CHAPTER 6 - - Makiki-tambay Lang...

67 1 0
                                    

[Kinabukasan...]

Habang papunta si Gino sa campus nila... Seryosong seryoso ang mukha niya...

Lahat ng taong nakakita sa kanya na malapit sa kanya, lumalayo...

Dahil sa sobrang seryoso ng mukha nya, para bang anu mang oras ay bigla itong mangangagat...

Bakit siya seryoso?

Nag-iisip lang naman siya ng paraan kung paano kakaibiganin si Celly...

Hindi basta isang normal na kaibigan, kundi ka-IBIGAN...

Habang naglalakad si Gino ay nagsasalita ng pabulong sa sarili na tila ba nagri-ritwal...

"So ang unang step ay kaibiganin huh? Sabagay, dapat naman talaga magsimula ang lahat sa pagkakaibigan bago mag ka-ibigan..." -sabi ni Gino sa sarili habang nagkakamot ng ulo..

Maya-maya pa, dumating na si Gino sa classroom nila ni Celly at Marky...

Nang makita ni Marky si Gino na napakaseryoso ang mukha, bigla syang tumiklop at napayuko...

Natakot ito dahil akala niya bad mood si Gino, baka manganib ang buhay niya kapag na-bwiset sa kanya ito...

Samantalang si Celly, as usual, blooming ang dating...

Nang makita niya si Gino, agad itong ngumiti at bumati...

"Hi Gino! Bakit parang di ka maka-ngiti dyan? Para kang may mens ah?" -biro ni Celly kay Gino...

Nang marinig ito ni Gino, agad siyang ngumiti ng labas ang gilagid at sumagot kay Celly...

"Mens? Ahaha! Anu ka ba naman Celly, next month pa mens period ko..." -pabiro ring tugon ni Gino rito... Natawa naman si Celly sa kanyang sagot...

"Ahahaha! Sige sabihin mu lang sakin kung may tagos ka ha, pahiramin kita ng napkin..." -pabiro ring sagot ni Celly..

Matapos sabihin ni Celly iyon ay bigla siyang may naalala... Agad niya namang dinugtungan ang huling sinabi niya kay Gino...

"Ay oo nga pala Gino, may susunod ka pa bang klase pagkatapos nito? Magpapasama sana ako sa inyo ni Marky sa BSBA Office, papapirmahan ko itong application ko sa COMELEC..." -aya ni Celly kay Gino..

Agad nanlaki ang mata ni Gino, alam niyang mayroon siyang klase sa susunod na subject, pero ngumiti ito kay Celly at agad na sumagot...

"Meron akong klase kaso sabi ni Ma'am wala daw siya ngayon kaya sige sasamahan kita..." -nakangiting sagot ni Gino...

Lumingon si Gino kay Marky at nagtanong...

"Kumag, sasama ka ba samin?" -tanong nito kay Marky...

Si Marky naman ay di makatingin kay Gino, tila ba natatakot pa rin... Sa isip pa niya... "Avoid eye-contact! Avoid eye-contact! Sasagot nalang ako ng oo sa kanya..."

Pero bago siya sumagot ay napatingin siya kay Gino... Napakasama ng tingin nito sa kaya, tila ba may gustong iparating sa kanya sa pamamagitan ng tingin... Para bang sinasabi ng kanyang mga mata ay ... "Wag kang sasama samin, kukutusan ko yang Fallopian Tube mo!"

Nagulat siya dahil ang sa sobrang nakakatakot na tingin sa kanya ni Gino, para bang gusto nitong marinig na sagot ay "Hindi..."

Kaya iyon na rin ang kanyang naisagot... Lumingon agad si Marky kay Celly upang sabihin ito...

"H-h-hindi ako makakasama, h-h-hehe... M-m-may gagawin pa pala ako sa k-k-Computer Laboratory... K-kayo nalang dalawa.." -nauutal nitong sinabi kay Celly at agad na yumuko...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at First Sight (LaFS) >.<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon