03

4 1 0
                                    

#BTASM03

MUNING

By six AM in the morning, I was ready to go. Nakapaglinis na ako at nakaluto ng almusal.

Today is the big day. My first day in the infamous Sinclair Institute of Arts and Science International as a student and also my first day in Sinclair Montessori as an assistant teacher. The rush of excitement is electrifying. It feels so good!

Saktong pagsakbat ko ng bag ko ay siyang labas ni ate Kuting mula sa lungga niya. Magulo ang pula niyang buhok at nakasuot pa siya ng terno niyang PJs na domo-kun. May nakasabit na twalya sa kanang balikat niya at nakasalpak naman sa bibig niya ang sipilyo niya. Naglalakad siya papunta sa banyo kahit parang hindi pa siya tuluyang nagigising dahil medyo pikit pa siya.

"Good morning." Bati ko rito na sinuklian niya lang ng isang tango. "Mauna na ako. May pasok pa ko sa SM. Good luck sa first day!" Masiglang bati ko pa pero thumbs up lang ang sagot niya.

Napatingala naman ako sa maaliwalas na kalangitan.

"Be my lucky day." I whispered in the morning breeze, crossed fingers. I uttered a short prayer bago naglakad na palabas ng subdivision papunta sa SM.

As usual, the streets are busy. Monday eh. Tapos balik pasukan pa. Nang makarating ako sa Montessori, agad akong nagtime-in bago pumasok sa klase ni Mrs. McKinley.

Kindergarten 1- Sunflower ang hinahandle niya. Observation lang muna ang gagawin ko ngayon. Hindi naman ako nabored. Nag-eenjoy naman ako sa panonood sa mga cute na bata.

As an overall assessment dito sa workplace ko, maayos naman siya. Friendly yung mga teachers tapos kumpleto pa sa mga facilities. Mababait at matatalino rin ang mga estudyante.

Bandang 11 nang matapos ang unang klase ko rito sa SM. Nagmadali na agad akong tumakbo papunta sa kabilang campus. Medyo may kalayuan pa naman dahil dadaanan pa ang Elementary at High School campus.

Hingal na hingal ako nang makarating sa classroom kung saan ang subject ko. Mukang mahihirapan talaga ako ah.

Three minutes before time. Naisip kong magbasa muna dahil sayang naman ang oras kung tutunganga lang ako.

Mga labinglimang minuto pa ang lumipas nang mag-angat ako ng tingin. Marami-rami na rin naman ang tao pero nakakainis lang na wala pa yung prof. Kung alam ko lang na malelate siya, hindi na sana ako nagmadali kanina. Nakapaglunch pa sana ako.

Tiningnan ko naman ang schedule ko. Bukod dito, may isang subject pa ako bago ang vacant. Napahinga na lang ako ng malalim bago muling nagbalik sa pagbabasa. Gusto nang isuka ng utak ko yung ibang impormasyon pero pinilit ko pa ring iabsorb.

"Oh, it's you!" Dinig kong sabi ng isang pamilyar na boses pero hindi na ako nag-abalang mag-angat ng tingin. Hindi naman yata ako ang kausap. "Hey, I'm talking to you, girl."

Napalingon na ako nang may kumalabit sa akin. Agad ko namang namukhaan ang nagsalita. Yun palang Monique look a like na kachikahan ko noon sa pila. "Hi."

"It's Vineer Herrera, remember? I forgot to ask your name." Naupo ito sa tabi ko. "You are?"

Beyond The Amber SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon