ANTHEM
Did she saw that? I hope she did not.
Ilang araw nang bumabagabag sa utak ko kung nakita ba niya ang tahi sa dibdib ko. I really need to talk to her kaya gabi gabi ay pumupunta ako sa tabi ng dagat kung saan ko siya naabutang kumakanta. Her voice was so angelic kaya hindi na ko nakapag pigil na sabayan siyang kumanta pero tumigil siya bigla and that was the last time I saw her.
Isang linggo na ang nakakaraan noong nangyari ang gabing iyon. Ang aga ko ding nagigising para abangan siya na mag hatid ng bulaklak kay lola pero everymorning ay iba-iba ang taong nag hahatid ng bulaklak kay lola. Kailangan ko lang talagang makausap siya at matanong kung nakita niya ba ang peklat ko sa dibdib kasi ayakong may ibang makaalam ng kalagayan ko.
Yeah, ever since na nag artista ako ay tinago ko ang sa lahat ang tungkol sa kalagayan ko at ang may alam lang tungkol dito ay ang management na may hawak sa akin. I don't want everyone to be concerned about me. Nag karoon din kami ng kasunduan ng mangement na may hawak sa akin na kailangan ay walang ibang makakaalam tungkol dito or else puputulin nila ang lahat lahat sa akin - my showbusiness will be over and I don't want that to be happen. Matagal ko nang pinapangarap ang maging idol kasi sayang naman ang boses, talento at kagwapuhan ko kung di ko pag kakakitaan diba? Hays, ever since na naging sikat ako ay hinihingi na ng mga fans ko ang topless picture ko, may abs naman ako pero ayako lang ipakita sa kanila gawa nga ng peklat ko. Hays kawawang mga fans.
"Jenny" tawag ko sa kasambahay naming si Jenny na nakatulala habang nag kakape doon sa kusina namin. Sa lahat ng kasambahay namin ay si Jenny na ata ang pinakamalapit sa akin. Bukod sa araw-araw ko itong nakakausap eh makapal din ang mukha nitong si Jenny.
"Jenny!" Tawag kong muli dito kasi hindi ata narinig ang unang tawag ko sa kanya pero wala pading effect ang pag tawag ko. Kung makikita niyo ang mukha ni Jenny ay matatawa kayo. Pano ba naman eh para siyang puyat na tarsier na nag kakape habang nakatulala sa kawalan tapos kung minsan ay pangiti ngiti pa. Jenny is a morena girl, may itsura kaso nga lang ay mukang tarsier dahil sa malaki nitong mata at ang kulot na buhok nito ay parang isang taon nang hindi nasusuklayan.
Dahil sa pagka-absent minded nito ay nilapitan ko na siya at saka sinabunutan "Jenny!"
"Ay palakang kokak!" Ayon natauhan din siya sa wakas. Umupo ako sa tabi niya habang siya ay gulat na gulat. Nang tignan ko kung saan siya nakatulala ay nakita kong tinitignan niya pala ang isa sa mga hardinero namin. Si mang Mikael pala na naka topless lang at basa ang katawan dahil sa pag didilig nito ng halaman. Moreno si Mang Mikael at talaga namang napakakisig ng katawan na para bang batak na batak sa gym. Nang dahil sa basa niyang katawan ay parang nakinang tuloy ang katawan niya dahil sa araw.
"Sir ikaw pala, anong ho gang kailangan nyo?" Tanong nito sakin nang matauhan. Tatango tango akong humarap sa kanya.
"Type mo siguro si Mang Kael" panunukso ko dito. Agad namang namula ang babae at saka iiling iling.
"N-nako hindi sir! Matanda saken si Mang Kael noh! D-di ko type mga matatanda saken" pag hihimutok nito. Sa pag kakaalam ko eh nasa edad trenta lamang si Mang Kael pero binata pa ito at walang kahit na sinong jowa, ang ibang tsismis pa nga dito sa bahay eh bakla raw itong si Mang Kael kaya walang nagiging girlfriend.

BINABASA MO ANG
The flower that never blooms
RomanceLike a wild flower, he spent his days allowing himself to grow, not all may knew his struggle but eventually all knew his light