Chapter 05

3 0 0
                                    

#SFOYChapter05

"Ito pa 'nak, pagkatapos mong ibigay 'to sa kabilang section yung katabi naman na room nun ibigay mo 'to sa kanilang secretary" bilin naman sakin ni Ma'am Jen at ibinigay sa akin ang papel na may naka-sulat ng mga ipapagawa niya.

She can't attend her classes this afternoon because her daughter called and said there was an emergency. I hope she's okay.

Nandito kami ngayon sa office kung saan dito rin kami nag me-meeting na related sa production ng school paper. Minsan dito ako tumatambay tuwing vacant namin kasi naka-aircon at may space naman kung saan pwedeng maka-gawa ng assignments or other activities.

"I'll go ahead, Bellinda. Ikaw na muna bahala dito ah, don't forget to lock to the door kung wala pa si Ma'am Shayee mo kung lalabas ka na." she reminded me as she was putting her bag on her shoulder and got her keys on the table.

"Yes po. Tapusin ko lang po 'to Ma'am" I said and watched her leave the room.

I glanced at my wrist watch to check what time it was. Since I still have 30 minutes more I chose to continue what I was doing. I was finishing my art work, konteng polishing na lang at makaka-submit na ako this afternoon.

Lunch break namin ngayon at may mga tasks na iniwan sa amin sa last three subjects kanina na dapat ma-ipasa ngayong last period sa hapon. Hindi naman namin ito nagawa during their period kasi nagkaroon kami ng discussion kada subjects and for sure wala akong time na makagawa nito sa room ngayong hapon dahil sunod-sunod ang klase namin at wala kaming vacant ngayong araw na ito.

I have finished the two activities already, itong art work lang talaga ang medyo matrabaho dahil sa one whole white cartolina pinapagawa at no borderlines included.

*bzzt bzzt bzzt bzzt*

[Tol, anjan na ba si Ma'am?] tanong ni Luigi mula sa kabilang linya.

[Ewan ko, wala pa naman siguro. Hindi pa naman time] sagot ko at ni-loudspeaker na lang iyong tawag niya. Wala naman kasing ibang tao dito sa loob at hindi pa ako tapos sa ginagawa ko.

[Hindi pa nga pero Calculus first period natin ngayon at alam mo naman yun, maagang pumapasok] sabi niya pa at naririnig ko iyong ingay ng mga sasakyan sa background.

Strikto kasi iyong teacher namin sa Calculus, bawal ang late kung wala kang excuse letter kundi ikaw ang sasagot ng unang tanong niya at kapag hindi ka naka-sagot ng maayos maraming follow up questions na ibibigay.

[Grr, teka lang hindi pa kasi ako tapos doon sa activities na pinapagawa sa atin. Nasaan ka ba?] sagot ko at mas binibilisan na iyong pagpa-polish sa ginagawa ko.

[On the way na kaso medyo traffic, may nangyareng aksidente ata kaya maraming tao dito sa may diversion. Nag commute lang kasi ako, sa bahay ko ginawa yung mga activities eh] sagot niya at may narinig nga akong tunog ng ambulansya. Bigla namang tumayo ang mga balahibo ko sa aking narinig at bigla kong naalala si Ma'am Jenny.

[Bilisan mo na] sabi ko naman. Sa wakas, natapos ko na rin 'yong art work ko.

[Sige, sabihan ko yung driver na bilisan na, sabihin ko pinapa-sabi nung president ng org namin] sagot naman niya na medyo pasigaw dahil maingay sa lugar kung nasaan siya.

[Baliw! Bilisan mo na talaga kasi time na. Hindi rin kita papa-kopyahin ng notes] pananakot ko sa kanya at niligpit na iyong mga gamit ko.

[Damot, kaya walang jowa. Ito na umaandar na yung jeep. Sabihan mo na lang teacher natin kung bakit ako male-late] bilin niya pa.

[Tse! Ayoko nga, who you?] sagot ko at itinaas ko pa ang kaliwang kilay ko kahit hindi naman niya makikita.

[Grrrr! Libre kita choco juice mamaya!] gigil na gigil niyang sabi. Natatawa naman ako sa kanya, sasabihan ko naman talaga yung teacher namin kahit hindi na niya ako i-libre eh kung sakaling ma-late man siya, gusto ko lang talaga inisin ito kapag may pagkaka-taon.

Sweet Field of Yesterday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon