05

3 1 0
                                    

#BTASM05

MUNING

Kumunot ang noo niya at halos magsuntukan na ang kilay sa pagsasalubong. "Pinagsasasabi mo dyan? Sana okay ka lang." Tila nawiwirduhan nitong sagot ngunit hindi humihinto sa ginagawa.

"Sagot na lang kasi. Naniniwala ka ba sa mga signs?"

"Alam mo, gorl? Sobrang random ng tanong mo but to tell you honestly? Sometimes I do, sometimes I don't."

"Eh? Ang gulo mo rin. Pakielaborate naman kung kailan yung I do at kailan yung I don't."

"Sa kasal yung I do. Charot." Huminto siya sa pagpipinta at uminom muna ng kape bago nagpaliwanag. "I do, kapag wala na akong choice. I don't, kapag nasa akin ang desisyon. Say, kapag ang sitwasyon ay 50-50 ako or I am so torn para pumili, doon lang ako gagamit ng signs. But if the situation is a win-win or the odds is on my favor, ako na mismo ang kikilos. I don't rely my fate on signs. Hindi rin naman ako sigurado kung tama ba ang interpretasyon ko sa sign na yon. Because sometimes, signs can be confusing and misleading." O-kay.

"Paano naman sa isang losing game? Maniniwala ka ba sa sign kung lalaban ka pa rin o susuko na?"

"I decide my own end, sizt. Hangga't hindi tapos ang laban, no one can decide if I'm losing or winning. Not even a sign sent by whomever that is."

"How about a sign if you should fulfill something that you think you should do yet you will not gain anything from it? Kung lumitaw ang sign na ito, gagawin mo ba?"

She eyed me suspiciously as if trying to decipher what's on my mind.

"Business man ka ba?"

"Hindi."

"Makakasakit ka ba sa gagawin mo?"

"Of course not!" Makakatulong pa nga eh.

"Mabuti ba ang gagawin mo?"

"Siguro."

"Then don't wait for the freaking sign and just go for it."

"Pero wala nga akong mapapala sa gagawin ko at baka maapektuhan pa ang peace of mind ko." I fought back.

"Then why are you so worked up?"

"Because somebody told me so and a tiny voice inside my head agrees."

"Eh 'di 'wag ka nang magmatigas. Kung hindi ka naman pala makakapanakit ng kapwa at mabuti naman pala ang gagawin mo, do it. Wala kang mapapala? Girl, doing good things isn't business. Hindi tayo ganon. We're not being nice and doing good things to gain something. We can do it for nothing in return. Because we can and we must. Paano kung ikaw yung nangangailangan ng tulong at ayaw kang tulungan ng iba dahil wala naman silang mapapala sa'yo? At kung hindi ka talaga okay sa idea na wala kang makukuha sa pagtulong, then think of the possibility na hindi ka na mapapayapa. Yung pinangangalagaan mong peace of mind ay hindi mo na ulit makukuha. Because the fact that you're thinking of it like it's a big deal, it means your conscience will benefit from it once you've done your part. Think of it as an investment. Risky but you'll never know it's future worth."

Natahimik na lang ako. Mataman niya akong tinitigan na parang may inaalam.

"Anong kakeme-an ito?" Tanong niya mayamaya. "Lemme guess. Tungkol ito sa badguy na nagngangalang Elias? Hindi mo alam kung tutulungan mo siya o hindi kaya humingi ka ng sign, tama ba?"

Wow. PolSci student ba siya? Akala ko disipulo ni Nostradamus. Tumango na lang ako.

"Alam mo, sizt? 'Wag na lang. Attitude ka eh. Kung labag sa loob mo, 'wag na. Napipilitan isn't kind enough. Don't do half baked actions. Don't do things halfheartedly. Being neutral will never be wrong but it will never be right also. Kung ayaw mo, eh 'di ayaw. Kung gusto, gora. Why complicate things, 'di ba?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond The Amber SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon