04

3 1 0
                                    

#BTASM04

MUNING

May mga panaghoy na nadidinig lang ng taong naglalaan ng oras makinig...mga panaghoy na nagkukubli sa katahimikan...panaghoy na nagpapanggap bilang karahasan.

That statement alone made me feel so small about myself. Parang ang close-minded ko. Parang ang judgemental ko. Parang ang sama kong tao. Parang hindi ko man lang naiapply sa kanya yung mga natutunan ko.

Yan ang tumatakbo sa isip ko matapos kong magpray at magdevotion.

Is it wrong to think that he's not really someone who should get attention from me? Is it wrong to distance myself from someone who will do no good and won't be of help to me? It's not totally bad. But it's kinda selfish on my part. So that time, I prayed hard. I prayed for God to give me a sign. I shouldn't concern myself on him but my conscience told me otherwise.

I need a sign. If the heaven wants me to get involved, I need a rainbow within this week or next. It's silly to ask that, I know. Kalagitnaan ng August. Medyo maulan. It's most likely to show up but it didn't.

It seems to me that the heaven wants me to just stay put and just let fate do the honor of teaching that guy a lesson. The whole week and next just happened like usual. Mornings in Kindergarten 1-Sunflower is my energizer for a tiring day ahead in the college campus as a student. May mga araw na maraming ginagawa pero may mga araw na sobrang sabaw.

Narealize ko rin kung gaano kachallenging ang magjuggle ng maikling minuto para umabot sa unang klase ko mula sa trabaho. As of my cousin, ayon, busy pa rin sa sarili niyang mundo. Vineer and I got closer too. And the things with Elias? He's actually worse than I thought.

Nagsisimula nanaman akong maasar sa tuwing maaalala ko kung paano siya bilang isang educ student. Sobrang bastos. Not just once na sinagot niya ng pabalang ang mga prof dahil lang pinagalitan siya sa hindi pagpapasa ng project at requirements. He wouldn't even participate in the recit or group activities. Mas madalas pa nga syang absent kesa sa pasok niya. Classmate ko sya sa halos lahat ng subjects ko that's why it's hard to ignore. What more is, walang pakundangan rin siyang mangharot ng mga babae. Buti na lang, galing sa ibang department. Nakakahiya namang magkaroon ng isa pang future teacher na walang delicadeza sa katawan. Dapat hindi igrant ang good moral nila sa highschool pa lang eh. I really don't wanna get involved.

Beyond The Amber SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon