Kabanata 07

21 5 0
                                    

"Hmm.. sorry naabala pa kita." Sinabi ko sakanya habang diretso siyang nakatingin sa daan.

Marunong na nga siyang magmaneho at ang nakakagulat ay meron siyang sariling sasakyan.. 17 palang siya. Wala pang driving license 'to.

Wala naman sigurong manghuhuli dito sa daan pauwi sa amin.

"No, don't say sorry. After all, it's me who insisted." Diretso parin ang tingin niya sa daan.

"Ah.. sa kanan" Sabi ko.. hindi na sana ako papahatid sa mismong harap ng bahay namin dahil masikip itong eskinita dito sa amin pero mapilit kasi siya.

Baka mamaya, ano nang chismis ang ikalat ng mga kapitbahay tungkol sa akin dito.

"Maria" Tinawag niya ako

Lumingon ako sa kanya.

Here it is again, his playful smile.

"Ewan ko sayo, baba na ako. Salamat"

Sinabi ko na sakanya kanina na ayaw ko sa Maria. Ang pangit kayang pakinggan. Masyadong makaluma.

Humalakhak siya.

Hindi pa kami ganon ka close pero may lakas na siyang loob na mang asar.

"Hey!"

"Thank you! Ingat!" Dire-diretso ako sa pagbaba at pumasok na sa loob.

Dumiretso ako sa kwarto ko dahil mukhang nasa kwarto sina mama at Vince. Alas quatro palang kasi, malamang ay tulog ang mga iyon.

Mabilis akong nagbihis ng pangbahay. Wala pang pinapagawa sa amin ngayon, hindi katulad sa kina Mariz na unang araw palang ay may requirement eme na agad.

Bukas ay magsisimula na daw ang pagpapalitan ng teachers.. sana naman ay mabait silang lahat at sana walang masyadong maging requirements.

**

Lumipasang mga araw ay naging maayos naman ang klase.. kahit na hindi naman talaga dapat ako dito ay naeenjoy ko naman ang mga inaaral namin.

Naeenjoy ko ba talaga o baka ito na yung paraan ko para matanggap na ito nang tuluyan ng sarili ko. Ewan.

"Asset, Own by the company... Asset.. Asset.. Liability, Equity" Pagkakabisa ni Isiah sa tabi ko. Argh! Ang ingay, kabi-kabila ang mga bulong bulungan ng mga kaklase ko dahil sa binigay  na 5 minutes to review ni Sir Jeff.

Entrepreneurship ang subject namin ngayon, pero ang pinag-aaralan namin ay ang mga accounts na ito. Ang buong akala ko ay sa susunod na sem pa ang mga ito.

Mabuti nalang ay nakapagreview na ako kagabi kaya naman wala na akong aalahanin ngayon.

"Guys, let me just remind you that on December 18 is the deadliest deadline of your Business Plan. Accomplish it because it's a collaboration with your Core subject, Applied Economics." Banggit ni Sir.

Oo nga pala, may business plan pa! Sabay sabay naman ang mga pinapagawa. Nakakapagod...

Paano kaya kung nasa STEM ako ngayon? Mas nakakapagod kaya?

Medyo hindi narin kami gaanong nakakapag usap ni Mariz ngayon dahil naging mas busy siya. Mukhang mas mahirap ang pinag-aaralan nila at isa pa, mayroon narin siyang naging kaibigan sa mga kaklase niya. Wala namang kaso sa akin yon, mature naman na ako para sa mga ganoong bagay. Tulad ko, may mga ibang nagiging kaibigan narin naman ako dito. Unti unting umuusad kahit papaano, hindi tulad noon na si Isiah lang ang lagi kong kausap.

"Enough for that. Get 1/4 sheet of paper and we will start. No more things on your desk aside for paper and pen!"

Tatlong buwan na mula noong nagpasukan pero hanggang ngayon, hindi ko alam kung anong meron kay Sir Jeff na talaga namang kinakatakutan naming lahat. Yung tipong presensya niya palang sa harapan ay sapat na para mapatahimik kaming lahat.

We Can Never Go Back (On-Going)Where stories live. Discover now