala kasi akong alam na ibang paraan para sumaya kahit na panandalian lang. Tanging ang kakaibang high ng droga, saya ng mga inuman, at kakaibang thrill ng pagsusugal ang nagdudulot ng ngiti sa aking mga labi.


Kung wala ang mga iyon, ay pawang mga problema at kalungkutan ang pumapasok sa aking isip. Kung wala ang mga bisyo kong iyon ay baka matagal na akong nabaliw at nasiraan ng bait. Kung wala ang mga iyon ay baka matagal ko ng kinitil ang aking walang kwentang buhay.


Kaya minsan hindi mo rin masisisi ang mga taong nagpapakalango sa alak o sa droga. Hindi mo naman kasi alam ang lahat ng kanilang pinagdaraanan. Maaaring mali nga ang paraan na pinili naming gawin para makalimot pero wala naman kaming gaanong pagpipilian. Mahirap maging malungkot pero mas mahirap ang pakiramdam na wala kang kakampi habang pilit mong tinatakasan ang kalungkutan.


Pinili kong lumayas na sa bahay dahil sa pakiramdam ko ay wala ng nakakaintindi pa sa akin. Noong una ay ang mga kaibigan ko lamang gaya nila Gelo ang kumokontra sa akin. Hanggang sa nalaman na din ni Mama ang mga ginagawa ko at sinimulan niya na din akong araw-arawin ng sermon. Kanina lamang maging ang kahuli-hulihang taong inaasahan kong maging kakampi ay nasampolan din ako ng pangaral.


Batid kong natatakot lamang sila na mapasama ako sa mga ginagawa ko. Pero mahirap bang intindihin na sobra na akong nahihirapan at nasasaktan kaya pinili ko ang panandaliang solusyon na hatid ng mga bisyo ko. Ganoon ba kahirap para sa kanila na hayaan na lang ako sa aking ginagawa dahil sa ganitong paraan lang ako nakakatakas sa mga problema?


Sa totoo lang ay gusto ko na lang na bigla na lang mawala sa mundo. Parang kay sarap isipin na bigla na lang magsa-shutdown ang aking isip at sa wakas ay habangbuhay na lang akong matatahimik. Gusto kong matulog at wag nang magising pa kailanman. Gusto ko ng sumuko sa buhay. Gusto ko na lang na mamatay.


Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking luha habang nag-iisip. Napakamiserable ng sitwasyon ko at parang wala na akong natatanaw na pag-asa pa.

STARFISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon