Chapter 9:First day but Second meet.

213 17 0
                                    

Chapter 9

First day but Second meet.

Andrea/Catherine POV

"you know what Catherine, marami pa namang magagandang unibersidad diyan eh. Ba-ka gusto mong―"

"Sa Linux University ako mag-aaral Cyric. Nakakainis ka na huh!" sabi ko kay Cyric.

Palagi niya na lang akong sinasabihan na sa ibang unibersidad na lang ako mag-aaral.

Nakakainis na siya.

Ano ba kasi ang problema kung sa Linux University ako mag-aaral? Diba, wala. Wala naman kasing silbi ang mga rason niya.

"tsk. Basta, susunduin kita pagkatapos ng klase mo, sabay na rin tayo kakain ng tanghalian at recess. Bawal kang lumabas ng classroom mo hangga't hindi ko alam. Kung may kailangan ka, i-message mo ako. Kung gusto mong pumunta sa headquarters namin, ako ang tawagan mo at hindi yung mga ulol. Okay?" mahabang sabi niya.

Ano ako bata? Kindergarten? The hell! For god sake. I'm already 19 years old and turning 20 this year. At hindi naman ako malapitin sa gulo.

"I'm not a kid!" sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Agad ko naman inayos ang ang buhok ko. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang sa labas nang sasakyan.

Nasa backseat kami ni Cyric dahil may pinadalang driver si Dad sa amin. May sarili na rin akong mansion na ngayon amin'y tinitirahan, yung malapit ditto sa university.

"malapit na tayo myloves. Ako na rin ang maghahatid sayo sa classroom mo" tinignan ko naman si Cyric at busy ito sa cellphone niya.

Paaralan ba yun ng mga demonyo? Diba, hindi. Kaya ko rin naman alagaan ang sarili ko. Ibang-iba ako sa naiisip nila.

"Ako na lang ang pupunta ng room. Ayaw ko nang atensyon, halata naman kasi na pagguguluhan ka ng kababaihan" sabi ko.

I hate attention.

Ayaw ko rin na ako ang magiging headline sa kanilang mga chismis. Isa pa naman si Cyric sa white kings.

"no! Ako ang hahatid sayo sa ayaw at gusto mo" seryoso niyang saad.

Nakakatakot talaga minsan si Cyric, kung seryoso ito. Pero kung makulit, ang sarap itapon sa bulkang mayon. Minsan nga napapasunod niya ako kung sobrang seryoso niya na.

The hell!

Ako ang empress ditto.

"ako ang empress ditto at dapat sundin mo ako" malamig at seryosong saad ko. Nagbugtong hininga naman siya.

"I'm just trying to protect you, Empress" sabi niya.

Napangisi naman ako dahil napasunod ko naman siya uli. Minsan kasi ako yung napapasunod niya.

"but still, kailangan mo akong sundin kundi sasabihin ko sa emperor ang mga plano at balak mong gawin" seryoso niya saad.

Tinignan ko naman siya ng masama.

That's blackmailing.

"pero―"

"one more word and I'll kick you off the car" tumingin na lang uli ako sa labas na sasakyan at tumahimik.

The hell!

PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon