Just when I thought everything was going smooth, something happened.Pagkatapos ng isa o halos dalawang buwan na mag kasama kami palagi ni Keo, bigla siyang hindi nagparamdam.
Hindi na niya ako kinakausap. Sa chat man o sa personal. Naging ilag siya sa akin at hindi ko alam kung ano ang rason niya. Ni ha, ni ho, wala siyang sinabi. Bigla nalang siyang hindi nagparamdam.
Hindi na ako nag abala na kausapin siya sa personal o sa chat dahil mukha namang desidio siya na 'wag ako pansinin. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit biglaan?? May nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan?? Wala akong ideya at 'yon ang mahirap. Hindi ko alam kung anong nangyari bakit ako bigla iniwasan.
Parang kahapon lang magkasama kami, maayos kami, masaya kami tapos biglang. BOOM! He stopped talking to me.
"Uy, ayos ka lang?" Tanong sa'kin ni Iyah. Doon siya nakaupo sa pwesto ni Neri.
"Oo naman, ba't mo natanong?" Tanong ko sakanya pabalik.
Sinulyapan niya si Keo at nag balik ng tingin sa'kin.
"Anyare sainyo?? Akala ko maayos kayo??" Tanong niya. Huminga akk ng malalim.
"Akala ko din" Mahina kong sabi.
Mahina niyang tinapik ang balikat ko at ngumiti.
"Maayos niya sana kung ano man ang problema niyo" Sabi niya. Ngumiti nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot sakanya.
Alam kong wala akong karapatan manghingi ng explanation dahil hindi naman kami, kahit dahilan lang sana kung bakit bigla siyang hindi nag paramdam ay ayos na sa'kin. Pero kahit 'yon wala akong narinig mula sakanya.
Pag dating ng lunch sumabay ako kay Red. Pinuntahan niya ako kanina sa room at inaya ako na sabay kami kumain.
"Anyare sa'yo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa" Puna ni Red sa'kin.
"Ayos lang ako" Sabi ko at ngumiti.
"Hindi naman. Sinungaling" Sabi niya at inismiran ako.
Hindi ako nag salita, pinaglaruan ko ang natirang beans sa pinggan ko.
"Andito lang ako, Gale. Pwede mo 'ko kausapin anytime. Handa ako makinig sa rants mo" Seryosong sabi niya. Tumingin ako sakanya at tumango.
"Teka nga, dahil ba kay Keo kaya mukhang biyernes santo 'yang mukha mo?" Kunot noo niyang tanong.
"Sabi ko naman kasi sa'yo 'wag kang magpapadala sa mga sinasabi ng lalaking 'yon. Tingnan mo ngayon, ikaw kawawa" Inis niyang sabi. Inubos niya ang tubig sa bote niya saka sumandal sa upun niya.
Banas na banas talaga siya kay Keo. Kahit noong nag k-kwento ako tungkol sa'min ay hindi niya na talaga gusto si Keo.
Buong lunch ay wala akong gana. Inaya pa ako nila Iyah mag gala after class pero umataw ako. Gusto ko muna mapag-isa. Gusto ko mag-isip.
Habang nag lalakad ako sa hallway ng building namin nakita ko si Ari, kasama niya yung mga bago niyang kaibigan sa section niya. Ayoko na siyang istorbohin, masisira ko lang yung maganda niyang araw.
May nakilala ako na bagong kaibigan, kinakapatid siya ni Ari. Nagka-usap kami nung sumabay siya sa'min ni Ari mag dinner last week. Sad to say, kaibigan niya rin pala si Keo. Bestfriend to be exact.
Tumambay ako sa Bon App mag-isa. Imbis na magmukmok ako dito gagawa nalang ako ng requirements sa school. Hindi naman ako broken hearted, sadyang nacu-curious lang talaga ako kung ba't bigla siya nanlamig.
I'm starting to doubt my worth and it sucks. It doesn't feel good.
I focused on my assignments. Pati pag rereview ay ginawa ko na mawala lang kahit saglit sa isip ko si Keo at ang dahilan niya.
BINABASA MO ANG
Huling Sandali (On-going)
RomanceMahirap mag mahal ng taong hindi ka mahal. Yung walang kasiguraduhang mapapa-sa'yo. Pero, hindi ba mas masakit mag mahal ng taong hindi pa tapos mag mahal ng iba??? Susugal ka ba o hahayaan mo ang sarili mo na mahalin nalang siya ng hindi niya alam...