CHAPTER 3 - - She's Celly :D

157 4 0
  • Dedicated kay Celesty Mae Pelenio Arañez
                                    

Guys, ang mismong bidang si Gino muna ang magna-narrator sa kabanatang ito at sa susunod ...

Naka leave pa si Mr. Narrator eh.. >_<

Anyway, enjoy reading ! :))

__________________________________________________________________________

Habang kinakausap nya ako, nakatingin sya sa aking mga mata...

Tila ba sanay na sanay na syang makipag-usap sa strangers... At kung makipag-usap sya  ay parang kaibigan nya... Napakalambing ng kanyang boses...

Sa sobrang tuwa at hiya ko ay hindi ko na nakayang makipag-titigan sa kanyang tantalizing eyes....

Ang titig nya ay parang laser beam ni Superman, nakakalusaaaaaaaaaaw!            >.<

Maya maya pa ay hindi nako nakatiis, natataranta na ang isipan ko...

"HOY KUMAG! Bakit natameme ka na jan? Mag-isip ka na ng topic mokong! Sayang opportunity!" -sabi ko sa isipan ko...

Humarap ako sa kanya, naghahanda nang magsalita...

"Okay, keep calm and do the gangnam sty--...Gagu! Keep calm and act normal!" -sabi ko sa isip isip ko...

Sa sobrang taranta ko, ang 'ACT NORMAL' ko ay naging unique...

Napahawak ang kanang kamay ko sa batok at ang kaliwa sa bewang ko habang nakayuko at napakagat labi na may kasabay na kendeng at sabay tanong...

"A-a-anu pala w-whole n-n-n-name mo c-c-classmate?" -tanong ko sa kanya na mukhang tanga...

Taas kilay syang nakatingin sakin, tila nagtataka kung anong nangyayari sakin... >_<

"Ayos ka lang classmate? Parang inaatake ka ng epilepsi ah? Kailangan mo ba pumunta ng clinic?" -tanong nya...

Grabe, kahit mukha syang nag-aalala napakalambing parin ng boses nya, para akong nagpapa-massage sa spa habang pinakikinggan boses nya...

"A-a-a-ako? I-i-i-i'm perfectly f-f-fine! G-g-ganito lang t-talaga ako pag g-g-giniginaw..." -palusot ko pa...

Tumatak sa isip niya ang narinig nya...

"Giniginaw"

"GINIGINAW"

"GINIGINAW"

"GINIGINAW..."

. . . . . . .

"Giniginaw ka? Tirik na tirik ang araw, 32 degrees celcius, walang aircon, naka leather jacket ka pa, giniginaw ka? Sure ka okey ka lang classmate?" -tanong nya habang nakatakip sa kanyang bibig ang kanyang kamay na parang nagpipigil ng tawa...

Maya-maya, biglang may bumatok sakin sa likod... Bumalik na pala malay ni Marky...

*BOTONG!!!*

"Huy ungas! Anu nangyayari sayo? May epilepsi ka?" -tanong nya habang nagpipigil ng tawa...

Nawalang bigla ang pagkataranta ko sa ginawa ni Marky, tila ba bigla akong natauhan...

"ARAY! Loko ka! Spinal cord ko tinamaan mo ha! Mamaya tuluyan akong magka-epilepsi sayo eh!" -galit kong sermon kay Marky...

"Eh ano bang nangyayari sayo? Nagkakagat-labi ka pa jan para kang sinapian ni Jose Manalo..." -pabiro niyang tinanong..

Naku, pag nahalata nitong natataranta ako dahil type ko yung anghel na yun yari na... 

PALUSOT MODE, ENGAGE!!!

*KACHIIIIING!!!*

"Wala brad, sabay lang nangati yung bewang at batok ko... Nagmukha lang ako kumekembot kasi sobrang kati eh... Tignan mo nga may higad ba?" -palusot ko pang tanong sa kanya...

