Chapter 2
Garcia Clan; Catherine Garcia
"I think you must change your clothes, some kind of a friendly dress?" tinignan ko si Mica, siya yung babaeng gumising sa akin kahapon.
We are eating our breakfast and she kept on complaining because of my new style of fashion. I am wearing a fitted rip jeans paired with a simple white t-shirt, and I am wearing snickers. I don't want to wear a dress paired with a not-so-high-heel-doll-shoes, it's too girly at hindi yun pasa sa style ko.
"it doesn't look bad Mica, she looked fashionable and mature. Hindi gaya ng dati na nagmumukha siyang little princess" sabi naman ni Cyric at pinagpatuloy muli ang pagkain.
Supportive talaga itong si Cyric sa mga ginagawa at gustong gawin ni Catherine, I mean ME.
Tinamaan nga siya.
Kung isa lang akong normal na babae, malamang nahulog na rin ako kay Cyric. But I'm a girl who doesn't believe in love.
"she need to wear dresses because she is really a princess" giit na sabi ni Mica.
Ang sarap mong itapon sa pacific ocean Mica, ako ang empress at ako ang dapat na masusunod ditto.
Gusto ko yan sabihin sa kanya but because I need to act innocent, hindi ko ata yan masasabi sa kanya. Bakit ba kasi gustong-gusto niya akong magsuot ng bestida. I hate those stuff.
"I think I need to change my style, Mica. I am also comfortable with this" I said while spreading the strawberry jam on the bread.
I love strawberries, that's why. Tinaas ko ang tingin ko kay Mica at nakita kong nagtaka ito.
I did not do something weird right? Tumingin ako kay Cyric at nakitingin rin ito sa akin na may pagtataka.
The hell!?
What's wrong with this people.
"why are you guys looking at me like that?" I ask. Tumikhim si tanda Alejandro kaya napunta sa kanya ang tingin ko.
Nakita ko itong tinignan ang bread na nilagyan ko ng strawberry jam.
Tinaasan ko naman ito ng kilay, na para bang nagtatanong. I really hate this
"kailan ka pa nagkagusto sa strawberry jam, Empress. The last time I know, you really hate strawberries. At ang gusto mong ipalaman sa tinapay ay ang ube jam" sabi ni Mica. Peke akong umubo at lumunok ng isang beses.
I'm going to hate this.
Bakit naman kasi sa dinami-daming prutas sa buong mundo, bakit strawberry pa ang ayaw mo Catherine!
Magkasalungat na nga tayo sa ugali, magkasalungat pa tayo sa pagkain. I hate ube. Bakit naman kasi hindi ko ito nabasa sa libro? The hell!?
"I kinda like it now, may pinatikim kasi sa akin si tito Alejandro na cake na ang flavour ay strawberry at nagustuhan ko ito" I said while smiling at tumingin kay tanda Alejandro na ngayon ay singkit na ang mga mata dahil sa sinabi ko.
Bahala ka sa buhay mo Tanda, dinala mo ako ditto sa mundo at binigyan ng isang mahirap na misyon. It's not bad kung idadamay kita sa mga gagawin kong rason upang masulosyonan ko ang mga tanong nila, diba.
Damay-damay na ito.
"sabi ko na kasi sayo Catherine, hindi naman masama ang lasa ng strawberry, diba" tumingin naman ako kay Cyric na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.
BINABASA MO ANG
Pretender
RandomMake your dreams come true. The unexpected to expected. The impossible to possible. The misunderstanding to understanding. The mistakes that you will surely regret. Nothing last forever. Remember that. The things that you didn't imagine will come tr...