Chapter 7
Bakit ka ganyan?
Nasa sala ako habang nagvavacuum. Ganito na lagi yung ginagawa ko lalo na pagboring ako, trabaho, kain, nood at kung ano ano pa yung libangan ko. Well, mahigit dalawang buwan na rin ako dito kaya medyo sanay na ako sa ganitong trabaho, yung bang kahit hindi mo alam matutuhan mo na lang dahil sa sobrang bagot mo.
Pinahid ko yung bawis sa noo ko gamit ng likod ng palad ko saka ako nagpatuloy.
Kumuha ako ng baso saka ng salin ng tubig galing sa pitcher, halos makalahati ko ito. Maaga kase ako nagsimula, para excersise na rin. Feeling ko kase tumataba ako.
Puro kain tulog tas minsan hindi rin naman ako nakakapag linis lalo na pag andito si Mr. Hong. Mas maaga pa kase sya sa manok magising. Ewan ko nga kung natutulog pa ba sya. Pero dahil wala dito si JD at Mr. Hong eh ginagawa ko na yung dapat gawin.
Naglaba rin ako tas ngayon magluluto na ako para pagkauwi nila handa na lahat, kakain na lang.
Niready ko lahat saka ako nagsimula dahil may manok sa ref, tinola at adobo na lang.
Habang nag gigisa ako nagtitinola na rin ako. Multi task ang peg. Tinikman ko kung maayos ba yung lasa at ayos naman. Masarap.
Kaseng yummy ni papa Travist, yung dating crush ko na tae na ngayon. Mas yummy pa rin si JD-ano ba yan.
"We're here" Aniya ng boses na bago lang kakapasok, ka sunod si Mr. Hong na may dalang mga bag. Malalaking bag.
"Bakit pawis ka?" Sabay lapit nito sa akin, akmang hahawakan nya ako kaso pinigil ko.
"Wag mo akong hahawakan baka madikitan ka ng pawis ko. Ang bango mo pa naman." aalisin ko sana yung pawis sa noo ko kaso ginawa pa rin nito. Napanguso ako.
"I don't care and gusto ko rin naman. Gusto mo bang magpapawis din ako para pareho na tayong pawisan?" suhestiyon nito. Mas lalo akong napanguso.
"Ewan ko sayo. Umupo ka na nga lang." utos ko sabay turo gamit ng sandok kung saan sya uupo.
"Mr. Hong, ikaw muna yung tumapos nyan."aniya, saka turo sa akin."...At ikaw maligo ka muna saka kita yayakapin." nakangisi nitong saad.
"Akina Miss Ferry. Maligo ka na at baka hindi makapag pigil si Senorito Daniel at totoohanin nya. Mahirap na baka isa lang yung may tama tas kawawa naman yung isa." ani ni Mr. Hong saka kuha ng sandok sa akin.
Ano bang pinagsasabi nitong si Mr. Hong at ang lalim ng hugot?
Binalewala ko na lang ito. Baka kase hindi pa sinagot ng kanyang mahal,aba nanliligaw ba naman haha.
Anyway, wala naman sa edad yang pag-ibig-ibig na yan. Nasa tao yan charot.
Inabot ko ito at inirapan si JD na nakangiti lang sa akin.
Baliw. Baka may saltik na'to. Anyway, araw-araw naman yata. Naku po!
"Che!" sabay martsa ko paalis.
Sumigaw ito at halos mamula yung mukha ko.
"Don't worry! May kasama pang halik kung gusto mo, willing naman ako." aniya saka natawa.
"Sayo na yang halik mo!" sigaw ko pa balik saka sarado ng pinto.
Kahit gusto ko pero ano yan? Walang label? Saka malabo naman na mangyari yun.
Napahawak ako sa puso na sobrang lakas ng kabog nito yung ultimo pati paghinga ko ang bilis. Sinampal ko yung mukha ko.
Baka kase panaginip lang kaso malabo eh. Halos sa loob ng dalawang buwan naging ganyan na lang sya bigla, yung bang naging sweet na lang sya tas ang hilig magpakilig.
YOU ARE READING
I SEE YOUR PAIN
Teen FictionWe always ignore the ones who adore us, and adore the ones who ignore us. - Ferry