CHAPTER 5 - - Gotta Make My Move >:)

69 2 0
                                    

Nagbabalik na si Mr. Narrator pips!  Now, let's get on with this. . . XD

________________________________________________________________________

Kinabukasan...

(FAST FORWARD >>> 4th Subject - 2:00pm-3:00pm)

Pumasok na si Gino sa kanilang room... Pag pasok niya, agad niyang tinignan kung present ang kanyang inaasam-asam na binibining si Celly...

Nakita niyang naroon na ang dilag, nakaupo ng napaka-eleganteng tignan... Kinakausap ang unano na si Marky...

"Ermagerd! Ayun siya, whoo... Whoo... Chillax Gino, act normal! As in normal na normal! Di yung kagat-labi... Okay, inhale.. Exhale..."

Naglakad na siya patungo sa kanyang uupuan... Kung saan daraan siya sa harapan ni Celly...

Sa sobrang kaba ni Gino, parang robot siyang naglakad papunta sa kanyang uupuan... Sabay ang kanyang Kanang kamay sa paghakbang ng kanyang kanang paa... Ganun din sa kaliwa..

Ang mukha nya naman parang na stroke, naninigas at iisa ang expression...

Maya-maya pa, napadaan na siya harap ni Celly...

Biglang nagsalita si Celly...

"Hi Gino! :D" -bati nya na may kasamang mala-mango float sa tamis na ngiti...

Biglang nanigas si Gino, tila na 'petrify', pinagpawisan at nanlaki ang mata...

Tumibok ng mabilis ang puso at napaisip...

*TUG-DUG! TUG-DUG! TUG-TUGUDUGDUG, DUG-DUG!*

"Wholy sheet! Binati nya ko, binati nya ko! Humarap ka kumag, harap! Ngitian mo! Act cool!"

Humarap sya nang naka-ngiti kay Celly para mag respond sa bati nito...

Pero ang kanyang ngiti ay medyo kakaiba...

Parang ngiti ni Joker,labas pati gilagid... Ang ilong naka-busarga na parang hippopotamus... At ang mga mata'y halos nakapikit na tila isang Chinese na kidnapper... Ahh basta Chinese..

Agad tumugon si Gino...

"H-h-hello Celly! K-k-kamusta? H-hehe..."

Nagulat si Celly sa expression ni Gino sa kanya, nag-alala siya dahil mukhang di maganda ang pakiramdam ni Gino...

"Ayos ka lang Gino? Bakit ganyan mukha mo? Para kang nagpipigil ng LBM ah?" -tanong niya na may nababahalang boses...

Sasagot na sana si Gino, pero biglang umepal si Marky, pinaharap ako sa kanya at sabay nagtanong ng may malakas na boses na parang ignorante...

"Huy! Ayos ka lang brad? Ba't ganyan itsura mo? Mukha kang binarurot ah?" -tanong nya na may kahalong mahinang tawa...

Para sa mga taong hindi nakakaintindi ng salitang barurot...

(BARUROT - ang pagtusok ng puwet ng isang tao gamit ang daliri... Isa sa mga sikat na character na gumamit nito ay si Kakashi ng Naruto... Ang tawag sa kanyang technique sa pagbarurot ay "FORBIDDEN TECHNIQUE: THOUSAND YEARS OF PAIN!" . . . Ok share lang, let's go back to the story...)

Napasimangot si Gino sa biro ni Marky sa kanya, di niya gustong binibiro ng ganun sa harap ng natitipuhan niya... Hinugot nya ang lapis sa bulsa nito at ihinampas sa noo niya...

*PAKAK!*

Sa lakas ng hampas ni Gino, bumakat ang tatak ng lapis na MONGGOLOYD 2 sa noo ni Marky... Namilipit naman sa sakit si Marky..

Love at First Sight (LaFS) >.<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon