Kabanata 05

25 7 0
                                    

"Good morning, ABM"

First day of class, kinda excited to meet new friends but lowkey missing my jhs classmates, lalo na sina Maris at Athena.

Hindi ako lumipat ng paaralan, same with Maris but different strand. Athena went of different school, mas malaking paaralan na siguradong mahal ang tuition.

"Before you introduce yourself, I just want you to know that you entered Accountancy, Business and Management. For the first semester you will have Applied Economics, Business Math and Organization and Management as your academic subjects. Those said subjects are only specialized for you ABM. Other strands like STEM will have Pre-Calculus and Biology 1 which is wala sa inyo.

Sana 'yon ang mga pinag-aaralan ko ngayon pero wala nandito na ako. What I need to do is just to 'go with the flow'.

"Anyway, I am Jelyn delos Reyes, CPA Accountancy graduate at UP, after I passed the CPALE I decided to work in a Accounting Firm for 6 years. For those who are wondering why I am here, I've decided to explore on what my profession can offer to me and here I am teaching. If I'm not mistaken some of you are aspiring Accountants right?"

"Yes!" Sagot nang iba kong mga kaklase.

"Or how about aspiring FA's? Entrepreneurs? and etc. Whatever it is, I know someday you'll make it and when that day comes I'll be one of the proudest." Ngumiti siya "Hmm.. enough for that. Introduce yourself, just state your full name, age, and what you want to become in the future. Agape?"

Nagsimula nang magpakilala nang sarili, alphabetical order ang sinundan ni Ms.

"Mark Andrei Agape, 17. I want to become a Businessman someday."

"Oh, Interesting. Thank you. Andrada?"

"Markus Isiah Andrada, 17. I want to pursue medicine in the future."

Bahagyang natigilan si Ms. Jelyn. Parehas pala kami nitong si Mr. Andrada? Bakit kaya siya nandito sa ABM?

"Hmm.. did I hear it right?"

"Yes, Ms."

"Oh, I see. May I know your reason why you entered ABM?"

"My parents wants me here, That's why."

Hindi lang pala ako ang nag-iisa dito, may katulad din ako.

Biglang naging awkward ang sitwasyon, siguro private ang rason ni Mr. Andrada, teka ano nga ulit ang pangalan niya?

"Okay, you may take your seat. Buenaventura?"

Nagpatuloy ang lahat hanggang sa ako na..

"dela Fuente?"

Tumayo ako at pumunta na sa harapan.

"Maria Veronica Isobel dela Fuente, 17 years old, I want to become... doctor someday"

"Same with Isiah... Why did you enrolled ABM then?"

"Ah.. my parents wants me to pursue Accountancy.."

Tama bang sinabi ko pa? Stupid Veron!

"Uhuh.. but you want to become doctor?"

"Yes po.."

"Remember this class, always choose what will makes you happy because at the end of the day, it's all between you and what you want to do. You cannot do well to the things that your not good at, and to the things that your not happy doing. Okay?" Lumingon siya sakin..

What's your name again? Maria?"

"Veron nalang po." Ngumiti ako.

"I see, thank you, Veron."

Nagpatuloy pa ang pagpapakilala ng mga kaklase ko.

Choose what will makes you happy....

Haaays.

"Thanks for participating everyone, I hope you can make all of your dreams come true. Welcome aboard!"

Pagkatapos ng introduce yourself ay inexplain na ni Ms. Jelyn ang grading system namin. Iba na pala ito sa jhs. Mukhang mas mahirap... pero sabi ni Ms. basta daw mahal at gusto mo ang ginagawa mo ay walang impossible.

Kaya ko naman siguro ito. Para kay mama at... papa.

Nagsimula na rin siyang magdiscuss ng introduction namin sa subject namin sakanya na tatlo pala.. BusMath, Applied Eco at Org Man.

"Your majors are every MTW including PE while your other core subjects will be on ThF. I think, starting tomorrow magpapalitan na nang teachers.. I'll update you later but anyway, you can have your 15 minutes break. I'm expecting you to be back at exactly 10:00 am, understood?"

"Yes, Ms."

Nagsimula ng magsilabasan ang mga kaklase ko, bago ako lumabas ay hinintay ko munang mabawasan ang mga tao sa hallway, nagsabay sabay kasing lumabas ang mga estudyante.

Napagdesisyunan ko nang tumayo nang may tumawag sa pangalan ko..

"Maria"

Hindi ko alam na magiging ganito pala kagandang pakinggan ang first name ko pag binanggit ng ibang tao.. pero teka sino ba yon, wala pa naman akong kaclose dito sa klase na ito ah..

"Hmm?" Lumingon ako sa likuran.

"Ah..." Napakamot siya sa ulo niya.. Si Mr. Andrada to ah.

"Mr. Andrada? bakit, may.. kailangan po ba kayo sakin?" Tanong ko nang makitang parang nahiya siya sa ginawa niya pero bigla siyang natawa..

Luh.

Baliw ba to?

"Grabe naman sa 'po' at Mr. Andrada." Humalakhak pa siya.

"Ah sorry..." Umiwas ako ng tingin, may mali ba sa sinabi ko?

"Hey" Hinanap niya ang mga mata ko. "No need to say sorry.. I'm Markus Isiah, but you can call me Isiah.." Inalok niya ang kamay niya na tila ba nakikipag shakehands.

Syempre! Ano bang ginagawa kapag inaalok ang kamay? At teka... bakit ba ako kinakabahan?

Tinanggap ko ito at nakipag shakehands. "Veronica pero.. V-veron nalang."

"Veron.." Ngumiti siya.. "You're the one na.. gustong mag doctor?"

"Yes. Ikaw din diba-" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang namataan ko si Mariz na kumakaway sa bintana.

"Nice meeting you Isiah, sige, naghihintay na yung kaibigan ko sa labas." Ngumiti ako sakanya. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil mabilis na akong naglakad palabas ng aming classroom.

"Aray ko!" Sigaw ko nang hinila ni Mariz ang buhok ko.

"First day na first day naka bingwit ng gwapo si ate mo girl!"

"Ano ba!" Tinanggal ko sa pagkakahawak niya ang buhok ko. Sabi kona nga ba at ito ang aabutin ko sa kanya.

"Yiee!" Tutusukin niya sana ang tagiliran ko pero bigla siyang natahimik, lumingon ako sa likod at nakita kong si Mr. Andrada iyon este Isiah na naglalakad palabas ng hallway.

"Mariz naman, baka narinig ka niya. Nakakahiya sa tao." Baka akala ni Isiah ay may gusto kaagad ako sakanya. Ano ba yan!

"Gaga, edi goods." Hinatak na niya ako palabas ng hallway.

First day.

♡ac.

We Can Never Go Back (On-Going)Where stories live. Discover now