Kabanata 5

8 1 10
                                    


"Hoy, Gale! Gising nga diyan" Rinig kong bulyaw ni Ari sa'kin.

"Maaga pa" reklamo ko at nagtalukbong ng kumot sa mukha.

"What?? Anong maaga pa? Excuse me, alas otso na ng umaga. Akala ko ba papasok ka?" Sabi niya at hinablot na ang bag niya.

"Baka nag hihintay na sa'yo sila Iyah, dalian mo. Una na 'ko" paalam niya.

Pupungas-pungas akong bumangon sa kama ko at nag lakad papunta sa banyo. Pagbalik ko sa kama binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan kung may message sila Iyah.

Sabog ang messenger ko dahil sakanila. Tinatanong nila kung pumasok daw ako at nasaan na 'ko. Meron din galing kay Keo, tinanong niya rin kung papasok daw ako. Ni-reply-an ko nalang sila na papasok ako ng 9 tapos ay pinatay ko ang cellphone ko saka naligo na. Dahil intrams naman nag pants at dept shirt nalang ako.

Habang nag-aayos ng sarili ay naalala ko ang nangyari kagabi.

Pagbaba ko ng kwarto namin ni Ari, dumaretsyo ako sa entrance ng dorm. Gulat na gulat ako ng makita ko kung sino ang nasa labas.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na nanlalaki ang mata.

Napayuko siya at nahihiyang ngumiti.

"A-ah nakita ko kasi yung tweet mo, binilhan kita ng milktea" Sabi ni Liam at inabot sa'kin ang milktea na dala niya.

Yes. Siya yung nag chat sa'kin at sinabing bumaba ako.

"H-hindi mo naman ako kailangan bilhan" Utal kong sabi sakanya at kinuha ang milktea.

"Nasa Bon App pa naman ako, naisip ko na dalhan ka" Sabi niya at napahawak sa batok niya.

Tiningnan ko ang milktea na binili niya. Wintermelon. Paborito ko.

"Thank you!" Sabi ko at yumakap sakanya.

Ramdam ko ang paninigas niya sa kinatatayuan niya. Paglipas ng ilang minuto ay humiwalay na ako. Kita ko ang gulat sa mukha niya. Nanlaki pa ang mga mata niya at nakaawang ang labi.

"Huy! Ayos ka lang ba?" Tanong ko at pumitik sa harap ng mukha niya.

Bigla siyang natauhan at umiwas ng tingin.

"Natulala ka diyan" Sabi ko sakanya.

"A-ah. Ano, una na 'ko" Paalam niya at naglakad na paalis.

"Thank you ulit!" Sigaw ko at inangat ang milktea na bigay niya. Kinaway niya lang ang kamay niya at hindi lumingon.

Napangiti ako ng tingnan ko ang hawak kong milktea. Masaya akong bumalik sa kwarto namin at masayang ininom ang milktea ko. Tinanong pa 'ko ni Ari kung saan galing 'yon pero ngiti lang ang sinagot ko sakanya.

Pag pasok ko ng school nakita ko si Keo na nag iintay sa may entrance. Kumaway ako sakanya at ngumiti.

"Kanina ka pa?" Tanong ko paglapit sakanya.

"Hindi naman, kararating ko lang din" Sagot niya at inayos ang bag niya.

"Weh?? Baka naman kanina ka pa dito?" Naninigurado kong sabi. Napakamot siya sa batok niya at nahihiyang ngumiti.

"Dapat sumama ka muna sa mga kaibigan mo. Hindi mo naman ako kailangan hintayin ng matagal dito" Sabi ko sakanya. Gaano kaya siya katagal nag hintay dito??

"Ayos lang" Sabi niya. Tumango nalang ako at ngumiti.

"Tara na?" Aya ko sakanya.

"Tara" Sagot niya. Sabay kaming nag lakad papasok sa campus. May naririnig akong malakas na kanta na galing sa gym. May pageant ata ngayon, bawat team color ay may representative.

Huling Sandali (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon