Paunawa:
Ang istoryang ito ay isa lamang kathang-isip. Mga pangalan, pangyayari, lugar at kung ano pa ay puro mga gawa gawa lamang ng manunulat. Ito lamang ay isang kathang-isip kung kaya't meron mang pagkakapareho sa iba o ano man yan, ay isang aksidente lamang.
Monay
______
Chapter 1
Miss you.
Nakaupo ako sa isang bench malapit sa harapan ng Saint Ima Church habang nagcecellphone ka text ang boyfriend ko na si Matt. Matagal na kaming dalawa. Since college, 4th year. Almost two years and still going strong pa rin. Nagbeep ang phone ko at nakita kong si Matt yun, napangiti ako.
Nagreply ako habang may subo na lollipop.
Matt
Where are you?Ako
Infront of Saint Ima church here at the bench. I'll wait.Pinatihaya ko yung paa ko dahil mas komportable ako sa ganun. Oo babae ako pero kung kumilos parang jowa ko lang haha. Well I don't still mind, this is my life. At ayos lang kay Matt kahit na parang lalaki ako minsang kumilos. Hindi naman daw yun yung minahal nya sa akin kundi kung gaano ako katotoo sa sarili. Ayokong nagsisinungaling dahil makasalanan yun pero minsan kailangan din nating ng 'white lies' para lang pagtakpan kung ano man yung nararamdaman natin.
Nagbeep ito at nakita ko yung reply nya.
Matt
I'm coming.Ako
Bakit? Asan kaba? I miss you :(Nakita ko na lang na nagriring yung phone ko at nakaregister dito yung pangalan nya.
"Hey baby! Sorry, matagal akong nakaka reply sayo. Nagdadrive kase ako e and medyo traffic ngayon." aniya na bungad agad. Napabuntong hininga ako.
"I'm sorry, excited lang ako na makita ka ulit. I miss you." Lambing ko.
"Miss you more baby. Papatayin ko muna itong tawag dahil nagdadrive ako. Bye love you." aniya.
"Miss you too! And i love you too. Sige na, ingat sa pagdadrive." sabi ko.
"I will baby."
Saka patay nito sa tawag kaya napangiti na lang ako. Ngayon kase yung date namin kase ngayon lang sya free, baka sa susunod hindi na tas ngayon lang kami magkikita ulit.
Nagtatrabaho kase ito sa ibang syudad at medyo malayo dito sa amin. Long distance relationship aniya. Nung una hindi ko talaga kaya pero dahil naisip ko rin na pangalawa ito sa pangarap nya kaya pinagbigyan ko na. Syempre ako yung una daw na pangarap nya kaya nung sinagot ko sya nung mag dalawang taon at mahigit na rin, napagpasyahan nya na abutin naman yung pangarap nya bilang isang marines. Kaya naman kahit magkalayo kami nakukuha nya pa rin akong tawagan at magkakamustahan kami hanggang sa matapos ang gabi. Buti nga hindi nya pa rin nakakalimutan yung mga importanteng okasyon, katulad na lang nito. Kaya kahit mahirap yung ganitong relasyon e nahahandle naman namin. Minsan din kaming nag aaway, syempre hindi yan maiiwasan lalo na kung gwapo, mabait, caring, at gentlemen yung boyfriend mo, hindi maiiwasan na lapitin sila ng babae kaya minsan pinag aawayan namin yun pero dahil ayaw nya na nagtatagal yung away namin, hindi pa umaabot ng bente-kwarto oras susuyuin na ako nito agad. Kaya mas lalo ko syang minahal. Mas lalo akong nahuhulog pa sa kanya. Kaya dapat may tiwala kayo sa isa't isa para mas mahandle nyo ng maayos yung relasyon nyo ng boyfriend/girlfriend mo at loyalty.
Napalinga ako ng mapansin ko yung lalaki na nakahoddie at naka eyeglasses ng makapal habang tinutulungan yung matandang babae na tumawid sa kabilang daan. Sobrang ingat nya dito sa matanda at nung nakatawid na ito tumawid ito pa balik kaya nagsalubong tuloy yung tingin namin.
YOU ARE READING
I SEE YOUR PAIN
Teen FictionWe always ignore the ones who adore us, and adore the ones who ignore us. - Ferry