FREESIA
Hinihingal akong bumalik sa bahay namin. Hindi naman ganon kalayo ang tinakbo ko pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Oh anak, bakit ga'y hingal na hingal ka?" Salubong sakin ni mama noong nakapasok ako sa bahay. Nang makita niyang ganon ang sitwasyon ko ay agad niya akong dinalhan ng tubig na agad ko din namang ininom dahil sa pag kauhaw ko.
"Kamusta naman? Andon na ba ga si Anthem?" Bigla akong nanlumo sa tanong na iyon ni mama.
"Oh bakit ganyan ang itsura mo? Hindi ba kayo nag pandaabot?" Dugtong na tanong nito. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko siya sinagot.
"Yon na nga ma, nakita ko siya-"
"Oh! Eh nakita mo na pala eh bakit ganyang ang iyong itsura? Ikaw ba'y ulaga?"
"Eh kasi ma, hindi na niya ko naalala" biglang lumukot ang mukha ni mama. Nanahimik si mama dahil sa sinabi kong yon mukhang naubusan na din ng tanong. Bumuntong hininga ako at saka nag salita ulit.
"Ewan ko ma, ilang taon lang naman kaming hindi nag kita at nag kasama pero nalimutan na nga niya ata ako" naisalampak ko ang ulo ko sa lamesa.
"Ay ayon na nga siguro. Mga bata pa kayo noon at ngayon mga matured na kayo kaya siguro hindi ka na niya nakikilala at saka inoperahan din kasi siya sa puso-" bigla akong napatunghay sa sinabing iyon ni mama.
"Iyon na nga ma eh, puso yung inoperahan sa kanya pero bakit nakalimot siya?" Naiirita kong tanong kay mama.
"Ganon talaga anak. Alam kong masakit sa feeling ng kinakalimutan pero siguro bigyan mo pa siya ng ilang oras at panahon, malay mo at malay natin maalala ka na niya" nakangiting sabing iyon ni mama. Napatango tango ako. Totoo naman, lahat ng bagay ay kailangan ng panahon at oras kailangan ko lang siguro ng oras at saka hindi ko din naman siya masisisi dahil artista naman na siya ngayon normal nalang siguro sa mga sikat ang makalimot.
"Osya anak, tulungan ko na muna ang papa mo sa pag aayos ng bulaklak" hinawakan muna ako nito sa balikat bago umalis. Nga pala meron kami ditong maliit na farm at sa farm na yon merong mga manok, kambing, may tatlong biik, at saka may taniman din kami ng mga pinya dahil dito sa batangas ay talamak talaga ang pinya pero ang pinaka pinag tutuunan namin ng pansin ay ang mga bulaklak ni mama. Sari-sari ang tanim na halaman ni mama, may mga rosas, orchid, sunflower at iba pa na ibinebenta sa iba't ibang lugar. Minsan kapag namumulaklak na talaga ang mga iyon - lalo na ang sunflower - ay dinadayo kami dito ng mga tao. Si Donya Karen ang isa sa mga suki namin dito dahil araw araw ay nag papadala siya ng mga bulaklak at ibang halaman para ipang design sa mala mansyon nyang bahay.
Mula nang maparalisa si Donya Karen ay wala na itong ibang pinag kaabalahan kundi ang mga halaman at mga bulaklak kaya naman tuwang tuwa ito sa tuwing dinadalhan ko siya ng mga halaman. Si Don Francisco naman na asawa ni Donya Karen ay matikas pa at nakakapangisda pa at kung minsan ay dumadalaw dito upang bumili ng pinya at para kumuha ng ilang bulaklak.
Malapit na talaga ang pamilya namin sa pamilya nila noon pa man at ang isa sa mga hindi ko malilimutan ay si Anthem na kababata ko at sa kanya talaga ang malaki ang utang na loob ko. Nakakatuwa mang isipin pero noon pa man ay malaki na talaga ang pag hanga ko sa kanya. Bukod sa napakagwapo at talentado niya ay sobrang bait niya pa - noon pero hindi ko na alam ngayon. Sa ipinakita niya sakin ay parang hindi na siya ang Anthem na nakilala ko.
BINABASA MO ANG
The flower that never blooms
RomanceLike a wild flower, he spent his days allowing himself to grow, not all may knew his struggle but eventually all knew his light