Pagkatapos namin mag-usap ni Liam medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi ko akalain na malalim pala siyang tao. Iba yung tingin niya sa buhay, yung tipong parang ang dami niya ng pinagdaan, gano'n. Natuwa talaga akong kausapin siya, madami siyang baon na kwento at mga biro. Buong oras na mag kasama tuloy kami ay panay ako tawa.
Siguro ay 6 kami umalis doon sa sikretong lugar na 'yon. Medyo madilim na rin kasi at walang ilaw sa lugar na pinuntahan namin kaya delikado. Hinatid niya naman ako sa dorm bago siya nag paalam na uuwi na siya.
"Nung isang linggo lang si Keo kasama mo at taga-hatid mo pag-uwi. Tapos ngayon si Liam, ikaw ha" Nang-aasar na sabi ni Ari sa'kin. inirapan ko siya at nilapag ang bag ko.
"Masama bang makipag-kaibigan kay Liam?" Tanong ko. Umiling naman siya.
"Hindi naman, pero baka mamaya mahulog ka diyan ha" Ani niya at kinagat ng ballpen n a hawak niya.
Sa totoo lang ay hindi ko talaga ine-expect na makakapag-usap kami ni Liam ng gano'n. Hindi kasi siya yung tipo na madaldal o mukhang approachable kasi laging walang emosyon yung mukha. Pero mali ako ng akala dahil pala-biro siya at masaya kasama.
Pag higa ko sa kama ko ay saktong nag chat din si Liam.
Liam Gaviola
:Nag enjoy ka ba?
:Oo naman. Masaya ka pala kasama
Sana ay masundan pa yung pag uusap namin, tingin ko ay madami akong matututunan sakanya tungkol sa buhay.
:Syempre, Ikaw kasama ko eh
:Suuusss, bolaaa HAHAHA
:Hindi ah, seryoso 'yon
:Ok, sabi mo eh
"Parang tanga, sis. Ngumingiti mag-isa" Sita ni Ari sa'kin. Binelatan ko siya at muling tinuon ang pansin sa cellphone ko.
Pigil na pigil ako sa pag tawa dahil may ginagawa si Ari at baka ma-distract siya sa'kin.
I will surely have a good night.
Pag patak ng 10 pm nag paalam na 'ko kay Liam para matulog. Maaga kami bukas, baka hindi ako magising sa alarm ko.
Kinabukasan, normal na araw lang naman siya. Wala namang kakaibang ganap na nangyari. Hindi rin kami nag-uusap ni Liam sa room pero nginingitian ko siya kapag nagkakasalubong kami ng tingin.
Lunch time ng maiwan kaming dalawa ni Keo sa room. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o 'wag nalang? Nakikipagtalo pa 'ko sa isip ko kung tatawagin ko ba siya o hindi ng makita ko siyang naglalakad palabas ng room.
"Keo" Tawag ko. Nanlaki ang mga mata ko.
Did I said that out loud? Shit.
Lumingon naman siya sa'kin. Walang emosyon ang mga mata niya. Wala na ang adorasyon sa mga mata sa tuwing nakatingin sa'kin. Totoo nga, hindi niya na ako gusto, o baka hindi niya talaga ako ginusto?
"Bakit?" Tanong niya.
"Uhm...Pwede ba tayo mag-usap?" Tanong ko.
Hindi ikaw ang may kasalanan, Gale. 'Wag kang mahiya. Kung may dapat mang mahiya dito, siya 'yon.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong niya at nilapag ang bag niya sa desk ng teacher.
"Bakit mo ginawa 'yon?" Lakas loob kong tanong. Alam ko ang rason niya, pero gusto ko mismo na sakanya mang galing.
"Anong ginawa ko?" Maang niyang tanong.
Napanga-nga ako sakanya. Nagsisimula ng uminit ang dugo ko sakanya. Kailangan ko kumalma dahil walang mangyayari kung uunahin ko ang init ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
Huling Sandali (On-going)
RomantizmMahirap mag mahal ng taong hindi ka mahal. Yung walang kasiguraduhang mapapa-sa'yo. Pero, hindi ba mas masakit mag mahal ng taong hindi pa tapos mag mahal ng iba??? Susugal ka ba o hahayaan mo ang sarili mo na mahalin nalang siya ng hindi niya alam...