00

4 1 0
                                    

#BTASM00

MUNING

Life is beautiful. It is. It really is. Napakaganda ng mundo. Napakasayang mabuhay sa mundo. That's right, Munhee Cameron. Think only of positivity. Positive vibes. Smile. Huwag kang sisimangot. Huwag kang magagalit.

Pinilit ko ang sarili kong ngumiti.

Ngiti lang, self. Don't let the bad vibes in.

Pumikit ako at nagbilang ng sampu. Huminga muna ako ng malalim bago muling nagmulat ng mata.

Pero parang hindi ko na kaya. Hindi ko yata kayang kumalma sa nakikita ko ngayon. Nagsisimula nang umakyat ang lahat ng dugo ko sa utak. Kinagat ko ang labi para pigilan ang sarili kong magpapadyak sa inis.

Lord, pinsan ko po siya, Lord. Ate ko po siya. Give me strength, Lord. Ayokong mastress.

Binalewala ko muna ang sala namin at naglakad na lang papasok ng apartment. Mahirap balewalain, oo. Lalo na't muntik pa akong matalisod sa nagkalat na bote ng Kopiko 78 at mga papel. Iwinaksi kong pilit sa isip ang imahe ng sala namin na parang dinaanan ng bagyo ft. ipoipo sa kalat— to think na naglinis ako rito kaninang umaga bago umalis.

Nahanap ko sa kusina ang taong may pakana. Nakatalikod siya at sumasayaw sayaw pa sa malakas na tugtog na nagmumula sa Bluetooth speaker habang nakasuot ng pink na apron at may hawak na sandok. Kung signal number 4 ang labas, ang kusina namin ay mas malala. Parang naintensity 7 pa yata ng lindol.

Lord, pinsan ko po siya, Lord.

Pumikit ako at umasang sa muling pagdilat ay mawala na lang ang mga kalat na parang magic.

Pero walang magic. Walang miracle. Nagkalat pa rin ang mga plato at bowl, pinaggamitan na sandok, cups, pan, utensils, eggshells, sumabog na harina, gatas na natapon at kung ano ano pa. Hindi lang sa mesa kundi hanggang sa lapag. Ang tindi ng collateral damage.

Masyadong imposible para magawa ng iisang MALIIT na tao lang. But who am I kidding? Of course it is possible. It's my disaster incarnate cousin we're talking about.

Magsasalita na sana ako nang bigla syang humarap. Lumawak ang ngiti niya nang makita ako, not minding the dark aura that is starting to build up around me.

"Remind me again why did I let this set up happen. Am I sane and conscious when I agreed to live with you?" Pigil ang inis na tanong ko. Imbes na maoffend, she just smiled at me. Goodness gracious. Ang kapal talaga ng baliw na ito. "Don't smile at me like you did nothing wrong. Anong klaseng pagkilos ba ang ginawa mo't ganito kakalat dito sa atin? How could you be so at peace when this apartment is a mess? Paano naman ako makakafocus sa pag-aaral na ganito kakalat ang kikilusan?"

Beyond The Amber SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon