Kinabukasan, pag pasok ko sa room ay sinalubong ako ni Keo ng ngiti. Ngumiti ako pabalik at dumaretsyo sa upuan ko. Pagkatapos ako pangaralan ni Ari kagabi, natulog na din agad ako. Masyado akong tinamaan sa mga sinabi niya.
"Gale!" Tawag sa'kin ni Iyah. Inayos ko ang bag ko at nilingon siya.
"Bakit?" Tanong ko. Nakangiti siyang naupo sa tabi ko na upuan ni Neri.
"Kita namin yung kagabi. Bakit ka hinatid ni Keo?" Tanong niya na may nang-aasar na ngiti sa mga labi.
"Hindi ko rin alam. Wala naman siyang sinabi" Sagot ko sakanya. Bakit ba nila ako tinatanong? Bakit hindi si Keo ang tanungin nila?
"Baka gusto ka niya?" Tanong niya at sumulyap kay Keo na nakaupo sa kabilang side ng second row.
"Ano ka ba. Wala 'yon" Pag tanggi ko. Ayoko mag-assume. Saka isang beses lang naman 'yon.
"Sus, tingnan mo, sa susunod na linggo o buwan aamin na yan" Sigurado niyang sabi at nginitian ako ng nang-aasar.
"Hindi mo ba type si Keo?" Tanong niya. Napa-isip naman ako.
Maitsura naman si Keo, balita ko nga ay madaming may gusto sakanya. Mukha rin naman siyang matalino at mabait.
"Hindi ko alam?" Sabi ko. Saka kaalis lang ni Levi, parang ambilis naman kung papalitan ko agad. Pero di naman kami mag jowa o mag ex, anong masama don?
Bumalik na si Iyah sa pwesto niya dahil dumating na ang prof namin sa BaSuri. Wala din naman masyadong ni-lesson kaya nakatulog ako habang nag k-klase.
Nagising ako lunch time na. Last subject namin ang BaSuri bago mag lunch kaya ayos lang. Wala na masyadong tao sa room. Grabe wala manlang gumising sa'kin.
"Buti naman gising ka na, antagal mo matulog ha" Napalingon ako sa nag salita.
"Ari?? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Prenteng-prente siyang naka-upo sa pwesto ni Neri.
"Sabay tayo kumain, may k-kwento ko sa'yo, dali!" Atat niyang sabi saka hinila na ko palabas ng room.
Lutang na lutang pa 'ko hanggang sa makarating kami sa canteen. Siya na ang pinabili ko ng pagkain dahil baka kung anong katangahan ang magawa ko.
Pag dating niya ay nilantakan ko agad ang bicol express na binili niya. Ang sarap! Shemay!
"So, eto na nga yung ik-kwento ko" Excited niyang sabi. Uminom siya ng tubig at kinikilig na humarap sa'kin.
"Crush ko na ata si Dean" mahina pero may tili niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko at napatigil sa pag kain.
"Dean? Yung kaklase mo nung kinder?" Di makapaniwalang tanong ko. Kaklase niya kasi ngayon yung kaklase niya nung kinder.
Kilig na kilig naman siyang tumango.
"Gusto ka ba?" Tanong ko sakanya. Napasimangot siya at sinamaan ako ng tingin.
"Alam mo? Panira ka. Sakalin kaya kita diyan?" Naiinis niyang sabi kaya tinawanan ko siya. Ayan kase, lagi niya akong inaasar na 'di magkakagusto si Levi sa'kin, karma.
Buong lunch time ay inasar at binara ko lang si Ari dahil ang bilis niya mapikon ngayon. Tawa ako ng tawa sakanya. Bumalik na kami sa room namin, nanahimik na 'ko sa pwesto ko. Unti-unti ko na talagang natatanggap na wala akong makakasama sa classroom na 'to buong taon.
Pag patak ng alas singko ng hapon nagpaawas na ang prof namin. Medyo madami-dami kaming assignments ngayon kaya hindi ako makakagawa ng maayos sa dorm. Balak ko sana ayain si Ari mag Bon App kaso may groupings daw sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/248503426-288-k867846.jpg)
BINABASA MO ANG
Huling Sandali (On-going)
RomanceMahirap mag mahal ng taong hindi ka mahal. Yung walang kasiguraduhang mapapa-sa'yo. Pero, hindi ba mas masakit mag mahal ng taong hindi pa tapos mag mahal ng iba??? Susugal ka ba o hahayaan mo ang sarili mo na mahalin nalang siya ng hindi niya alam...