Nasa school ako ngayon at nakain ng lunch kasama si Ari. Saglit ko lang din nakausap si Liam kagabi dahil inaatok na rin ako. Hindi siya familiar sa'kin pero kagrupo ko ata siya sa P.E., sabi niya ay gusto daw niyang makipag-kaibigan kaya pumayag ako, wala namang masama 'di ba?
"Ano kayang mangyayari kapag umalis na si Levi?" Tanong ko kay Ari habang nilalantakan niya ang dessert niya.
Nagkibit-balikat siya.
"Hindi ko rin alam? Siguro mawawala na yung atensyon mo sakanya?" Patanong niyang sabi.
"Parang ang imposible naman no'n? Saka feeling ko ay hindi rin" Sabi ko sakanya. Tumango-tango siya at saka tinapos ang pagkain ng ice cream niya.
"Puntahan mo kaya? Makipagkita ka" Suhestiyon ni Ari. Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"At bakit naman ako makikipagkita? Hilo ka ba?" Histerikal kong sabi kay Ari na ikintawa niya. Malapit ko na alagang sabunutan ang babaeng 'to. Kung ano-anong kalokohan ang sinasabi sa'kin.
"At least makikita mo siya 'di ba? Saka magpaalam ka na rin ng personal. Last mo na 'yon" Sabi niya pa na nakapagpa-isip sa'kin.
Makikipagkita ba 'ko? Parang ang weird naman no'n. 'Di naman kami masyado close, nag fe-feeling nanaman ako.
Natapos ang lunch namin na panay pang-aasar at pang-bubwisit lang ni Arissa ang narinig ko. Maagang kukulot ang buhok ko sa bruha 'to.
Naghiwalay na kami ng daan ng makapasok kami sa building namin. Malapit na rin mag recess at baka biglang dumating ang prof namin. May ilang mga kaklase ko ang nginingitian ako kapag nakakasalubong ko o kaya naman ay nakikita ako. Ngumingiti nalang din ako pabalik dahil baka masabihan akong suplada kung iignorahin ko lang.
Pag-upo ko ay nilibot ko agad ang tingin ko sa kabuuan ng classroom, sa pinakadulong linya nakita ko si Liam, yung nag chat sa'kin kagabi. Nginitian ko siya at ng ngumiti siya pabalik ay umayos na 'ko ng upo. Mukha siyang mabait at matino. Yung tipong may pake sa pag-aaral.
Mabilis na lumipas ang mga araw nakaalis na si Levi kahapon at hindi ako nagkaroon ng tsansa na makita siya o makausap man lang, dahil pinili kong 'wag na.
Isang linggo na anag nakalipas at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng mahabang pasensya. Araw-araw akong china-chat ni Liam at sobrang kulit niya. As in, tuwing gabi o umaga lagi siyang may message sa'kin. Minsan ay hindi ko na nga pinapansin pero hindi siya natigil. Buti nalang at hindi niya ko kinukulit sa school dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin sakanya.
"Gale, may sagot ka na sa gen math?" Tanong ni Adrian sa'kin. Nakaupo siya sa upuan sa harapan ko, hindi siya diyan nakapwesto pero lagi siyang nauupo diyan.
"Oo, bakit?" Tanong ko.
"Paturo ako" Sabi niya at nahihiyang ngumiti. Tumango ako at lumapit sakanya para tingnan ang ginagawa niya. Madali lang naman siya, napaliwanag naman kanina ng maayos kaya hindi ako nahirapan intindihin.
Pagkatapos ko siya turuan ay saktong dumating ang teacher namin sa Entrep. Ito ang pinaka-ayoko na subject pero wala naman akong choice kun'di pag-aralan, kaysa naman bumagsak ako.
Pagkatapos ng klase nag-aya sila Neri na kumain sa labas kaya nag text ako kay Ari na hindi ako makakasabay sakanya. Sa totoo lang ay hindi ako komportable kasama sila Neri pero ayaw ko naman na mag-isa at walang kaibigan. Hindi ko kasi sila makasundo sa mga bagay-bagay. Kumbaga ang lagi nilang pinag-uusapan ay tungkol sa mga jowa nila na wala naman ako. Grabe lang, kailangan ipamukha na wala ako no'n??
"Saan niyo gusto kumain? Sa malapit nalang pa 'di tayo gabihin" Sabi ni Anne. Sumang-ayon kami at sabay-sabay na naglakad paalis ng room.
Nakita ko pa si Ari na kasama rin ang mga kaibigan niya. Kumaway siya sa'kin kaya kumaway rin ako pabalik. Paglabas namin ng campus nag-aya sila na mag jollibee nalang dahil yon ang pinaka-malapit dito at biglaan lang din naman nagka-ayaan.
![](https://img.wattpad.com/cover/248503426-288-k867846.jpg)
BINABASA MO ANG
Huling Sandali (On-going)
RomanceMahirap mag mahal ng taong hindi ka mahal. Yung walang kasiguraduhang mapapa-sa'yo. Pero, hindi ba mas masakit mag mahal ng taong hindi pa tapos mag mahal ng iba??? Susugal ka ba o hahayaan mo ang sarili mo na mahalin nalang siya ng hindi niya alam...