"Huy, tara dito dali!" Tawag niya sa'kin. Nakangiti siya ng malapad at nakataas ang kamay habang inaaya ako papunta sa pwesto niya. Pati ang mga mata niya ay ismo'y nakangiti rin.
Tumango ako at nakangiting naglakad palapit sakanya. Nasa kanang kamay niya ang paborito niyang inumin - wintermelon milktea. Naupo ako sa tabi niya at inilapag ang bitbit kong bag sa lapag. Tapos na ang klase namin at sinundo ko siya sa classroom niya.
Nandito kami sa lugar kung saan mahilig kami tumambay pagkatapos ng klase. Sa lugar kung saan kaming dalawa lang ang may alam. Pinag-uusapan namin ang mga bagay na basta nalang pumapasok sa isip namin. Kahit ano o sino pa 'yan ay hindi kami nawawalan ng pag-uusapan.
"Madalas tayo dito pero namamangha parin ako sa ganda ng lugar na 'to" Mangha niyang sabi habang nililibot ang tingin sa paligid.
Tinitigan ko ang mukha niya at saka tumango.
"Maganda nga" sabi ko habang nakamasid sakanya. Masaya siyang uminom sa milktea niya bago ako nilingon.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya bigla na nagpabalik sa'kin sa realidad.
Realidad kung saan walang kasiguraduhang mapapa-saakin ang babaeng katabi ko.
Nag-iwas ako ng tingin bago tumango.
"Oo naman" Sagot ko at tumingin nalang sa harapan ko. Tinitigan niya pa 'ko saglit bago tumingin sa harapan niya.
"Alam mo ba, kapag kinasal ako gusto ko simple lang pero elegante yung gown ko, tapos dapat para akong nasa paraiso. Gusto ko yung mapapangasawa ko maluluha dahil sa saya, ansarap siguro no'n sa pakiramdam. Pero syempre higit sa lahat, gusto ko mai-kasal sa lalaking mahal ko" Nangangarap niyang saad at animo'y nangyayari na ang gusto niya. Lumingon siya saakin gamit ang nagtatanong niyang mga mata.
"Ikaw ba?" Tanong niya.
Gusto ko na ako yung lalaking maghihintay sa'yo sa altar.
"Kahit ano, basta masaya siya ayos lang sa'kin" Sagot ko na ikinasimangot niya, tila hindi nagustuhan ang sagot ko. Napatawa ako dahil ang cute niya. Mamula-mula ang pisngi niya, dahil siguro sa naarawan siya kanina.
"Ano ba 'yan. Wala ka bang dream wedding ha?" Mataray niyang tanong at sinamaan ako ng tingin. Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.
"Ano ba! Yung buhok ko!" Reklamo niya at sinamaan ako ng tingin.
"Hindi naman ako babae, bakit ako magkakaron ng dream wedding?" Tanong ko sakanya. Napa-isip naman siya at humawak pa sa baba niya. Bahagya akong napatawa sa inakto niya.
"Sabagay, tama ka" Sabi niya at tumango-tango.
"Ah basta! 'Yon ang pangarap kong kasal" May pinalidad niyang sabi at uminom ng milktea niya.
Ang sarap niyang pagmasdan. Yung ngiti niyang gusto ko palagi masilayan, mga tawa niyang parang musika sa'king pandinig, mga kamay niyang nais ko hawakan hanggang sa huli, at ang kislap sa mga mata niya sa tuwing nakatingin sa akin.
Patuloy siya nag k-kwento ngunit wala akong masyado maintindihan sa mga sinasabi niya dahil masyadong nakatuon ang pansin ko sa pagmamasid sakanya. Pakiramdam ko ay bumibilis ang oras kapag kasama ko siya. Wala akong pake kung mag damag ko siya kasama o mag damag siyang mag kwento, hinding-hindi ako magsasawa sakanya.
"Huy! nakikinig ka ba?" tanong niya at pumitik sa harap ng mukha ko. Bigla akong natauhan at nagtatanong siyang tiningnan.
"Ha? May sinasabi ka ba?" Nang-aasar kong tanong sakanya. Sumama ang tingin niya at sumimangot sa'kin.
"Hindi ka nanaman nakikinig eh!" Reklamo niya. Pinisil ko ang pisngi niya at hinarap siya sa'kin.
"Nakikinig ako, sungit" Sabi ko at pinanggigilan ang pisngi niya. Mas lalong sumama ang tingin niya at tinulak ang kamay ko palayo sa pisngi niya.
"Masakit ano ba! Sige nga, anong sabi ko?" nang hahamon niyang tanong at pinagkrus ang braso sa dibdib.
"Sabi mo kung ano-ano nanaman ang in-issue nila tungkol sa'yo. Tama?" Sagot ko sakanya. Lumabi siya at tumango bago yumuko.
"Nakakainis na kaya, lagi nalang nila ko pinagchichismisan kahit 'di naman totoo" Reklamo niya at pinaglaruan ang bato sa paanan niya.
"Hindi mo naman kayang i-please lahat ng tao. May mga bagay na hindi na dapat pinipilit kasi wala namang magbabago o mangyayari sa huli" Sabi ko at pinagmasdan ang pag sayaw ng mga puno dahil sa ihip ng hangin.
Ang babaeng kasama ko ngayon ay ang isa sa pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Binago niya ang pananaw ko. Siya ang dahilan kung sino ako ngayon. Malaki ang parte niya sa buhay ko at gusto ko ay manatili ito hanggang sa huli.
Mahilig akong kumuha ng litrato at siya ang paborito kong paksa. Meron akong album na siya lang ang laman. Ako ang taga-kuha ng mga litrato niya, alam niya man o hindi. Gusto kong mag karoon ng kongkretong proweba ng mga bagay na nangyayari sakanya. Hilig ko rin ang pag gawa ng tula at siya ang pamagat.
"Gale?" Tawag ko sakanya ng matahimik kaming dalawa.
"Kung hindi ako ang maghihintay sa'yo sa harap ng altar, gusto ko ako yung kukuha ng litrato sa pinaka-importanteng araw ng buhay mo" Sabi ko habang naka tingin sa mga mata niya.
Agad kong nakita ang pagsulyap ng lungkot sa mga mata niya. Hindi siya nag-usap at nakatitig lang sa'kin habang nagingilid na ang mga luha.
"Ipangako mo sa'kin" Utos ko sakanya.
"Pangako" Nanginginig ang boses niyang sabi. Ngumiti ako sakanya at hinila siya para yakapin.
________________________________
KimbapKiddingHope you enjoy the prologue!
BINABASA MO ANG
Huling Sandali (On-going)
RomansaMahirap mag mahal ng taong hindi ka mahal. Yung walang kasiguraduhang mapapa-sa'yo. Pero, hindi ba mas masakit mag mahal ng taong hindi pa tapos mag mahal ng iba??? Susugal ka ba o hahayaan mo ang sarili mo na mahalin nalang siya ng hindi niya alam...