"Shunga, higadin mo mukha mo... Wala ngang kapuno-puno dito higad ka pa jan..." -sagot nya...

"Ay oo nga noh, ANYWAY!!! Anu nga ba yung tinatanong ko? Teka nga, wag kang epal brad, nag-uusap kami eh..." -dinakma ko ulit ang mukha nya at ihinagis sa likod...

Di pa man ako nagsasalita ay narinig ko na ang kanyang kanyang mala-SPAng tinig...

"Okey ka lang talaga classmate?" -worried nyang tanong sakin...

Hay salamat, kalmado nako... Mamaya na kita papasalamatan sa ginawa mo kumag (Marky)...

"A-a-a-ahahaha, pasensya ka na kanina... Hindi kasi ako nakapag-lunch eh... E-e-ehehehe..." -sagot ko sa kanya...

(Kung maaalala nyo, sa CHAPTER 1 ay kumain ako ng lunch... Which means palusot ko lang toh para di ako mabuko... PALUSOT MODE is still active ...)

"Uhmm, so ano nga pala whole name mo classmate?" -lakas loob kong tanong sa kanya...

"Celly Mae Araña, ikaw anong name mo?" -sagot at tanong nya...

"Gino, Gino Sightrasher... Kano dad ko kaya Sightrasher..." -sagot ko naman sa tanong nya...

"Ahh, unique ha... Nice to meet you Gino... :) So, bakit pala whole name ko pa tinanong mo?"

Naku yari, oo nga noh? Bakit nga ba whole name nya tinanong ko? Wala naman siguro akong balak mag-FLAMES FLAMES diba? 

EMERGENCY PALUSOT, ACTIVATE!!!

"Wala lang, ipo-post ko lang sana name mo sa Bulletin Board, Lost and Found, Fallen Angel... Hehe, joke!" -pabiro kong sagot sa kanya...

Biglang natawa si Celly, nakatakip ang mga daliri ng kanyang kanang kamay sa labi nya at tila nakapikit na ang mga mata na parang isang cute na anime character!

Nagkataong mahilig ako sa anime kaya napansin kong kuhang-kuha nya ang image ng tinutukoy ko...

O.o . . .

 -_- . . . 

=_= . . . 

*_* . . . 

@_@ ! ! !

"ERMAGERD !!!"

Namula ng todo ang mukha ko na parang si Hellboy sa nasaksihan ko... Napaka-simple ng kagandahan nya...

She's SIMPLY GORGEOUS ! That's all I can say ...                  >///<

Natapos ang maikling conversation namin dahil biglang dumating si Sir ACHEBUCHE, professor namin...

30 minutes late lang naman... Di bale nga namang late kesa absent, masisante pa lang...Mahirap na...

Nakatingin siya sa buong klase namin, mukhang dismayado siya dahil nagsi-alisan na ang ibang classmates ko, di ko sila masisisi... 30 minutes late tong mokong eh..

Huminga sya ng malalim, sabay nagsalita...

"CLASS DISMISSED... I'll see you on Wednesday..." -tumalikod sabay lumabas sa room...

Nganga kaming magkakaklase, sa isip namin... "Uy, mukang eto lang vacant subject na may professor ah..."

Nagsi-alisan na ang mga classmates ko sa room, 3 nalang kami nila Marky at Celly natira sa loob. Inaya na rin kami ni Celly na lumabas...

"Tara na Gino, Marky... Labas na tayo... Teka, nasan si Marky?" -tanong ni Celly...

''Baka nauna nang lumabas, lika na..." -aya ko kay Celly...

Hindi namin napansin nasa isang sulok si Marky, nakatihaya... Wala pa ring malay...

 CONDOLENCE ... >_<

- to be continued -

_______________________________________________________________________

Abangan, Chapter 4 - - She's Mighty Bonded On My Mind

COMING SOON :))

Love at First Sight (LaFS) &gt;.&lt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon