[Chapter 14]

246 11 0
                                    

Starfish
By: crayonbox21


****Lui****


8:45 am, FridayJuly 04


Nagising ako sa malakas na pagpintig ng aking sentido. Bahagya kong iminulat ang aking mata para tingnan kung anong oras na pero agad din akong napapikit dahil awtomatikong umikot ang aking paligid. Damn! Mukhang maghapon akong pahihirapan ng hangover ko. Pinasya kong manatili pang nakahiga ng mahigit limang minuto bago ako tuluyang bumangon. Tahimik pang nakahiga si Kyle sa aking tabi. Pinasya kong gisingin siya para tanungin kung may balak pa siyang pumasok sa trabaho ngayong araw. Malamang sa matindi din ang kanyang nararamdaman na hangover sa ngayon.


"Kyle, wake up. Are you going to work?", tanong ko rito habang bahagyang tinatapik ang kanyang mukha. Agad naman siyang nagmulat ng mata.


"Yes.", maiksi nitong sagot habang hinihimas ang sentido marahil ay nararamdaman na din nito ang hilong nararamdaman ko.


"I'll just prepare breakfast.", paalam ko dito bago ako lumabas ng kwarto. Tumango lamang ito bilang sagot.


"Good morning!", bati sa akin ni Renz. Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Pakiramdam ko ay kaya kong umubos ng isang pitsel na tubig.


"Good morning Kuya Lui.",bati sa akin ni Sandy at Andrei habang kumakain sa may lamesa.


"Saan kayo---? Paanong ?", taka kong tanong. Noon ko lamang napansin ang nakahain na mga pagkain sa lamesa. French toast, scrambled eggs, bacon, hotdogs, fried rice, juice.


"Kumain ka na. Huwag mong sabihing susubuan pa kita.", natatawang sabi sa akin ni Renz. Lalong kumunot ang noo ko. Bakit biglang mabait sa akin ang kumag na 'to?


"You cook all these?", hindi ko makapaniwalang sabi.


"Yeah, kawawa naman si Andrei kung puro sunog na pancakes ang kakainin niya sa umaga.", sagot ng aking kausap.


"Kuya kumain ka na, masayap din magluto si Kuyang mabait. Hindi sunog.", nakangising singit ni Andrei. Sakto namang lumabas nang kwarto si Kyle at nagkukusot pa ng mata.


"Someone please make me coffee.", pakiusap nito habang naglalakad patungo sa lamesa. Kikilos na sana ako para i-gawa ng kape si Kyle nang magpresenta si Renz.


"I got it. Kumain ka na lang dyan.", wika nito sa akin. "One coffee for Kyle, comin' right up!", maligalig nitong sabi. Natawa naman si Kyle sa sinabi ni Renz.


"He cooked all these?", tanong sa akin ni Kyle habang umuupo kaming pareho.


"I guess.", sagot ko. "Sana lang walang lason yung akin.", komento ko habang naglalagay ng pagkain sa aking plato.


"Here's your coffee sir! Just the way you like it, less coffee lots of creamer and sugar.", sabay naman kaming napatingin ni Kyle sa bestfriend niya. Hindi maipagkakailang good mood ito ngayong umaga.

STARFISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon