Kabanata 08

17 4 0
                                    

"Verooon!" Napukaw ng atensiyon ko ang maingay na tawag sa aking pangalan kaya naman lumingon kaagad ako.

"OMG! Gurl kanina pa ako umiikot sa campus. Ang laki ng school bat dito kayo?" Nanlaki ang mata ni Mariz.

"Wow! Gandang bungad! Pagkatapos mo akong hindi kausapin ng ilang linggo." Binalik ko ang atensiyon ko sa laptop.

May draft na kami para sa DTS na halos si Isiah ang gumawa. Moral support lang yata ang naiambag ko dahil hindi na nag function ng ilang minuto ang utak ko sa mga sinabi niya kanina.

Iyon lang naman ang sinabi niya pero ewan.. grabe ang epekto niya sa akin.

Well.. assumera na yata ako ng taon.

"Busy lang. Ito naman! Ang dami dami kayang requirements ni Sir Pascual sa Gen Bio. Isa pa yung Pre Cal na yon, feeling major! Ayan na nga at may time na ako... pero parang may ginagawa kayo?" Haaay. Ano ba namang tanong yan.

"Were just finishing our business plan" Sagot ni Isiah sakanya na feeling ko ay hindi na komportable sa ingay ni Mariz.

Matagal na kaming magkasama ni Isiah at alam ko na ang mga ayaw at gusto niya at isa na rito ang maingay.

Napaka 'reserve' niyang tao, pakiramdam ko nga ay maswerte na ako sa lagay na ito na may alam ako kahit papaano sa buhay niya.

"Uh-huh" tumango tango parin si Mariz.

Nang-aasar talaga.

Tumayo ako at pinuntahan siya.

"Tatapusin namin 'to ngayong araw." Hinila ko siya palayo. "Bakit?"

"Wala lang.. miss na kita." Biglang lumungkot ang mukha niya.

"Araw araw mo naman akong nakikita."

"Pero hindi nakakausap. Hindi na tulad nung dati."

"Nag drama ka pa! Miss din kita wag kang mag-alala." Ngumiti ako.

"Si Athena daw uuwi dito bago mag pasko, nag-yayaya. Pero hindi yata sakanila.. alam mona."

"Sige. Balitaan mo nalang ako."

"Sige na balik kana dun.. gumawa na kayo ng business plan." Kakaiba na naman ang ngiti niya.

Tumango ako at niyakap siya bago kami maghiwalay.

"Sorry... ganon lang talaga siya." Banggit ko kay Isiah na ngayon ay nakatutok ang mukha sa laptop.

"Its not like I don't know." Ngumiti siya at lumingon sa akin.

"Akin na, ako nalang magtutuloy."

"Ako nalang, patapos narin naman na."

"Nasaan na kasi" Kinuha ko ang laptop ngunit laking gulat ko ng nakita kong patapos na nga siya. Literal.

Wala pa kaming dalawang oras dito pero.. tapos na agad. Ang bilis naman niyang mag-isip kung ako siguro ay aabot ako ng isang araw para lang dito.

"See? I told you." Ngumiti siya.

---

Mabilis na lumipas ang araw. December na ngayon at nakapagdefense na rin kami ng business plan. Midterms nalang ang huling requirement at sawakas matatapos na rin ang semester na ito.

Magli-limang buwan na mula ng nagsimula ang klase, si Maris ay talagang tutok sa pag-aaral niya at madalang nalang kung kami ay magkasama kaya wala na kaming gaanong update sa buhay ng isa't isa.

Si Athena ay ganon rin, halos anim na buwan na noong huli naming pagkikita. Pero kahit ganoon, ay hindi nawawala ang closeness namin sa isa't isa. Ganon naman talaga, darating ang pagkakataong kailangan nyong mawalay sa isa't isa dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay lagi kayong magkasama.

We Can Never Go Back (On-Going)Where stories live. Discover now