Kabanata 2

10 1 0
                                    

ANTHEM




"Pahinga ka na muna Anthem ha! Wag mong i-stressin sarili mo dyan! Mamimiss kita Anthem huhums" halos inilayo ko na ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng salitang iyon ni Manager Hanji at ang kupal ay nag fake pa ng iyak.


"Manager hindi naman ako mamamatay-"


"Anthem mamimiss kita! Hayaan mo dadalawin kita dyan ha" ang kupal talaga ni hindi man lang ako pinatapos mag salita.


"Sir, excuse me, nandito na po tayo" sabi ng driver ko.


"Sige na Manager Han, tawagan mo nalang ulit ako mamaya" pag kasabi ko noon ay pinatay ko na agad ang linya. Mahirap na baka mamaya ay mag salita nanaman siya at tumagal nanaman ang usapan namin kaya kung gusto niyo ng kausap, laging free si Manager siya nalang ang kausapin niyo't malamang ay hindi kayo mauubusan ng topic.


Naunang bumaba ang driver ko at mula dito sa loob ng sasakyan ay nakita ko ang ilang kasambahay na ibinababa na ang mga gamit ko. Nang matanaw ko ang aking lola na nasa wheelchair ay bumaba na ako upang salubungin siya.


"Mommy- la" sabi ko dito sabay ang mano at yapos.

"Apo ang aga mo yata, ang sabi ga saakin ng mama mo ey alas siete pa ang iyong dating" napa ngiti ako nang marinig ko ang boses na iyon ng lola ko. Nakakatuwa talaga ang accent ng mga batangeniya. Well dito kasi laki ang lola ko kaya hanggang ngayon ay kahit papaano'y may ganito paden siyang accent.


"Nag short cut na po kasi kami ni kuya Michael kaya napabilis ang byahe namin" ani ko. Eksaktong alasais ay nakarating na kami dito sa Nasugbu, Batangas kung saan naninirahan ang lolo at lola ko. Sa ngayon ay dito na muna ako mananahan at mag papagaling.



"Ay ganon ba? Oh siya sige. Ika'y pumasok na sa loob para makapag almusal na" sabi nito at saka pumihit na patalikod sa akin. Hindi naman ako nag dalwang isip na tulungan siya sa wheelchair niya.



"Nasan nga po pala si Lolo?" Sabi ko nang makapasok kami sa mala mansyon nitong bahay. Maganda ang bahay na ito at simple pero kahit na ganon ay mahahalata mong mamahalin ang mga gamit. Pag pasok mo ng bahay ay isang malaking larawan ng isang pamilya ang bubungad sayo. Picture to nila Lolo at lola kasama ang apat nilang anak, tatlong babae at isang lalaki and basically my father is their youngest and one and only son kaya ayon nasa Paris si Daddy to work kasi siya ang tagapag mana ng Orejon group of company.


"Aba'y ga, kahit na matanda na ang lolo mo ey nangingisda pa man din iyon" natatawa nitong sabi. Ang lolo ko ay 71 years old na while my grandmother is at her 73 years old. My grandma is really weak na talaga at kailangan na niyang mag pahinga dito sa bahay.


"Donya Karen andito na po si Freesia, papapasukin ko na po ba?" Napabaling ang atensyon ko sa isang kasambahay na lumapit sa amin. Mukhang bata pa itong kasambahay na ito at parang mas matanda lang sa akin ng ilang taon.


"Ano ka ba?! Diba sinabi ko naman sayo na kapag si Freesia ang dadating ey papasukin mo na? Aba'y sesesantihin na talaga kita Mariseth" sabi ng lola ko doon sa kasambahay habang hinahampas hampas ito ng tungkod niya na nasa gilid lang ng wheelchair niya kanina.


The flower that never bloomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon