Meet Gino, the protagonist, single for 6 months... 18 years of age, 2nd year college, or rather...
2 years as 1st year in college... Tamad na bata eh...
He's just like any other normal guy out there, mahilig sa online games, hindi masyadong magaling sa academics...
Pag may dumadaang magandang babae, ang leeg ko umiikot 90 degrees... natural na yan sa boys eh.. Hehe...
At syempre, nagmamahal! hindi ng presyo, kundi ng babae...
Umpisa na ng 2nd semester sa school ni Gino, syempre excited siya...bagong friends, bagong classmates...
Bagong iikutan ng leeg... >.<
1st day of school, hindi pa kailangan mag proper uniform...
Casual attire, pumorma siya ng astig para maganda 1st impression ng mga kapwa niya estupidyante sa kanya...
"Whoo, klase nanaman! Sana marami akong classmate na nakakabighani ang kagandahan..." -sabi in Gino sa sarili niya.
(NAKAKABIGHANI ANG KAGANDAHAN)...
Hayup, lalim nun ah... Hehe, don't misunderstand guys... Mahilig siya sa maganda...
Pero di siya chickboy, stick-to-one type of guy toh... :)
1st Subject - Computer Literacy 2 ...
"Ahy, wala masyadong chiks sa klase na toh... Di bale na, aircon naman tong room... Hihi" -dismayadong niyang bulong sa sarili niya...
Ganun din halos nangyari sa dalawang subject na sumunod...
Until...
4th Subject - Religion Education 2 ...
"Awwww Yeaaaah! Jackpot!" -tuwang tuwa nyang sinabi sa sarili nya ng pabulong nung napatabi siya sa dalawang magagandang dilag...
"Makapag-drawing nga para mapansin ako ng dalawang toh. Nishishishi..." -sabi ni Gino sa isip nya nang may kasamang hagikhik ...
(Drawing talaga paraan nya ng pagpapapansin sa mga tao, hehe... Yan pinaka pinagmamalaki nyang talent eh...)
Nagdrawing si Gino ng isang anime character, ang sikat na si Naruto ...
Biglang nagsalita ang nasa left side niya...
"Si Naruto yan diba? Wow, galing mo naman mag-drawing! Kopyang kopya mo ah..." -sabi nung cute na girl sa left side ni Gino...
Tuwang-tuwa si Gino, gumana strategy nya. NYAHAHA ! >_<
"H-h-hehe... Hindi naman masyado, konting practice lang magagawa nyo rin yan..." -tugon niya... Pahumble effect noh? LOL.
"Ako nga pala si Shiena, anu name mo?" -pakilala ng cute girl na kumausap sa kanya...
"Gino, you can call me Gino for short... Hehe, joke! Nice to meet you pala Shiena... :))" -pabirong sagot ni Gino sa kanya...
By the way, photogenic si Shiena, mahilig sya mag picture2x, edit2x, at mag Instagram.
Maya't maya, nagsalita na din ang cute girl na nasa right side ko, na tila chismosang nakikinig sa dalawa...
"Hello classmate, I'm Myra... Ang galing mo naman mag sketch, can you draw me?" -maamo nyang nirequest kay Gino...
"Oh sure! Pa-borrow lang ng picture mo, draw kita..." -sagot nito sa kanya.
Sa isip isip ni Gino..
"Naku, eto na ang side effects ng strategy ko... tsk-tsk... Nagpapa-drawing na tong isa"...
For your information... Eto isa sa pinaka-malalang weakness niya, di siya makatanggi sa magagandang babae! >.<
By the way again, model naman tong si Myra... Medyo sosyal ang lifestyle, kaya medyo may kaartehan sa pag-sasalita...
Patuloy nagpakilalahan at nagkwetuhan ang tatlo...
30 minutes na ang lumipas... Walang professor na dumating, 1st day pa kasi eh...
Unti-unting naglabasan ang mga classmates ni Gino sa room, kaya mag aalisan na rin silang tatlo...
"Bye classmate! See you on Wednesday... :)" -paalam ni Shiena...
"Bye Gino! Nice meeting you... :))" -paalam rin ni Myra...
"Bye! Ingat kayo, or rather, ingat sila sa inyo... Hehe, kidding!" -pabirong sagot ni Gino sa kanila...
Matapos ang subject na yun, Lunch time na...
Di nakita ni Gino mga ungas nyang barkada nung 1st semester kaya mag-isa syang nag lunch...
Habang kumakain sya, kinakausap nya sarili nya na parang may tuliling sa utak... XD
"Whoohoo! Sarap ng semester na toh, naka-jackpot ako ah... Isang photogenic at isang model? Ano pa hahanapin mo? TAHAHAHA !" -parang shunga nitong sinabi sa isipan niya...
"Parang may kulang eh... Wala akong nararamdamang spark sa kahit isa sa kanila... Parang di sila tipo kong ligawan..." -dagdag pa nito sa kashungaan nya... >_<
Makalipas ang isang oras, dumerecho si Gino sa susunod niyang klase... Late na siya ng 3 minutes... Pero as usual, dahil 1st day, wala pang professor na nagpapakita...
Pag pasok niya sa room nila, nakita niya yung isang barkada niya nung 1st semester, si Marky... Isang athletic na duwende... Hindi duwende literally, unano kasi height eh... XD
Laking tuwa ni Gino dahil di na siya tutunganga sa subject na yun, nilapitan niya si Marky sa likod sabay batok...
*TOK!!!*
"HOY kumag! Classmates tayo? Pagka minamalas ka nga naman oh..." -pabirong sinabi ni Gino sinabi sa kanya...
"ARUY!!! (Late reaction, delayed yung aray nya ng 2.3 seconds...) Oy ! Ikaw pala yan, gagu to oh... Sakit nun ah... Pasalamat ka di ko abot ulo mo..." -kunsumido nyang reaksyon sa ginawa si Gino...
"NYAHAHAHA! Sisihin mo magulang mo kung bakit kulang height mo! Mali yata posisyon sa paggawa sayo... XD" -biro nito sa kanya...
"SHATTAP, jan ka nalang upo sa tabi ko brad, wala pang nakaupo jan..." -sabi nya...
"Sige sige, para may matripan ako... Haha!" -nakakalokong sagot nito sa kanya...
Habang kausap ni Gino si Marky, napansin niya yung babaeng katabi nito sa right side... Isang kabigha-bighaning simpleng babae... Walang make-up, may maamong mukha, napaka tamis na boses, at maputing kutis...
Nang makita ito ni Gino, napatitig ito sa kanya... Mga 11.7 seconds... >.<
Nako, eto na nga ... Mukhang hindi na computer tinamaan ng pana ni Kupido para kay Gino!
"Wha-?" -napanganga si Gino habang kumikinang ang mga mata...
Na LOVE AT FIRST SIGHT na nga si Gino!
- to be continued -
_____________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Love at First Sight (LaFS) >.<
عاطفيةSa buhay, may mga bagay tayo na di inaasahan... Gaya nalang ng ma LOVE at FIRST SIGHT... Naranasan mo na bang ma-Love-at-First-Sight? Kung oo, magugustuhan mo ang story na 'to! Kung hindi, magugustuhan mo pa rin ito! Kiligin at mag enjoy sa kashunga...