Virgin no. 16

96.6K 1K 85
                                    

Pers op ol, SORRY kung di ako nakakareply sa mga COMMENT niyo, kasi naman, wala po akong KOMPYUTER sa bahay, tapos pagMOBILE ang gamit ko, kapag naka 1000+ letters na ako at ipopost ko na ang REPLY, punyeta, biglang Failed to connect the internet, diba? Asar, pero rest assured na binabasa ko LAHAT ng iyon :))

Dedicated to Demonise, ('Love the name) SIYA lang naman ang author ng ODLS. Ayii. Thank You sa pagbasa nitong chuchu ko!

 Tingan nyo VIDEO sa SIDE nakakatawa si Yuu :)

_____________________________________________________________________

Virgin no. 16

<Polly's POV>

"Lahat ng nasa Bus D! Pumasok na!"

Sunud-sunuran naman ang mga inaantok na estudyante papasok ng BUS D.

Tiningnan ko ang wristwatch ko. 4am. 4am ang call time, bahala na yung ibang maiwan. Rules are rules. Walang Late. Walang Filipino time.

First Day ng Field Trip. At pupunta kami sa isang lugar na hindi inaasahan ng mga estudyante na pupuntahan namin.

"Ang aga naman kasi ng Call time." Napatinin ako sa kumpol ng babaeng papasok ng Bus D.

"Oo nga. Bakit kaya hindi na lang tayo pumunta ng Hongkong? Canada? Korea? Japan? Hindi yung dito lang sa philippines!" sabat naman nung isa.

"Tama! Hindi sa tuktok ng Mt.Province! Worst! Sa Sagada! As far as I know, yun ata ang pinakatuktok ng Mt.Province!"

"What? Meaning, walang mga Malls doon? Pati Bars?! Sounds so boring!"

"Yeah. I can't imagine wearing those ethnic clothes which they called them BAHAG! It's definetly a No-No."

"Eeeew!" sabay-sabay na sabi ng ibang kasama nito.

Doon na ako sumingit.

"Ehem.."

Base sa mukha nila, kitang kita ang takot ng mga ito. Plus the fact na umayos sila ng tayo.

"M-ms. P-president."

"Tatayo na lang ba kayo diyan?" Tinuro ko yung mga estudyanteng papasok ng BusD. "Ano? Lakad na! Kilos!"

"Y-yes Maam!"

Wala sa mga sarili silang tumayo at mabilisang tumakbo sa BUS D.

Ano bang masama sa SAGADA?

Fresh Air. Nature Friendly. 300km from the nearest city. Half a day travel from Manila. Walang Malls and Bars. Zero Degree Visibility pa lalo na at ngayong December anong masama doon?

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon