[Chapter 12]

213 10 1
                                    


Starfish
By: crayonbox21


****Aki****


5:30 pm, MondayJune 30


"Okay ka lang, boss?", tanong sa akin ng aking sekretarya at kaibigan na si Sam habang inilalapag nito ang mga papeles na kailang kong reviewhin at pirmahan sa aking lamesa.


"Yes, i'm fine.", matipid kong sagot.


"Si Kyle ba?", naghihinala nitong tanong. Sa tagal na rin naming magkakakilala ay alam na nito kapag may problema ako o may naging tampuhan kami ni Kyle. Pinili kong hindi nalang sumagot. Wala ako sa mood na magkwento ng nangyare kahapon.


"It'll be okay soon. Wit bagay sayiz ang malungkot!",eksahiradang sabi ng aking sekretarya. Alam kong sinusubukan niya lamang ako na patawanin dahil maghapon akong nagkulong sa aking opisina.


"Dami mong alam Samantha. Sige na umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng irog mo. Tatapusin ko lang 'to.", pagtataboy ko sa aking sekretarya bago pa ako nito kulitin ng todo.


"Alright, bye Aki. Ingat pag-uwe at huwag nang mag-inom please.", natatawa nitong bilin sa akin."Sira.", natatawa kong sagot.


Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay pansamantala ko munang itinigil ang aking ginagawa. Kanina pa masakit ang aking mata dahil sa pagbabasa ng kung anu-anong dokumento. Pilit kong ibinaling ang aking atensyon buong araw sa trabaho para sandaling takasan ang tampong nararadaman ko kay Kyle.


Sinisikap kong isiksik sa aking isip na wala sa katwiran at mababaw ang nararamdaman kong tampo kay Kyle. Hindi naman niya kasalanan na nagkaroon siya ng kaibigang mahirap kailangain. Nang tawagan siya kahapon ni Renz ay alam kong wala siyang ibang choice kundi ang pumunta sa ospital at siguruhing maaayos ang lagay ng kanyang matalik na kaibigan. Sadyang mahirap lang na hindi makaramdam ng selos at hinampo. Hindi naman ako perpektong tao kahit gaano kalawak ang aking ginagawang pag-intindi sa sitwasyon ay hindi ko maiiwasang maging makasarili kung minsan at makaramdam ng selos, lalo pa na ang kanyang matalik na kibigan din ang numero unong kahati ko sa puso niya noon.


'Noon lang ba?', mala-demonyong bulong ng isang parte ng aking utak. Agad kong iwinaksi ang isiping iyon, alam at ramdam kong mahal ako ni Kyle. Sa nangyayari ngayon kay Renz ay alam kong sinisikap lang niyang gawin ang kanyang tungkulin rito bilang bestfriend.


'Eh bakit hindi ka man lang niya naisipan na tawagan maghapon? Baka masyado na siyang busy kay Renz', muling sulsol ng kontrabidang parte ng aking isip.


Agad kong binalik ang aking tuon sa pagbabasa. Kung anu-ano na ang pumapasok sa aking utak. Maghapon kasi kaming hindi nagkausap ni Kyle. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ginawang tawagan ako. At dahil nagpadaig din ako sa 'pride', hindi ko rin siya sinubukang tawagan kaya ngayon ay napaparanoid na ako.


****Lui****


6:43 pm, MondayJune 30


Napangiwi na lamang ako ng makitang walang anumang email akong natatanggap mula sa mg inapplyan kong kumpanya. Hindi ko alam kung ganito na talaga kahirap ang maghanap ng trabaho ngayon o sadyang pinapahirap lang ng aking magulang ang paghahanap ng trabaho para sa akin.

STARFISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon