01

4 1 0
                                    

#BTASM01

MUNING

"Oh? Legit? Kailan ka magtatake ng entrance exam?" Tila excited na tanong sakin ni ate Kuting nang mabanggit ko sa kanyang nag-apply ako for scholarship sa SIASI. Sinclair Institute of Arts and Sciences International, isa sa mga prestigious, elite and private college dito sa bansa. Hindi madaling makapasok doon. Dadaan ka muna sa butas ng karayom.

"Oo nga. Hanggang Friday pa naman next week open ang admission. Next Saturday naman yung Screening at Entrance Exam." Dagdag ko pa habang naglalagay ng mga plato sa mesa. Nandito kasi kami ngayon sa bahay ni Lola. Every once in a while, may family gathering kami. Kaya kasama ko nanaman ang madaldal kong pinsan.

"Ay 'usto ko yan, gorl! Paano yon? Hindi naman dorm school yung SIASI 'di ba? Saan ka uuwi? Byahe byahe lang pa-Manila to dito, ganern?" Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Syempre, hahanap ng bed space o kaya murang dorm. Common sense naman." Pairap kong tugon.

"Luh, attitude ka ah. Pero bet ko yan! 'Wag ka nang magganon. Mag-apartment na lang us!" Napakunot naman ako ng noo.

"Us? Bakit ka kasama? Hindi ka belong."

"Che! Mag-aapply rin ako 'no! Damot ka ah? Attitude!" Irap pa, girl. "Ay 'te, paano pala yung two years mo sa univ? Sayang naman yon kung magsisimula ka nanaman ng bago."

Napangiti lang ako. "That's the thing. Ikecredit naman daw nila yung mga subject na natake ko na. Walang problema doon."

"Ay bet! Uzg, sizt. Mag-aapply na rin ako. Sasamahan kita hanggang sa dulo ng walang hanggan. Ako na ang magiging apartment mate mo. Doncha worry, mabait naman ako. Medyo maingay lang ng slight, makalat ng slight pero carry na." Ngiti niya sa'kin. Napataas ang kilay ko sa pagdududa.

Beyond The Amber SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon