CHAPTER 4 - - Na Mighty Bond Siya Sa Isipan Ko

107 2 0
                                    

Matapos ang subject na iyon, naghiwalay na kami ng landas ...

Malungkot isiping hindi ko na siya classmate sa iba ko pang subject ...

Habang naglalakad ako papunta sa susunod kong klase , para akong tangang nakatunganga...

Naka nga-nga na medyo nakangiti... Tulo pa laway...

Ang mga kilay ko'y nakataas, at ang mga mata ko'y tila inaantok...

Di dahil sa inaantok talaga ako, kundi dahil di sya mawala sa isipan ko...               >.<

Lahat ng madaanan kong estudyante, napapalayo dahil sa itsura ko...

Sa isip isip nila... "Anu nangyari jan? Mukang lasing ah... Oh baka naman naka drugs?"

Maya-maya pa, dumating na ako sa susunod kong klase...

Pag pasok ko, naroon na ang professor, at kumpleto na ang classmates ko...

Lahat sila nakatingin sakin pag pasok ko... Sa isip ko pa...

"Bakit nakatitig silang lahat sakin? Di naman ako kriminal ah? Anong meron?"

Hindi ko alam na late na pala ako ng 16 minutes...

Di ko namalayan na nalibot ko na pala ang buong campus nung naglalakad ako ng wala sa sarili ko kakaisip sa kanya ...

"Are you Mr. Sightrasher?" -tanong ni Ma'am sakin na may kasamang masamang titig... 

"Yes ma'am, sorry for being late... May tinulungan po kasi akong matanda na tumawid sa kalsada, tsaka tinulungan ko din mamalengke yung isang yaya, tsaka yung tuberong nag-aayos ng kuryente... tsaka--"

Biglang pinutol ni ma'am ang pag eexplain ko ng aking alibi...

"Tuberong nag-aayos ng kuryente? Bago yun ha... Ah, okay... Wawarningan nalang kita Mr. Sightrasher... Humanap ka na ng bakanteng silya jan.." -matawa-tawa nyang utos sakin...

"Okay ma'am... Thank you for your kind consideration..."

Makalipas ang ilang minuto, nagsimula nang mag-lecture si ma'am...

Lahat ng classmate ko nakikinig at nagte-take note ng lesson...

Ako naman, nakabukas ang notebook... Tila ba nagte-take note rin... Pero ang nakasulat...

_______________________________________

______XD__________________Celly<3______

_______________________________________

_______F_L_A_M_E_S____________________

_______________________________________

_____Celly Mae Araña = 6_________________

_____Gino Sightrasher= __________________

_______________________________________

_________________________>///<_________

_______________________________________

__Celly<3_______________________________

______________Celly<3___________________

_______________________________________

_______>_<_____________________________

_______________________________________

Maya maya, nawala nanaman ako sa aking sarili, nakahiga ang ulo sa kanang palad... tulala sa notebook... nakanganga, taas-kilay at parang inaantok...

Love at First Sight (LaFS) &gt;.&lt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon