[Chapter 23]

917 35 28
                                    

STARFISH

by: crayonbox21


****Renz****


5:28 AM, SundayApril 28


Tahimik akong nakaupo sa silya sa verandah ng kwarto ko sa isang resort sa Bataan. Tanaw mula sa labas ng aking kwarto ang paghampas ng alon sa dalampasigan at ang madilim pang kalangitan. Hindi na nakapagtatakang mailap ang antok sa akin ng gabing iyon. Pinasya kong hintayin na lang na balutin ng liwanag ng araw ang aking kapaligiran bago muling pilitin ang sarili na makatulog.


Unti-unti kong inuubos ang wine na nasa aking baso. Ayaw kong magpakalasing. Gusto ko lang ng konting inumin para kumalma ang aking pakiramdam at dalawin ng antok. Kailangan ko ang aking wisyo ngayong araw na ito. Kailangang ko ng full control sa aking katawan, isipan, at emosyon. Wala pa gaanong tao sa labas. Madilim pa din naman kasi at medyo maaga pa para iayos ang lugar na paggaganapan ng seremonya mamaya. Ang tanging kasama ko ng mga sandaling iyon ay ang mga kuliglig na mas aktibo sa gabi at ang buwan na unti-unti nang nagpapaalam.


Marami ang magsasabi na isang malaking katangahan at kamartiran ang pag-sangayon ko na sumama sa kasal na ito. Hindi ko naman sila masisisi dahil maging ako ay may mga tanong pa din sa aking sarili kung bakit ako pumayag.


Naaalala ko pa ang kaswal na pagmumungkahi ni Lui na ako ang pumalit kay Kyle bilang best man niya. Matapos ang aksidente ni Kyle ay obvious na wala ito sa maayos na kondisyon para maglakad sa aisle. Nang sandaling tanungin at pilitin ako ni Lui ay wala na ako masyadong nagawa. Hindi ko napag-isipang maigi ang aking naging desisyon. Huli na ng ma-realize ko kung ano ang sinangayunan kong gawin.


Sa kabila ng kaalamang mahihirapan at paparusahan ko lang ang aking sarili sa pagpunta sa kasal na ito ay may parte pa rin na nagsasabing dapat pumunta ako. 


Nais kong maging saksi sa masayang araw na ito ni Lui. Kahit na masakit. Kahit na parang dinudurog ang puso ko. Gusto kong nandito ako para sa kanya. Kung tutuusin ay maliit na bagay lamang ito kung ikukumpra sa mga bagay na nagawa ko sa kanya noon.

Sa palagay ko ay kailangan ko din na pumunta para na rin sa aking sarili. Closure kumbaga. Kailangan kong makita sa sarili kong mga mata na masaya na sya sa kalagayan nya ngayon para magawa ko ring maging masaya at tuluyan na syang pakawalan. Ayaw kong ulitin ang mga nagawa ko kay Kyle noon na hindi ko sya lubos na mapakawalan kahit na alam kong masaya na sya sa pilling ni AKi. 

This time around I'll make sure that I'll truly set the person I love free so he can be happy.

---------------------------

4:26 PM, SundayApril 28


Mabuti na lamang at nagkasya sa akin ang damit ng bestman na para sana kay Kyle. Tapos na akong magbihis at mag-ayos. Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin. Pinapraktis ang mga ngiting dapat nakaplaster sa aking mga labi oras na harapin ko si Lui. Kinukondisyon ko rin ang aking puso't isipan para sa mga mangyayari. Ayaw ko na gumawa ng eksena o anumang dahilan para mag-alala si Lui sa araw na ito.

Kampante ako na makakaya kong lagpasan ang mga kaganapan mamaya. Sa dami ng pinagdaanan ko hindi naman na siguro ako basta basta na lamang na panghihinaan ng loob. Kakayanin ko to para kay Lui. 

Natigil ang aking pagmumuni-muni dahil sa katok sa aking kwarto. Agad ko namang tinungo ang pintuan para tingnan kung sino ang nandoon. Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan ang mukhang nakita ko.

STARFISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon